Pages

Wednesday, August 31, 2011

Why I Love September 2011!

America’s Next Top Model All Stars! September 14!

  

Miss Universe 2011, September 12! Please vote for Shamcey by clcking this.

At ang pinakamasaya sa lahat!

September 6! Alam niyo na yan… Haha!

Super Bass

Naghahanap ako ng video na ipopost ko. Since marunong na ako maglagay ng video using Window’s Live Writer, dapat astig ang unang video. Pagkabukas ko ng Youtube, ito kaagad ang unang lumabas!

Wahahaha! Alam na siguro ng lahat na baliw na baliw ako kay Taylor Swift! Nablog ko na rin na nagrap siya. Gusto ko din ang Super Bass ni Nikki Minaj, at perfect na perfect itong video na ito para sa una kong post. Enjoy mga peeps!

Tuesday, August 30, 2011

Taxi Cab

Hindi mo maintindihan kung pagod ka lang o badtrip ka talaga. Pagkatapos mong magyosi, pumara ka na ng taxi. Umuulan ng umagang yun, masyado ka ng stress para lakarin pa ang daan papuntang EDSA galing sa gusaling pinagtatrabahuhan mo.

Sumakay ka sa unang taxi na pumara sa harap mo. Sa tabi ng driver ka umupo, kasabay ng pagsabi sa hangin ng “Guadalupe po.”

Gusto mong uminom ng umagang yun. Tinignan mo ang cellphone mo para lang icheck kung may mga gising pa sa mga kaibigan mo kaso walang nakaalala sa iyo. Tulog na sila siguro.

Sa sobrang inis mo, hindi mo pinapansin ang tao sa tabi mo. Nakatingin ka nalang sa bintana at pinapanood ang ulan, ang mga ilaw, ang kalawakan na tila nakikidalamhati sa kamalasan na pinagdaraanan mo. Alam mong konti nalang iiyak ka na, kaso sabi mo sa sarili mo para ka namang tanga kung iiyakan lang ang hindi pagbibigay sa iyo ng weekend off. Ang off na halos kalahating taon mong pinaglalaban para lang sa mapa sa iyo ay hindi mo pa rin pala makakamtam.

Habang nanahimik ka, naramdaman mong may sumagi sa hita mo. Napatingin ka sa driver at dun lang bumalik ang ulirat mo. “Parang ang lalim ng iniisip mo, Sir ha. San po ba kayo sa Guadalupe?” Bago ka sumagot, napansin mo na mas bata sa iyo ang driver, maputi, maganda ang mata, at mapula ang mga labi. “F. Yabut po, sabi mo.”

Nagpatuloy ang pagtakbo ng sasakyan. Niyakap mo ang bag mo kasi nilalamig ka na.

“Sir, gusto mo hinaan ko po ang aircon?” Sabi ng taxi driver.

“Hindi wag na, ganito lang talaga ako kapag bagong sakay sa taxi. Ginawin.”

“Ah… ano po bang iniisip niyo?” Marahang niyang sinabi.

Napatingin ka sa kanya. Alam mo na madadaldal talaga ang mga taxi driver pero ngayon lang nangyari sa iyo na may nagtangka sa iyong magtanong kung anong iniisip mo.

Napangiti ka nalang, “bakit, obvious an obvious ba na may iniisip ako?”

Napatawa lang siya, “Oo. Pero hindi ka mukhang problemado, badtrip ka lang.”

Putang Ina! Tama siya.

Nagpatuloy ang cute na driver, “Siguro nabawasan ang sweldo mo, o hindi naapprove ang leave mo, baka may nakasagutan kang Amerikano, o baka kaya hindi napunta sa iyo ang gusto mong schedule. Tama ako, ano?”

Putang ina ulet. Tama na naman siya. Hindi ka makapaniwalang tama siya! Ang badtrip na nararamdaman mo ay biglang napalitan ng paghanga. Bigla ng may ngiti sa mga labi mo dahil hindi ka makapaniwala sa mga nangyayari. Pero ang nasabi mo nalang, “parang ganoon, minsan may mga bagay lang sa trabaho na hindi nakakatuwa at parang mas gusgustuhin mo pang magresign. Pero, teka, pano mo nalaman?”

“Yan kasi ang normal na sinasabi ng mga call center agents na pasahero ko,” Sabi niya. “Pero Sir, kung isa man sa mga sinabi ko ang nagpapabadtrip sa inyo, isipin niyo nalang, at least hindi kayo nagtatrabaho ng buong bente kwatro oras. Hindi niyo kailangan makipagagawan sa mga pasahero para makaboundary lang. Minsan pag mamalasin pa, ang kita mo ng buong araw, mapupunta lang sa mga korup na opisyal. Siguro may dahilan bakit ganoon ang nangyari sa opisina niyo pero hayaan niyo nalang, ang mahalaga sa mag panahon ngayon ay may kinikita kayo sa malinis na paraan.”

Hindi mo na napigilang tumawa.

“Ayan buti hindi ka na badtrip, saan ba ang sa inyo dito?” Wika niya.

Napansin mong malapit ka ng bumaba. Kinuha mo na ang iyong pitaka at naglabas ng isang daan. Pero may nakita ka pang extrang singkwenta kaya kinuha mo na rin. Pinahinto mo ang taxi sa kanto na normal mong binababaaan. Pagtingin mo sa metro, “PHP 103.00,” binigay mo ang pera sa iyong mga kamay sabay sabing, “keep the change ha.”

“Sobra ito sir. Saglit lang at magpapabarya ako,” Sabi niya.

“Wag na, kulang pa yan kumpara sa mga nagawa mo sa akin ngayong gabi, salamat ha, malaking bagay ang mga sinabi mo.” Sabay bukas ng pinto, at bukas ng payong.

“Sir saglit lang,” pigil niya. “Resibo niyo po.”

Oo nga pala. Kailangan ng magantay ng resibo kahit sa mga taxi. Paglabas ng resibo, kinuha niya ang ballpen niya at may sinulat sa likod nito. Hindi mo na ito pinansin kasi nagmamadali ka na, pagkaabot niya nito sa iyo, dali dali ka ng naglakad pag uwi. Tinignan mo ang sinulat ni Taxi driver at natawa ka lang, Paolo ang pangalan niya, may number, mayroon ding salitang “salamat” at may smiley.

