Pages

Friday, September 30, 2011

Aleph

Habang umeepal si Pedring nung nakaraang martes, ako, nakarestday. Bukod sa matulog, tinapos ko lang basahin ang bagong bili kong book ni Paulo Coelho, ang “Aleph.”

Ang Aleph ay ang storya ng pagtravel ni Kuya Paulo sa Trans-Siberian Railway, ito na siguro ang pinakastressful na railway sa world wide earth! It covers 9,289 kilometers at ang buong railway ay napapaloob sa 7 time zones, imagine nalang na habang nagdidinner ka sa Moscow, sa kabilang dulo ng napakastressful na railway, sisikat na si Bukang Liwayway. Ang kagandahan lang railway na ito, parang isang napakalaking adventure na sumakay ka dito kasi babaybayin mo ang buong Asian Continent, exciting diba?

Iba ang trip ni Kuya Paulo sa book. Nung mga panahon kasi na sinulat niya ito, parang masyado ng monotonous na ang buhay niya at punong puno ng routine. Kaya nagdecide nalang siya na bumiyahe para hanapin ang kanyang sarili ang maibalik ang passion niya sa maraming bagay. Doon ko lang narealize na tao din talaga si Kuya Paulo, nasstress, nawawalan ng focus, at minsan kailangan din ng moment para mag isa.

Kung akala mo na kay Kuya Paulo lang umikot ang story, well hindi. Ang Aleph ay story din mga kasama niya sa train. May kasama siyang isang Chinese na translator na nawalan ng asawa’t anak, ang kanyang publicist, may participation din ang kanyang asawa, at may nakilala din siyang Fan na nagpakita sa kanya ng Aleph.

Ano ang Aleph?

Ang Aleph daw ay ang isang point kung saan lahat ay nagsisimula at nagtatapos, lahat ng energy, bagay, pangyayari, tao, andoon. Para siyang isang path sa isang dimension kung saan makikita mo lahat, mararamdaman mo lahat, as in lahat, walang labis, walang kulang, LAHAT.

Hindi ka magsisisi kapag binasa mo ang book. It deals with reincarnation, shamans, circle ring of fires, witches, friendship flame, pakikipagusap sa mga tegi at kung ano ano pa.

Maganda din ang lessons sa Aleph. Una, about forgiveness, sa libro ko lang nabasa na forgiveness encompasses everything. Wala siyang time, generation o panahon, na in this universe, kung hindi ka man makakahingi ng tawad sa mga oras na ito, hindi pa huli ang lahat, mayroon ka pang habang buhay o kabilang buhay o panahon para gawin yun. Pangalawa, ang buhay ay ang tren, ang mga tracks at gulong ang conflict, at ang mga stations ang magsisilbing stages mo sa pagtatravel. Love is also not bound by marriage or commitments, in Aleph, you will understand that love can be a river, it may not be something that you expect, but it still love. Ibig sabihin, pwedeng hindi maging kayo, pero ang importante, is you still love each other.

Rating, 10 out of 10, bias talaga ako kay Paulo Coelho. Haha! Pero seriously kasi, Kuya Paulo never failed me, para kang laging nagbabasa ng children’s book, for adult nga lang.

And Dalawang Payaso

Nung pumunta ako sa party nung anak ng office mate ko last Sunday, isa lang ang mga napansin ko, ang mga Clowns.

Sabi ni office mate, PHP 1500 daw ang kuha niya sa mga clowns na iyon, nalate pa ang dating ng mga mokong kaya medyo naging mababa na ang energy ng mga tao nung pagdating nila.

Mahal na rin pala ang kuha sa mga clowns. Naisip ko tuloy na easy money din un. Kasi ung dalawang payaso sa birthday party, nag make up lang na parang liquid paper ang mukha, nilagyan ng parang black na diamond ang mga mata, tapos ni lipstickan ang ilong na parang kagaya sa siopao, magsuot ng nangingitim na makulay na jump suit, takte, clown na!