Monday, August 29, 2011

No Permanent Address

Nung bata pa ako, pangarap kong lumipat ng bahay. Ngayon, alam ko na na dapat ka talagang mag-ingat sa mga pinapangarap mo, kasi nagkakatotoo siya.

Simple lang ang bahay namin sa Muntinlupa. Nakatira kami sa isang subdivision, tapos sa subdivision na iyon pwede mong ipa-renovate ang bahay niyo ayon sa kagustuhan niyo. Bungalow style ang bahay namin, may tatlong kwarto, asa main road kaya madali mong malalaman na bahay na namin yun. Kapit bahay namin ang mga pinsan ni Mudra, yung iba naman mga tagalog din kaya madaling pakisamahan. Masayang tumira sa isang subdivision, alam mo yung pakiramdam na halos lahat ng nasa lugar niyo kilala mo, na makikita mo yung mga kababata mo na tumanda sa mga mata mo, tapos makikita mo rin kung pano umunlad ang mga kapit bahay mo habang kayo, ganoon pa din. Mga ganoon. Pero lahat ng kagandahan ay may kapintasan, ang panget lang, lahat ng storya sa bahay niyo, imposibleng hindi makarating sa iba. Laganap ang tsismis kahit saan ka pumunta.

Balik tayo sa pangarap ko. Hindi naging ganoong kaayos ang buhay namin. Dumating sa punto na kailangan na naming iwan ang bahay sa Muntinlupa. Si Pudak kasi, sumama sa ibang babae, at dalawa lang ang option noon, either Cavite or Quezon. Asa fourth year high school na ako nung pinapili ako ni Mudra kung saan ko daw ba gusto, kasi alam niya na nasa maganda akong school at sayang naman kung hindi ko na itutuloy doon. Pinili ko ang Cavite, bukod sa alam ko na kakayanin ko namang maguwian from DasmariƱas to Muntinlupa araw araw, di hamak naman na mas okay naman sa DasmariƱas kaysa sa Quezon kung saan kailangan mong maglakad ng pagkalayo layo para makapasok lang araw araw. Ang problema lang sobrang puyat ako parati, ikaw ba naman ang umalis ng Cavite ng quarter to 5 ng umaga tapos umuwi ng past 9 ng gabi, pag hindi ka pa napuyat diba? Minsan naranasan ko na ding umuwi ng one o clock dahil sa paggawa ng mga project.

Nung nag college ako sa PUP, same story pa din, ibang location nga lang. Uwian araw araw, gising ng madaling araw tapos uwi ng sobrang gabi na. Nagsisi na ako kung bakit ko pa pinangarap ang lumipat ng bahay. Ang hirap umuwi ng gabi gabi tapos bigla ka nalang babatiin ng mga tambay sa kanto niyo, o di kaya biglang may aso sa harap ng street niyo na kilala kalang kapag umaga. Tapos kapitbahay mo pa ang mga kamaganak mong mukhang pera at walang ibang hobby na gawin kung hindi matahin ang pamilya mo. Hell talaga ang Dasma, kung alam mo lang.

Nung nagworking student naman ako, naisipan kong magbedspace sa Sta Mesa. Finally nakawala din sa conservative na bahay ni Mudra. Nung una, akala ko masaya ang mabuhay ng mag isa pero nung andoon na, ampangit din pala. Ang hirap mag asikaso ng sarili, mahirap mag-isip kung anong kakainin, kung kakain ka ba o matutulog nalang para makatipid, kailangan mong maglaba, magplantsa, at gumawa ng mga gawaing bahay. Mahirap magbudget ng sweldo, gumawa ng paraan kapag nashort ka ng pera, magdecide kung gigimik ka ba o magpapakaboring nalang. Ang hirap maging independent. Siguro ang consolation nalang ng pagiging independent ay ang experience. Matututo kang makisama sa mga tao, makikilala mo ang sarili mo at higit sa lahat malalaman mo kung gaano ka katatag.

Ngayon, since sa Ortigas ako nagwowork, nagboboard pa din ako, sa Makati na nga lang. Sa ibang bahay na nakatira si Mudak at ang mga kapatid ko. Malayo na sa mga epal kong kamag anak pero madami pa ding adik at aso sa kanto. Okay na rin ang buhay namin ngayon.

Minsan kapag naeemo ako, iniisip ko ang bahay naming sa Muntinlupa. Marami kasing masasayang memories doon, minsan nakakagaan ng loob kapag naaalala ko siya. Sa dami kong natirahan, nakakalungkot isipin na kahit marami nga akong masasayang alaala at mga bagong natutunan, masakit isipin na wala namang permanente. Walang permanenteng address, walang permanenteng neighbourhood, wala masyadong permanenteng friends. Lahat sila dumaan lang, its either sila ang unang mawawala o ako ang unang nagpapaalam. Nakakaemong isipin na sa dami kong naging kakilala, karamihan sa kanila, tamang pakikisama lang. Makakasabay mong kumain sa mesa, magantay ng turn para gumamit ng C.R., at makakangitian mo sa daan pero hanggang doon lang.

Iniisip ko ngayon what if hindi kami lumipat ng bahay? What if nag stay lang ako sa Muntinlupa? Lumaki kasama ng mga kababata ko, gumradweyt tapos invited ang buong subdivision, at nagtagumpay at umunlad na kita ng mga kamag anak ni Mudra, will it be a different story kaya? Pano kung naging permanente lang ang mga bagay, magiging masaya kaya?

Dati iniisip ko yan parati pag nahihirapan ako, kapag naeemo ako. Pero nangyari na ang mga nangyari. People grow old, you learn lessons, and everything will just be part of your history. You will have memories, experiences and mistakes that will make you a better individual.

At ang pinakaimportanteng aral ng napakahabang post na ito? Be thankful sa lahat ng blessing at challenges na dumadating sa buhay mo, mabuti man o masama, lahat ng pagdadaanan mo ay magiging parte ng pagkatao mo.

Sunday, August 28, 2011

Bad Attitude

MAGIGING FAIR KA BA SA MGA TAONG UNFAIR SA IYO?

Siguro pag ito ang tinanong sa akin sa interview, for sure, hindi ako matatanggap. Its either magsisinungaling ako sa sagot ko tapos obvious naman sa mga actions ko na hindi ako sa answer ko, or magiging honest ako pero hindi naman katanggap tanggap ang sagot.

Kasi ako, hinding hindi ko gagawin yun!

Alam ko naman na hindi ako masamang tao, pero hindi rin ako mabait. Naniniwala ako sa loyalty, honesty, trust, sincerity and being appreciative the same way na alam kong ang mga bagay na ito ay para lang sa mga nararapat na tao. Alam ko na ang mundo ay hindi laging magiging fair sa iyo. Sabi nga nila, bilog ang mundo, hindi araw araw pasko, pag nadapa ka kailangan mo pa ring bumangon. Minsan kailangan lang nating tanggapin na hindi perfect ang buhay.

Kaya ako, kung ano ang pinakita sa akin, siyempre ganun din ang pinapakita ko. Golden Rule. Karma. You can call it whatever you want, pero hindi ko na siguro mababago ang ganitong ugali ko. Panget man kung tutuusin, pero minsan ganoon talaga, lahat tayo may kapangitan na kailangan nating panindigan. Next post na siguro ang example. Hahaha…

Friday, August 26, 2011

18 Post for August, Yeay!

image

Andok’s Guadalupe

Pauwi ako galing sa work kanina ng bigla akong nagutom. Pagtawid ko sa tulay ng Guadalupe, naisip ko munang kumain sa Andoks bago umuwi. 24 hours siya kaya for sure may pagkain pa, kaso pagtingin ko sarado ang airconditioned area nila kaya for sure sa taas ako kakain, kung saan ginawang beer garden ng mga taga guadalupe ang taas na part. Pero since gutom na ako, deadma na, orer na!

Okay naman ang lahat nung umorder ako, friendly ang mga staff, saka nakasmile. Sizzling Chicken BBQ at Royal ang pagkain ko kanina.

Inaanticipate ko na na madaming nagiinom sa taas pero hindi ko inexpect na kalahati lang ng buong floor nila sa taas ang bukas. Ang sahig, basa, may mga bakas ng yosi sa sahig at sa hangin, at wala pang maupuan. Mabait naman yung staff ng Andoks, hinanap niya ako ng pupwestuhan, pinunasan ang table, kaso nga lang katabi ko yung CR! Oo, katabi yung cr! Sino gustong kumain katabi ng CR! Sabi ko sa sarali ko, kalma lang. Buti nalang may mga lasing na umalis agad kaya nakalipat ako ng pwesto.

Pagkalipat ko ng pwesto, nagantay ako ng pagkain ko, after mga 15 minutes na paghahantay, wala pa din. Tinawag ko ung staff at nagfollow up, pumunta siya sa baba, pag akyat niya, nakangiti niyang sinabi sa ‘kin na, “Sir, wala po kaming pending order. San niyo po ba nakuha ito (habang nakatingin sa number)” Sabi ko sa sarili ko, kalma lang ulet, masyado pang maaga para mabadtrip, hindi ikaw dapat ang mastress sila dapat ang ma stress sa iyo. So nakangiti kong sinabi, “Kuya, Hindi ako magkakanumber pag hindi ako umorder sa baba, wala akong Royal pag hindi ako umorder sa baba, sa tingin mo, bakit ako may kutsara’t tinidor, kung hindi ako umorder sa baba?” Biglang tumakbo yung waiter pababa, pagakyat niya tinanong niya ako kung asan ang resibo ko, doon ko lang napansin na wala akong resibo, dito hindi na ako kumalma, war mode na ako! “Hindi ako binigyan ng resibo!” Tumakbo siya ulet, pagakyat niya may kasama na siyang babae sa cashier ata, Tinanong nila ako ng order ko, sinabi ko at ang sinabi lang ng cashier ay kakacall palang daw. Ibig sabihin noon, panibagong pagaantay na naman.

Since irita na ako, tinawag ko ulet ang waiter. Tinanong ko kung ano ang nangyari sabi niya wala daw nakapending dun sa lugar na pinaglalagyan nila ng order, ung parang sinasabitan ng resibo. Tinanong ko siya kung gaano katagal pa, sabi niya “paantay antay lang po.” Sabi ko, kanselin nalang yung order kong chicken, yung royal nalang ang babayaran ko kasi naimom ko na siya. Siyempre hindi siya papayag, kasi napunch na daw, e kung siya kaya ang ipunch ko, haha!

After 20 minutes, dumating na din ang pinaglalaban ko, kaso wala pa din akong resibo! Tinanong ko yung nagdeliver, hindi ako pinansin, tinatawag ko yung waiter, ayaw din akong pansinin. Badtrip na talaga ako, pero saglit lang, kakain muna ako. Hindi ko rin naenjoy ang pagkain ko, kasi ang alam ko sa sizzling, kumukulo dapat ang gravy niya. Ung sizzling ko, malamig, ung chicken may konting dugo pa, kaya di ko na inubos. Gantihan na ito!

Pagkatapos kong kumain, nilapitan ko yung snob na waiter, hinanap ko ang resibo ko, hindi niya alam. Kapag sumagot pa siya, eksena na talaga ang gagawin ko, so kalmado ko pa ring sinabi na kailangan ko ng resibo ko. Sabi niya sa cashier nalang daw, so baba ako, pagbaba ko nakita ko yung cashier na nagtake ng order ko at hinanap ko ang resibo ko. Sinabi niya sa kin, “Sir, nawala po kasi yung resibo niyo we," WRONG ANSWER! Sinagot ko siya na “paano yanm kailangan ko ng resibo ko?: May kasama na ata siyang parang bossing niya, habang natataranta yung cashier, siya na ang kumausap sa akin para itanong kung okay lang ba na i O.R. yung order ko, kasi daw baka nilipad lang yung resibo ko. WRONG STATEMENT ULET! Sinabi ko, “Kaya tumagal ang order ko? Kasi nililipad ang mga resibo niyo?” Nagmadali silang kumilos dalawa, yung cashier sa pagsusulat ng O.R. ung bossing sa pagsigurado na nakuha ko yung order ko. Tapos bigla kong sinabi na, “alam nu pwede ko kayong ireklamo sa ginagawa niyo! Wag na wag niyong iwawala ang resibo kasi dahil doon, sinasayang niyo ang oras ko! Next time, ayusin niyo ha!” Pagkakuha ng resibo ko, walk out agad.