Okay naman ang ginawa nila, kinantahan ng birthday song ang celebrant, nagpacontest ng pahabaan ng happy birthday celebrannnnnnnnnnttttttttttt, nagmagic na alam kong punong puno ng kadayaan, at nagfacilitate ng pabitin at palayok, takte, PHP 1,500.00 na.

Pero mahirap maging clown. Kahit tumataginting na 1500 pa ang presyo ko sa dalawang oras na pagtatanghal, never kong gagawing magclown. Pero ang mas mahirap, ang maging clown tapos may audience kang kagaya ni Lorena.

Gusto ko na talagang lumayo kay Lorena habang nagpeperform sila, biruin mo ba naman, halos lahat ng gawin ng dalawa, nakakontra siya. “Ay… nakita ko na yan,” “Ay… naku wala na bang bago,” at “Hay naku, niloloko lang ako ng mga ito,” susme, kung ako yung clown, pagtitripan ko talaga si Lorena, hihiyain ko hanggang lamunin niya ang lahat ng mga sinasabi niya, o di kaya siya nalang ang pagsasalitain ko sa harap. Pero hindi na rin siguro, matalak kasi si Lorena, hahaha… kung ako yung clown, ipagdarasal ko nalang siya. Pero alam ko namang wala namang masamang hangarin si Lorena.

Mahirap talagang magpatawa. Kahit na alam ko na hindi naman ako natawa sa kanilang dalawa, naisip ko nalang na buti nalang mas okay ang trabaho ko sa kanila. Hindi ko kailangang mag suot ng kakatwa para lang kumita, hindi ko kailangang magpacute at believable habang nagwowork at higit sa lahat, hindi ko kailangang magpatawa o magisip ng mga pakulo para lang kumita.

Kaya sa mga kagaya ng mga clowns na pinagdadaanan ang mga ganoon, at sa lahat ng kumikita ng marangal though alam kong ayaw nila ng ginagawa nila, you have my respect. Ang post na ito ay para sa inyo.

Monday, September 26, 2011

Antokin!

Sinusulat ko ang post na ito sa office. Today is 09/25, Sunday, and it’s exactly 11:19 pm.

Galing ako sa birthdayan kanina. Anak siya ng office mate ko, at effort talaga ang birthday na ito. Elaborate mode muna, nagduty ako hanggang four AM kanina, tapos nagkwentuhan kami ni Dale (Clan mate) hanggang mga six AM, gumising ng 10:30 am, pumunta sa birthday party sa Carmona, Cavite, at ngayon, asa office pa rin at nagduduty!

Ang mga mata ko, pumipikit na, hindi ko na alam kung mas masakit ba ang ulo ko o ang likod ko, at pagkatapos ng post na ito, magtitimpla na ako ng kape. Hello palpitation nalang muna!

Kamalasan pa, dalawa lang kami ni Rachel na nagduduty ngayon! ‘Nak ng hopia talaga o, consuelo nalang siguro sa lahat ng kapagurang nararamdaman ko ay Linggo ngayon.

Mas konti ang emails, mas konti ang trabaho, at mas madaming post! Well, hopefully.

Wednesday, September 21, 2011

The Big Escape

 

It started with a Blog, actually, madaming blogs.

Kapag boring sa office, at hindi matawaran na sobrang petiks, madami akong nababasang blogs. Salamat sa Google Reader, nakakatagal akong gising sa night shift. I’ve been reading a lot of travel blogs, lately, favorite ko ang Blog nina Loi and Chichi, Lakwatsera, Marky, Renz, at sobrang dami pang iba. Dahil sa pagbabasa ko, marami naman akong natutunan, magagandang places to see, things to do, at kung ano ano pa, in short, inggit na inggit ako sa kanila!

So balik tayo sa “It started with a Blog.” Kagabi after kong mabasa ang idea nila about having that Big Escape, nainggit na naman ako. Pasensiya na, inggitero lang.

Since 19, nagwowork na ako, now I’m 26, I’ve been to 5 companies, and if I remember things correctly, ang pinaka “vacation” ko lang was ung two weeks interval kapag magbabago ako ng company. Hindi ako workaholic, ayaw ko lang ng walang work, at magkaibang bagay yun.