Hindi naman ako masamang customer we, pero pag may mga masamang pangyayari, kahit ang pinakamabait na tao, nagiging irate din!

 

Sherlock Holmes

Dahil sa sobrang boredom ko kapag duty na ako sa office, wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang mag internet ng lahat ng pwedeng i-internet. Si Sherlock Holmes ang isa sa mga pinagkakaabalahan ko lately, malapit ko ng matapos ang mga short stories niya, natapos ko na rin ang unang book na sinulat ni Conan Doyle. Ang astig astig ni Sherlock Holmes, kahit isang century na ang setting ng mga stories niya, hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha sa mga ideas niya.

Isa pang dahilan kung bakit astig si Sherlock Holmes ay dahil ang swabe ng mga statements niya, ito ang mga sinabi niya na pak na pak!

“It is a capital mistake to theorize before you have all the evidence. It biases the judgment.”

“Eliminate all other factors, and the one which remains must be the truth.”

“Life is infinitely stranger than anything which the mind of man could invent.”

“There is nothing more stimulating than a case where everything goes against you.”

“What one man can invent another can discover”

“Mediocrity knows nothing higher than itself; but talent instantly recognizes genius.”

 

“Education never ends Watson. It is a series of lessons with the greatest for the last”

“To let the brain work without sufficient material is like racing an engine. It racks itself to pieces”

“It was worth a wound; it was worth many wounds; to know the depth of loyalty and love which lay behind that cold mask.”

Ang swabe diba, pero si Sherlock Holmes ay fiction pa din. Pero ang mga sinabi niya, pwede nating i-apply sa tunay na buhay!

Sunday, August 21, 2011

Musicals

I don’t know how to sing which is why I love musicals! Haha… Its always my dream to go to Broadway or the West End just to see all my favorite musicals! I will give you a rundown of my top 5 musicals!

Les Miserables

Les Miserables is a story of redemption and the struggles of its characters during the 1832 French Revolution. I love the musical because of the drama side of it. I’ve watched the 10th year anniversary concert on YOUTUBE and its really outstanding! Lea Salonga’s rendition of “On My Own” really drew attention and a standing ovation.

 

 

 

 Rent

Rent resolves around a group of musicians and artist struggles to survive on New York’s Lower East Side while being under the shadow of AIDS. What’s unfortunate about this musical was its creator failed to see his masterpiece because he died on the day of the show’s first ever performance. If you will say Broadway, you will not miss this. In case you will forget the musical, for sure you will always remember this.

 

 Wizard of Oz

Who doesn’t know Dorothy and her amazing friends, right? This is my new favorite now, taken from the great children book, Andrew Lloyd Webber decided to have the musical reopened. He even created a reality just to find the perfect Dorothy for the show. Check Dorothy on her way to see the Wizard by clicking this.

 

 

 

 Legally Blonde

Omigod! This is my new favorite. I just downloaded almost all of the songs from the show. Taken from the Reese Witherspoon movie, I think that the musical version is way better, it will make you feel much better. It has cool songs, funny scenes and a lot of pink!

 

 Wicked

This show will not be the Musical of the Century if it is not good. The story revolves around the Wicked Witch of the West, Elphaba, from her roots, to studying in Schiz, her friendship with Glinda, the good witch, meeting the Wizard of Oz, and eventually becoming Wicked. I think this is one of the coolest thing that was written and even portrayed. It has funny characters, a great plot, amazing songs, wicked special effects and a valuable moral lesson. Wicked is really inspiring. So inspiring that you will try defying gravity!

 

 

 

There are still a lot of Musicals to see. But if you will ask me for recommendations, these five are a must see!

Sa Isang Pangarap

Nung bata pa ako, simple lang ang pangarap ko. Gusto kong maging Civil Engineer kasi yung kababata kong mayaman, Civil Engineer ang tatay, taon taon atang nagpapagawa ng bahay kaya gusto kong maging Engineer. Kaso nga lang hindi ako marunong mag drawing kaya binago ko nalang ang pangarap ko.

Gusto kong maging reporter! Oo, reporter sa TV. Addict kasi ako sa 5 AND UP dati, tuwing sabado titigil ang mundo kapag 5 and up na, walang pwedeng maglipat ng tv o magutos sa kin ng kahit ano, malaking gulo pag may gumulo sa panonood ng 5 and up ko. Seriously, nakakainggit kasi ang mga reporters ng palabas na yun. Nagagawa na nila ang mga bagay bagay na hindi nagagawa ng mga ordinaryong bata, nakakapunta sila mga lugar, nakakakain ng mga kakaibang pagkain, at marami pang iba. Nakakainggit ang mga ginagawa nila. Dati hinanap ko pa talaga kung paano makapag-audition sa palabas na yun kaso nung nalaman ko na hindi kakayanin ng mga magulang ko ang pagsali ko sa palabas na yun, tinigil ko na rin ang pangarap na yun.

Nung high school naman ako, nagexcel ako sa chemistry. Seriously, iyon lang ata ang subject na nagustuhan ko bukod sa social studies. Kaya pinangarap ko namang maging Chemical Engineer, kasi pakiramdam ko mageexcel ako doon. Sabay tingin sa mga paaralan na nagooffer ng course na yun, UP, UST, MAPUA and ADAMSON ata ang mga school na nagtuturo lang noon. Kaso bagsak ako sa UP, hahaha! Paalam munting pangarap.

Hanggang sa ang nagging pangarap ko nalang ay ang magkadiploma para magkatrabaho agad ng magkaroon ng pera. Bahala na kung anong course ang mahalaga makapagwork agad!

Siguro ganoon lang talaga. Minsan ang mga pangarap natin, hindi natin matutupad pero kailangan pa rin natin para maging gasolina sa ating mga tagumpay. Nung bata pa ako, ang dami kong pangarap, at kahit isa sa kanila wala akong natupad. Pero hindi na rin masama, kasi ngayon iniisip ko nalang kung hindi ako nagkapangarap noon, hindi ako makakarating sa kung anong mayroon ako ngayon. Kung walang pangarap ang isang tao, walang saysay ang mga ginagawa niya.

Ngayon ang pangarap ko nalang yumaman, makabili ng mga gadgets na uso, makakain ng mga pagkain na favorite ko, makapagtravel, yun nalang talaga! Mahirap abutin, pero pag uunti untiin, kakayanin!

Ikaw, anong pangarap mo?

Friday, August 19, 2011

Si Junjun

Haunted daw ang office namin. Ewan ko ba, sa mga kasalukuyang oras na sinusulat ko ito, nagtatakutan ang mga mokong sa office, at hindi ako natutuwa!

Ganito daw kasi yun, madaming instances na may nakita silang bata sa office. Sa isang office environment, anong gagawin ng bata diba? May pangalan na nga siya e, Junjun. Si junjun daw parang bigla nalang tumatakbo sa kung saan, tapos may mga officemates ako na parang nakakaramdam daw na may dumadaan sa likod nila. Minsan bigla nalang umiikot ang swivel chair sa office namin, na wala namang hangin na pwedeng gumalaw sa kanila. Si Junjun may mga barkada din daw na ghost, isang matangkad na lalaki at isang babae na nakikita na nagpaparamdam sa mga CR ng girls. Weird diba? Dahil sa mga kaganapang ito, minsan nagmamadali kami (oo, kasama ako) sa paglalakad sa fire exit.

Hindi naman sa hindi ako takot sa mga haunted stuff. Naniniwala ako sa mga supernatural things na siyempre it also gives me chills and sometimes it causes me to be paranoid. Ang hindi ko lang maintindihan bakit kailangang iexagerrate ng mga tao sa office namin ang mga ganitong thought!

Ang ingay ingay nila! Sa mga oras na itong sinusulat ko ito, ang mga officemate kong babae, ayaw mag cr mag isa. Sila sila ang nagtatakutan sa isa’t isa. Parang mga bata na nagkukuwentuhan ng mga ghost stories tapos sila din naman ang mga duwag. Nakakaasar pa kasi isa ako sa mga pinakabata sa office namin at hindi ko maintindihan talaga ang trip nila. Ang daming kwento, ang daming talak, at pag andito si Nate, sasabihin niya na ang daming hanashi. Hehe… Siguro ginagawa nila yun for the sake of fun at para huwag silang antukin pero sana naman maging considerate sila na may mga taong boring at anti social na ayaw makipagsabayan sa mga kalokohan nila. Alam ko na ngang haunted ang office naming, tatakutin ko pa ba ang sarili ko? Siyempre hindi diba, ayaw ko pang magresign. Mahal ko pa ang trabaho ko.

Pinagdarasal ko nalang ngayon na sana multuhin nga sila, hehe… for sure pag nangyari sa kanila yun, tatahimik ang mga ito.

Tuesday, August 16, 2011

Ang Kwento ng 10,000 Cedis

Kareresign lang ni Lorena sa company namin last January (ata). Actually, hindi na sila nagabot ni Dave. Makulit si Lorie, nakakatawa, matapang, palaban, at sobrang nagjijive kami sa kalokohan. Malungkot din nung nagresign siya, kasi wala na akong partner in crime sa office, pero we always do our best to keep in touch, lagi kaming magkachat sa ym, magkatext, at minsan naguusap sa phone. Lahat ng tsismis sa office, kahit wala na siya sa company, alam pa din niya dahil sa kin. Palagi kaming updated sa mga nangyayari sa aming dalawa, at minsan may mga nakakatawa pa ding pangyayari kahit na hindi na kami magkasama sa isang opisina.

Nangyari lang ito last Friday, normal lang ang lahat sa office. Ng biglang nagchat si Lorie,

Lorena: Buzz!

Lorena: Ano na?

Ako: Uy! Ito ganun pa din. Kamusta?

Lorena: May alam ka bang money changer?

Ako: Haha… so nagpapapalit ka nalang ng pera ngayon? (Wala pa kasi siyang work kaya nagbibussiness siya)

Lorena: Hindi, kasi chineck ko ung isang wallet ko, madaming pera ng ibang bansa, e nung chineck ko ung isang value ng cedi e 27 pesos per 1 cedi, e nung binilang ko, aabot siya ng 270,000 pesos.

Biglang natigil ang mundo ko ng makita ko ang 270,000 sa chat box ko. Deadma muna sa trabaho. Concentrate muna sa chikahan with Lorena. Kaya ang sunod kong reply sa kanya ay:

Ako: Weh? Hahaha…. Wait hindi ko gets ano ang cedi? Cedi ang munting prinsipe? Hehe…

Agad agad, nagbukas ako ng wikipedia para malaman kung ano ang pinagsasabi ni Lorena. Habang nagloload ang screen bigla siyang nag chat na:

Lorena: Cedi is ang monetary curency ng Ghana! hahaha…

Swear, gusto kong mag summersault nung nabasa ko yun. Tawa ako ng tawa dahil of all the currency na pwedeng mapunta sa kanya, bakit ang Cedi pa? 10,000 Cedis pa ang mayroon siya. Hinayaan kong magpatuloy si Lorena sa pagchachat. Sabi niya, binigay daw sa kanya ng isang kaibigan ang ganung kalaking halaga. Nakita niya yung pera nung nililinis niya ang luma niyang wallet. Nung nalaman niya na malaki ang value noon, dali dali siyang naginternet para lang makakuha ng information about sa currency at kung paano mapapalitan ang pera. Sabi ko, try niya sa mga banks, nakapagemail na siya. Nagpost na rin siya sa yahoo answers para malaman kung mayroon ba talagang palitan doon. Hanggang sa sinabi niya sa akin na itatry daw niya sa central bank, at kung pwede ko siyang samahan. Hahaha… Sabi ko na nga ba e!