While contemplating on how boring my life was working a lot, naisip ko the farthest I’ve gone to was Puerto Galera, and it’s just a one time, big time deal. Sobrang pahirapan pa bago ako napilit ng office mates ko na sumama. Kaya after kong maginternet kagabi, naisip ko nalang na I want to have my own version of escape, gusto ko na ding magtravel ng sobrang daming beses!

Gusto kong makapunta sa mga ito!

 Batanes Caramoan

Camiguin Siargao

Masbate El Nido

At Madaming, madaming, madaming, sobrang dami pang iba!

Kailangan ng simulan ang pagiipon at pagpaplano!

Monday, September 19, 2011

ANTM ALL STARS

Nagsimula na ang ANTM ALL STARS!

16 top model bitches, isang bonggang house, at isang modeling competition! Umpisa na ng gulo! Haha…

Cebu Lechon

Una sa lahat, hindi ito sponsored post!

Hindi ako magaling mag bida ng mga bagay bagay, pero kapag may nagustuhan ako, na alam kong worth sharing, definitely, lalabas yun dito.

The same way na kapag may hindi ako nagustuhan sa isang bagay, asahan mo, asa blog ko rin yun!

Last Wednesday, rest day ko. Since tinatamad akong gumala at siyempre nagtitipid na rin, nagdesisyon nalang akong mag stay sa boarding house at dun nalang magpahinga. Since second day na ng off ko, 10 am palang, nagiinternet na ako. Madami kasing kailangang tapusing quest sa citiville we, tapos kailangan pang panoorin ang ANTM ALL STAR sa YOUTUBE. Nung matapos na akong mag net, mga 2 pm na ata iyon, natulog ako ulet, at nagising na ako ng mga 8pm. Normal sa mga night shift ang ganitong lifestyle, believe me.

Bigla ko nalang narealize na hindi pa pala ako kumakain simula kaninang umaga. At ang huli ko pang kain was last night ng mga 9pm na ata, kaya siyempre, gutom na gutom na ako.

Ayaw ko munang magtiyaga sa worth 40 pesos na tapsilog, naisip ko, may ibang araw para doon. Nung mga oras na iyon, gusto kong makatikim ng masarap, something na I was craving for pero hindi ko alam kung ano.

So naglakad ako papuntang Guadalupe, not knowing kung ano ang kakainin, naiisip ko ng mag pizza noong araw na iyon kaso ayaw kong mabitin, gusto ko ng kanin! Muntikan ko ng lunukin ang pride ko at umorder nalang ng longganisang lucban sa Andoks ng bigla kong nakita ang kainan na ito!

image

Perfect! Matagal na ang restaurant na ito sa Guadalupe at hindi ko maisip bakit ngayon ko lang itatry kumain dito! Akala ko parang magiging Andok’s style ang restaurant pero hindi. Ramdam mo ang airconditioned sa loob, malinis, maraming umiikot na crew at okay naman ang ambiance.

Una kong ginawa pagpasok ay icheck ang wallet ko, may PHP 150 pa ako sa pitaka. Tama lang.

Chineck ko ang menu, madaming choices. Naisip kong parang Mang Inasal siya kasi nga puro inihaw na manok, pero something caught my attention.

Lechong Cebu! What the… matagal ko ng alam na masarap ang Lechon ng Cebu pero first time ko palang talagang makakatikim ng ganito.

So nakapagdecide na ako, Lechong Cebu. Oorder dapat ako ng Cebu Lechon Liempo kaso 20 minutes pa daw, hindi na!

I ended up eating Cebu Lechon Manok, Breast Part! Since newbie palang ako sa Chic-Boy, nagtanong ako kung magkano ang extra rice, haha, for sure kasi bitin ang isa. “Sir, Rice all you can po kami,” sabi ni Ate na asa counter. Wahaha, Lalo na akong naexcite, humanda na kayong malugi!