Naging serious na ang mga susunod na nangyari. Daming pumasok sa isipan ko. Iniisip ko kung paano nga kung mapapalitan namin ang perang iyon sa ganoong halaga? Pak! Winner! Paano naman kung hindi? Okay lang, at least we’ve tried. Paano kung kwestionin kami ng BSP kung saan namin nakuha ang ganoon kalaking halaga, at idetain nalang kami, tapos bigla kaming lumabas sa news? Oh my, kahihiyan!

Sinabi ko nalang muna sa kanya na antayin ang mga reply ng mga banko na inemail nia, sabi ko din na magemail na rin siya sa BSP para sure. Hehe… Supportive ako na friend we, pati sabi ko sa kanya bilhan niya ako ng laptop pag napapalitan namin. Hehe…

Kagabi, magkachat na naman kami. Siyempre pinaguusapan pa din namin ang 10,000 cedis. Ayon sa mga reply sa kaniya, sinabi ng mga banko sa kanya na hindi daw nila napaplitan ang ganoong currency, try daw niya sa central bank. Nagreply din ang central bank, na hindi daw parte iyon ng mga currency na pinapalitan nila, try na daw niya sa Ghana Consulate (Wow, diba? May ganito pala sa Pinas). Nagemail na siya sa Ghana Consulate, at ito ang reply sa kaniya:

“As consulates, please be advise that we don’t exchange currency here in the office.”

Nung sinabi niya sa kin ito, sabi ko tanungin niya, kung san pwede papalitan. Hopia ako we, gusto kong magkalaptop! Ito ang reply,

“I’m sorry, but I also don’t know where you can change it because its something that we never encounter.”

Pak na pak ang reply! Sinabi ko nalang kay Lorena na huwag na kaming tumuloy! At siyempre sa desktop ko pa din sinusulat ang post na ito!

Saan Ka Nagwowork?

Tuwing mayroon kang bagong kakilala, after kang tanungin ng mga basic stuff like pangalan, edad, at kung san ka nakatira, hindi maiiwasan na tanungin ka nila ng ganito.

San ka nagwowork?

Normally, isasagot ko nalang, “Remittance Firm.Clueless si interviewer. Ang ending sasabihin ko nalang, “Parang Western Union, pero saHead Office ako.” Akala mo tapos na ang kalbaryo ko, hindi pa. Pagkatapos niyan, ito naman,

Anong work mo doon?

Haist… Sa mga panahon ngayon, hirap na hirap akong sagutin ang tanong na yan. Kasi minsan ang hirap ipaliwanag ng trabaho ko. Don’t get me wrong, alam ko naman, kaso siyempre kapag ibang tao na ang nagtatanong, mahirap ng magpaliwanag.

Gaya nga ng sabi ko, nagtatrabaho ako sa head office isang Remittance Firm. Ang trabaho ko ay may halong pagiging inbound at outbound call center agent, email support agent, chat support agent, may accounting function, foreign exchange function at higit sa lahat decision making function. May mga branches kasi ang company namin sa abroad kaya parang ako ung middle man between our head office at ng mgaforeign offices namin. Lahat ng problema nila, problema namin! Mula sa mga software na hindi gumagana, mga customers na hindi makapagwithdraw sa card, mga transaction na hindi makuha sa mga mlhullier, at mga nilalang na hindi mo alam kung bakit pa pinapadalhan ng pera, kami ang nagaayos noon! Kami din ang nagsasabi sa mga offices naming abroad ng mga balita dito sa Manila. Promos, advisories, tsismis, etc, amin yun! Kami ang nagrerelay noon! Diba ang kaunti ng trabaho ko? Isipin mo nalang isa kang alalay kung saan lahat ng pwedeng maging boss mo, magiging boss mo! Ayun, ganoon ang trabaho ko! Hehe…

Sabihin na natin na nakuha ko na talaga ang dream job ko, ung tipong asa office ka lang, giniginaw, nakaupo buong shift mo, tapos nagiisip. Hindi mo na kailangan iprogram ang utak mo na sa bawat tanong na pwedeng ibato sa iyo, may sagot. Hindi kailangang ipagpilitan ang mga customer service jargons. At hindi kailangang maconsious sa accent, intonation at diction kasi pinoy naman ang kausap mo. Minsan kahit isipin mo na ang kausap mo nalang sa telepono ay ang nanay mo, pak na pak na!

Masaya ako sa trabaho ko, kasi alam ko na kahit papaano, nakakatulong ako sa mga kababayan ko. Yung tipo ba na alam kong mga bayani (OFW) ang nasusuportahan ko. Hindi na ako nagpapaalipin sa mga kano. Though, hindi ganung kataas ang sweldo, okay na rin kasi nasusuportahan naman ng trabaho ko lahat ng kaartehan ko we. Though mas mahaba ang oras ng trabaho, okay din lang kasi sa min, pag sinabing busy, BUSY ka talaga! Kapag sinabi namang petiks, kulang nalang magdala ka ng unan at kumot at matulog buong shift mo. Petiks ako ngayon kaya ako nakakapagsulat! Haha…

Pagkatapos kong sulatin ito, naisip ko na ang isasagot ko kapag may nagtanong ulit ng “ano ang work ko?” Isa lang, TUMUTULONG AKO SA MGA OFW. Pak!

Monday, August 15, 2011

Si Dave

Isang officemate ko na naman ang magreresign. Hindi na talaga ako sanay na may nagreresign. Ewan ko ba, sa limang kompanya na nagtrabaho ako, hindi ko maiwasan na malungkot at ang manghinayang.

Anyways, pag usapan natin si Dave.

Pumasok si Dave sa company naming nung February. Nursing graduate siya, masayahin, tahimik nung una, at gaya ng sabi ng ibang Clara (kontrabida) sa office, medyo slow daw. Nung naguumpisa palang si Dave, alam ko na nahihirapan na siya sa ginagawa nia. Ikaw ba naman ang pumasok sa isang Financial Institution na ang tanging alam mo lang ay ang parte ng katawan ng tao, pag hindi ka nawindang doon. Sa call center kasi naming siya dapat ilalagay kaso nga since lagi kaming kulang ng tao, pasensiya ka na Dave, pero magtiis ka jan!

Magkaiba kami ng shift ni Dave, morning siya at night shift naman ako. Lagi kaming magkasamang nagyoyosi pag uwian na niya. “Meeting “ ang tawag naming doon. Wala lang, paguusapan lang namin ang mga nangyari sa office, kung pano siya inapi, kung anong ginawa niya, mga tanong about work at marami pang iba. Napuputol lang kasi unang 15 minute break ko lang iyon at siyempre kailangan ko namang magtrabaho. Lahat ng mga pighati (wow) na dinanas niya sa buong araw, sa ‘kin niya kinukwento, mula sa mga bagay na sinasabi at ginagawa sa kanya ng mga Claras hanggang sa mga natutunan niya. Magaling naman si Dave kaso nga lang gusto ng mga Clara sa company namin, dapat unang turo, kuha agad. Dapat pag may sinabi, yun lang ang tangi mong bagay na gagawin. At since trained si Dave sa pagiging pasaway at palaban ko, hindi rin siya sumusunod.

Hanggang sa sinabi nalang niya sa ‘kin na tinanggap na daw niya ang offer sa isang call center. Naubusan na rin ako ng pep talk at ng mga motivation na pwede kong sabihin para kay Dave. Alam ko naman kasi ang mga dusa na pinagdaanan niya, at siyempe ayaw ko na din na pagdaanan pa niya ang mga kalupitan ng mga Clara. Siyempre gusto ko din na malaki ang sweldo nia para may gift siya sa akin sa Christmas at sa unang sweldo niya, may Starbucks ako, hehe. Higit sa lahat, kung saan masaya ang kaibigan ko, doon ako, regardless kung mahirapan, malungkot at magdusa pa ako.

Ang blog na ito ay para sa iyo Dave! Humayo ka at magpaka-becky!

Sunday, August 14, 2011

Reformat!

Binago ko na naman ang theme ng blog ko, hahaha! Hindi kasi ako mapakali, ang gaganda kasi ng mga blogs na nababasa ko. Oo nakakainggit, pero okay lang un, hindi naman talaga madaling gumawa ng blogs. Haist, kung alam nu lang. :D

Saturday, August 13, 2011

On Writing

images (1) When I decided to religiously update my blog, it has been a struggle for me what will I post. I am still not sure what kind of blog am I trying to create. Eventually, I know we will get there. For the mean time, let’s just make Orange Wit a personal blog. To start things off, let me explain why I decided to create a blog.

Aside from practicing my writing skills, I want to be confident with it. I know I can write, however, I am not that confident with it. I know I am more of a speaker than a writer. That may explain the grammatical lapses and some words being omitted on sentences. Having no experience on writing, it has been a struggle. But thanks to the schools I’ve been into, I have a good foundation of English. Some of my post was not even on English, though it’s not an excuse, I think that will make my writing okay.

Like any other bloggers, I write because I want to express things. There are a lot of things in my minds that I want to share with others. It may be an experience, a story, a review and a criticism; as long as it is something worth sharing, I would love to post about it. Blogging also enables me to remember thing. I am planning to make this site a journal of things that matters to me. I want to have a record of things that are important to me.

I may not have readers or followers yet but eventually, we will get there. For the mean time, I will just try to post articles as much as I can. Write until I don’t have stuff to write about anymore. Express myself until all my opinions, view, angst, and joy are recorded. I may not have readers but having a reason to write still matters, for me, that is more important. Great things start from small beginnings, and this blog is just starting, so there is no need to rush. Let’s just take every single thing at a time, eventually, we will get there.

Friday, August 12, 2011

Dreams

I am currently reading Wikipedia’s entry about dreams. Lately, I’m dreaming a lot of things. My mom told me that when your dreaming it means that you are getting a good sleep which is good however my dreams bother me. I know that reading the wiki article will not even help me understand what are in my dreams. But I think understanding what dreams are will be a little help.

As per Wiki, the content of your dreams are not yet understood, sometimes you also forget what you dreamt of when you wake up. Dreams also have a scientific study, Freud also make a book about its interpretation.

How do my dreams bother me? Lately, I’ve been dreaming a lot of things associated with our old house or my old high school. I really cannot remember the details but it always happen, for example, this morning I dreamt that I was in my old high school, in my old classroom, with my old classmates, and all of us, we were trying to shield ourselves from a big storm. I know that it’s raining terribly and we are just there in our room, helping and comforting each other. Weird.

Up to this moment, I am still thinking why there are dreams and what dreams implies. But as per wiki, dreams are highly exaggerated forms of memories. So maybe I just remember my life in Muntinlupa a lot. I think I will just stick to that idea.

Tuesday, August 9, 2011

Glee Project

I am a big fan of glee! Hands down, it’s one of the best shows ever. Unfortunately, it revolves around a high school glee club. High School ends in four years and at some point, people from the current cast need to graduate!

 Glee (1)

Enter the Glee Project!

The-Glee-Project-group-610x729

Ryan Murphy, the producer of Glee created a reality show that will showcase the next glee star. I have been watching the show religiously and never missed a single episode. They started with twelve and after eight weeks, they are now down to four.

 20110724121315!Damian-mcginty-glee-project samuel-glee-project

alex-newell-glee-project  lindsay-pearce-glee-project

Damian, Samuel, Alex and Lindsay were able to survive the whole eight weeks of training to become one of the stars on Glee. They are all good but I am only rooting for one!

GO DAMIAN!

tumblr_lnr002OoFC1qlzw54o1_400 damian-mcginty--1882098823079913643 damian-mcginty-glee-project The-Glee-Project-ep3-Vulnerability-damian-mcginty-23226209-448-300

Taylor Swift Rapping

Totally, the video of the day! Haha… Its so cute. Lyrics is still hers and its really funny what she did at the end. T-Swizzle in the house, y’all!

Monday, August 8, 2011

The Accident

It was raining that dawn; I was standing in front of our house smoking. The morning was pretty ordinary, its cold like it’s always been. Then, I saw a fast motorcycle passed where I stood, after 10 seconds, I heard something clashed. I have idea of what might had happened that time, I said a little prayer then looked at the direction where the sound was coming from, and it was a sight that will not be easy to forget.