Umupo ako sa labas, wala na kasing vacant sa loob. Jam packed ang Chic-Boy ng gabing iyon, yung mesa nga lang na naupuan ko, walang nilalagyan ng number, wala ding condiments, pero naging pasinsyoso ako kasi nga crowded ang gabi. Rest Day ko, bawal ma stress.

Nilapitan ako ng isang babae, buntis, hindi naka uniform at tinanong ang order ko. Pakiramdam ko may ari siya nung place kasi kanina pa siya paikot ikot.

Siya ang nagserve ng pagkain ko. Nung sinerve ang food, okay naman siya, mukhang normal na Chicken BBQ kaso ang kanin, nakabalot sa dahon ng saging, shala! Naghanap ako ng parang gravy like na kasama nung meal kaso wala, wala ding kalamansi at sili na lalagyan ng toyo, ang mayroon isang clear na liquid na hindi ko alam kung ano. Obvious na confious ako kaya tinanong ako ng may ari kung ano ang hinahanap ko, siyempre newbie, “am, ano ito (habang tinuturo ang clear na substance)?” Suka pala iyon.

Never ko pang na try magsuka sa inihaw na manok, pero ANG SARAP NIYA!

Parang “Sinugba” ata ang gamit nilang suka, hindi ko sure if I heard it right, pero saktong sakto siya sa manok. Yung chicken, kakaiba ang lasa, hindi nakakaumay, masarap din.

Overall, I will give Chic-Boy a nine, naimpress talaga ako, at for sure babalikan ko sila!

***For more information about Chic-Boy, check our their website! Click here!***

Friday, September 16, 2011

Ms. Universe 2011!

Siya lang, wala ng iba! Haha… Bitter ako we. Hindi ako makamove on.

Clan

Mayroon akong clan – text clan.

Hindi ko na matandaan kung kalan ako nagsimulang sumali sa mga ganito, ang naalala ko lang, tatlo ang cell phone ko dati kaso wala namang nagtetext. Tapos nabalitaan ko lang somewhere na mayroong mga ganoon, kaya out of no where bumili ako ng SUN na sim tapos naghanap ng katext sa internet, nangulit akong isali niya ako sa clan.

Ano ba ang text clan?

 

Hmm… Para itong group sa text, normally mga 20 to 40 members, tapos uso ang group messaging (GM). For example, may itetext ka sa isang tao, imbes na para isang tao, dapat isend mo sa lahat ng members ng clan. Kaya imaginin mo, kung mag “good morning” ang lahat ng 40 members ng clan, kung hindi kaya ng inbox ng cell phone mo, hay naku, umasa ka ng in two weeks, magbabago ka ng cell phone unit.

Since grupo kayo, may parang officers din ang mga clan. May founder, tawag sa nagpakana ngclan, at ang mga officers niya. Iba iba din ang designation – mga taga asikaso ng events, mga taga gawa ng text activities, saka tagapamahala ng clan.

In short, parang isa siyang isang community na nagsusurvive sa pagtetext.

Kung akala mo puro good morning lang ang marereceive mong messages, mali. May mga text activities din, ito yung mga parang pakana ng mga officers para maging active (mag gm ng mg gm) ang mga members. Maraming klase ng mga text activities, minsan mga surveys, quizzes, kailangan mong mag advise sa lovelife ng mga taong hindi mo naman kilala, at kung ano ano pa, anything goes. Imagination mo ang limit!

Uso din sa clan ang mga monthly gatherings, Grand Eye Ball (GEB) ang tawag dun. Iba iba lang ang concept ng mga GEBs, pero for sure hindi mawawala sa mga ito ang inuman, yosihan, landian, at kariran.

Bakit ba ako nagboblog about sa clan? Hahaha!

Una, wala talaga akong magawa sa office ngayon, mas trip kong magsulat muna ngayon. Pangalawa, since ang page na ito ay tungkol sa ‘kin, siguro nararapat din na magbigay muna ako ng background sa clan kasi sigurado, marami akong ikukwento tungkol sa clan at mga ka clan mates ko. Lastly, parte na rin ng pagkatao ko ang pagkakaroon ng madaming messages na para sa maraming tao.

Seriously, marami akong natutunan sa pagkaclan. Pinakaimportante siguro ay ang makibagay at matutong makisama. Lahat na siguro ng klase ng bakla nakilala ko sa pagkaclan – mula sa mga mayayaman, mahirap, maarte, matalino, barumbado, squatter ang ugali, etc, name it, sa clan, I’ve encountered it. Dito, matututo ka na i-humble ang sarili mo dahil minsan, hindi mo alam kung pano ka maiinterpret ng mga nakikilala mo. Sa clan ko din natutunan na minsan, kailangan mo ring pakiramdaman ang mga nakakasalamuha mo, mamili ng mga tao, at pakisamahan ng nararapat lahat ng nagiging kaibigan mo.

Marami akong naging kakilala sa clan, marami din akong naging kaibigan, may mga naging kaaway din, pero walang naging kalandian. Haha, the loser that I am.

Sa pagkaclan ko, nakilala ko na siguro ang mga best friends ko. Mga ka clan mates ko ang kasama kong nagcelebrate nung birthday ko. At sobrang thankful ako kasi minsan lang talaga ako nagcelebrate pero hindi nasayang ang gabi ko, naging masaya siya.

Dahil din sa mga ka clan ko, mas nakilala ko ang sarili mo. Natanggap kung ano talaga ako. Kasi mayroon kang support group na alam ang mga pinagdaraanan mo. Nanjan sila para bigyan ka ng advise kapag naloko ka sa pag-ibig, patatawanin ka kapag sobrang kamote na ng pakiramdam mo, iiyak kapag nagkwento ko na ng malungkot, makikipag away kapag agrabyado ka, at higit sa lahat, magpaparamdam sa iyo na hindi ka nag-iisa.

Ilang beses ko ng inisip na itigil na ang pagkaclan. Minsan kasi sobrang abala talaga siya sa tahimik at payak kong pamumuhay. Pero ngayong nasulat ko na ito, parang hindi ko na siguro gagawin muna iyon, ngayon narealize ko na, HINDI IMPORTANTE ANG CLAN, IMPORTANTE ANG MGA TAONG NAKIKILALA KO DITO.

Complicated

COMPLICATED ANG POST NA ITO!

May friend ako, Bisexual siya. Okay naman siya, maganda ang work, asa magandang company, tapos mabait naman siya. Si Friend ko, may BF. Si BF niya, CPA, okay din naman. Matagal na silang dalawa, three years na ata.

Si Friend ko, may nakilala sa office nila, nurse siya doon. Si nurse, nung kinwento sa kin ng friend ko, okay naman. Nagiisip ako ng paraan kung paano siya idedescribe pero ganito nalang, lahat na siguro ng hinahanap ng kaibigan ko sa isang tao, na kay nurse na siguro.

Mula sa kwento ng friend ko. Close sila. Kumakain ng magkasabay tapos laging nagkikita, parang ganoon. Parang they are in a bromance type of relationship na mahirap idiscribe.

Ang problema nga lang, si Nurse, may girlfriend!

You’ve read it right. Si nurse may girlfriend. So parang si Friend ko, kabit ni nurse. Tapos si nurse mayroon pa siyang isang male na Doctor na parang ang treatment ata ay parang ang pagtrato ni nurse sa friend ko.

Sana sa point na ito malinaw pa ang lahat.

Nung last chat conversation namin ng kaibigan ko, parang he and nurse talked it over na the nurse will get rid of the Doctor, siguro para at least isa lang ang kabit, para siya lang ang kabit. Bad shot na sa akin si nurse sa point na ito, I don’t know, alam mo kung gagawing tao ang isang player, si nurse lang ang naiisip kong perfect example noon.

Si friend ko naman, minsan hindi ko na maintindihan. Alam mo iyong may “legal wife” naman siyang kanya pero may mga ganoon pa.