The motorcycle that passed my way was now down on the street floor. Its rider is also down. His limbs were in the middle of his motorcycle and the wet street floor. You will see in the Rider’s face that he was in excruciating pain. He looked disappointed, hurt and uncomfortable all at the same time. The poor fellow wasn’t able to get up right away, he was lucky that someone was in the street corner who helped him get up, put his motorcycle at the side of the road and ask him if he was okay. He sat there for a while; I wanted to go to him to ask him if he was okay or if he needed medical attention. But I just watched him from where I stand because I saw him already walking towards a tricycle, then he started to argue its driver.

From what I’ve heard the motorcycle was crossing our street’s intersection when this tricycle just appear on his left, the motorcycle rider lost its balance while the tricycle just lost its composure and hit the sidewalk hurting its drivers toe. I left them still arguing, they still cannot decide whose fault it was and how they will settle it. It was a more pitiful site compared to seeing the motorcycle driver on the street floor. I left because it was no use staying there and watching two people who doesn’t want to settle things.

After all the things that happened I really don’t understand why after an accident, an argument must occur. Maybe that is the problem with most of us, we always look for other’s fault that we failed to recognize our own flaws. That after all the unfortunate things that happened to us, we still have the strength to blame other people rather than to contemplate where we have gone wrong and correct things in a diplomatic way. It is really an attitude that all of us, including me, that needs polishing.

On the contrary, what was good about what happened was that it still nice to know that good people still exists. They may come in the most painful situation but they still do. So whatever accident you are into, never lose hope, one day, someone will pick you up on the wet street floor and will assist you until everything is okay.





Sunday, August 7, 2011

All About Elmer!

My blog looks different now and it will never be possible without the help of a new friend, a fellow blogger, Elmer! He has several blogs and he taught me where I can I get a new template, how to use a Windows live writer, and he just told me to keep on blogging. You can check his blog by clicking on this link. I can say that Elmer was my blog mentor, and I am thankful that I learned from one of the Best!

Elmer, Maraming Salamat!

 

Detective Conan

I have a big passion for Mystery Stories, Sherlock Holmes and Nancy Drew! Okay, I am just trying to write a post, with pictures, using Windows Live! And it is more fitting to do it with my all time favorite detective!

detective_conan_by_dimensi1 1 2 4 5  6

And it is a Success! I’m loving it!

Taylor Swift – Mine

You were in college working part time waiting tables
Left a small town, never looked back
I was a flight risk with a fear of falling
Wondering why we bother with love if it never lasts
I say can you believe it?
As we're lying on the couch
The moment I could see it
Yes, yes, I can see it now
Do you remember we were sitting there by the water?
You put your arm around me for the first time
You made a rebel of a careless man's careful daughter
You are the best thing that's ever been mine
Flash forward and we're taking on the world together
And there's a drawer of my things at your place
You learn my secrets and you figure out why I'm guarded
You say we'll never make my parents' mistakes
But we got bills to pay
We got nothing figured out
When it was hard to take
Yes, yes, this is what I thought about
Do you remember we were sitting there by the water?
You put your arm around me for the first time
You made a rebel of a careless man's careful daughter
You are the best thing that's ever been mine
Do you remember all the city lights on the water?
You saw me start to believe for the first time
You made a rebel of a careless man's careful daughter
You are the best thing that's ever been mine
And I remember that fight, 2:30 a.m.
As everything was slipping right out of our hands
I ran out crying and you followed me out into the street
Braced myself for the goodbye
'Cause that's all I've ever known
Then you took me by surprise
You said I'll never leave you alone
You said I remember how we felt sitting by the water
And every time I look at you, it's like the first time
I fell in love with a careless man's careful daughter
She is the best thing that's ever been mine
Hold on, make it last
Hold on, never turn back
You made a rebel of a careless man's careful daughter
You are the best thing that's ever been mine
Do you believe it?
We're gonna make it now
I can see it
I can see it now

Tuesday, August 2, 2011

BALANCE

Last Friday, Nate and I were exchanging text messages about questions that normally come out on interview. Nate is currently unemployed that is why he ask me if I will be able to give him questions and answer it that way, if the question will show up on his interview, he will be able to answer them confidently.

Since I am a good friend, I give him what he wanted. I told him some of the questions that were ask to me before when I was still applying. I just hope it works for him the way it worked for me before.


If there is one thing that I am really confident at, I may say that one of them is job hunting. For the past seven years that I have been working, most of the interviews that I attended, I pass. I am really not sure how it happens. It seems that every time I am looking for a job, I transform into a different type of being, I become more and more aggressive to the point that my confidence just translate to every single thing I am saying. Unlike most people, I really don’t get scared with questions. I remained calm no matter how tough a query is.


In exchange, Nate taught me how to flirt. He told me the things that he noticed while we were together. That I am really into my position, I am a little intimidating and sometimes I really don’t blend well. He also told me to use toner on my face, to apply a whitening lotion on my body, and to wax my hair. He also did not forget to advise me that I should start to dress well, maybe become a metro sexual or some sort. His ideas were crazy. Some of them were verging on something that I am not used to. Sigh, I don’t know what happened to me! I know that work has overpowered me that sometimes I get so into it I already forgot to take care of myself. It sucks, but it’s true.


What just happened in our conversation just made me realized how magnificent our Lord is. He will never give what everything to you. Some things are definitely your turf and certain stuff needs a lot of polishing. Sometimes, I am wishing that I will be more confident with myself when it comes to interacting, meeting and flirting with other people, though I know that I have a lot to offer, sometimes, I just find it hard showing it without being intimidating, and sometimes cocky. Confusion is hitting me now. The battle between my confident and my timid self is really stressful and upsetting and sometimes it will get ultimately depressing.

Hence, I am still hopeful. Knowing that there are things that I am good and not good at is also comforting. At least, I don’t have to worry of starving because I know that I will land on a job instantly. However, like what I told Nate, victories are useless if you don’t have any one to share it with. Sometimes, it’s not fun. No matter if you created a big difference to somebody, having no one is really sad. Balance, where are you? I really need you now, and I need you fast!