Haist, ang hirap maging masaya! Ang hirap maging kuntento! Higit sa lahat, ang hirap maging kaibigan!

Siguro lahat naman ng mga kaibigan walang ibang gusto kung hindi ang masaya ang mga kaibigan nila. Pero siyempre, gusto ko naman na masaya ang kaibigan ko sa mga tamang dahilan. Alam ko din na nahihirapan ang friend ko sa pinagdadaanan niya, pero minsan, mas mahirap sa isang tao na makita ang mga pinahahalagahan mo na nagkakaganoon.

Naubusan na rin ako ng pep talks. Kaya binoblog ko nalang ito, sana may magcomment kung ano ang magandang sabihin. Hahaha…

Albert Szent-Györgyi

 

image

Cute ng GOOGLE homepage, bagay na bagay sa blog ko. Tama!! Haha…

Kala ko para na sa blog ko ang homepage ng GOOGLE, asa naman ako diba? Un pala para kay Albert Szent-Györgyi, ang nakadiscover ng Vitamin C. Astig diba!

Sana sa birthday ko, may ganito din ang google specially for me. Asaness!

Tuesday, September 13, 2011

Blogs ng Pinoy

Anong gagawin mo pag habang nagiinternet biglang may magemail sa iyo para sabihin ito? 

image

Tapos may ganito na?

image

Tapos nung kinonfirm mo, ito lalabas?

image

Seriously? Kinabahan naman tuloy ako. Ibig sabihin dapat magsulat na ako ng tungkol sa porn maayos.

Salamat Blogs ng Pinoy! Saya saya ko today.

Monday, September 12, 2011

Battlefield

Sixteen minutes nalang, four AM na! Uwian na!

Dapat matapos ko ito bago ako umuwi, haha… ito na! Bahala na!

Matandain ako sa mga dates, mali pala, matandain lang talaga ako.

Naalala ko lang bigla ang isang tao. Exactly three years ago, nakasakay ako sa isang jeep papuntang Cubao galing ng Antipolo. May gimik kasi kami ng mga barkada ko noon. Hmm, plano ko nga dapat mag over night kaso siya, ayaw niya, kasi nga daw ang Nanay niya ay pagagalitan siya pag madaling araw na siya umuwi.

Mas matanda lang naman siya sa kin ng months, so kung 22 na kami that time, hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga restrictions pa.

So magkatabi kami sa jeep, tahimik siya, badtrip naman ako. Alam mo ba yung feeling na pinlano mo ang isang buong gabi mo tapos sa isang iglap kailangan mong magadjust para sa isang tao. Magkatabi kami sa loob ng jeep, pero parang ang layo layo namin sa isa’t isa. Sa mga sandaling iyon, alam ko na uuwi na ako ng single ulet, kinabukasan, pag hindi ko inayos ito, Hello, single blessedness na naman.

Sa sobrang pikon ko, hindi ko na iniisip na pagusapan o ayusin pa kung ano mang kalokohan ang mayroon kami. May mga bagay talagang marerealize mo kung kalian mo ibibigay ang lahat mo para magtagumpay the same way na may mga pagkakataon na kailangan mong magconcede at mas mabuti nalang umuwi na talunan.

Isa yung gabing iyon na mas pinili kong sumuko. Ng gabing iyon, natapos ang pinakamaikling relationship ko, gaano kaikli?

Six weeks.

** Hindi pa lumabas ang kantang ito nung kami pa, pero pag naririnig ko siya, alam na…

Wishes

Nagcelebrate kami ng mga barkada ko last Friday. Wala namang kakaiba, the normal kulitan, inuman, sunugan ng baga at tawanan lang ang naganap. Hindi naman kasi ako macelebrate na tao. Mas gusto kong tinutulugan nalang ang mga importanteng kaganapan sa buhay ko. haha… Pero masaya na rin pag may ginagawa kang kakaiba.

Tinanong ng mga barkada kung ano ang wish ko. Since kilala ko sila at alam ko na may tendency na gawin nilang big deal ang mga sasabihin ko, sinagot ko nalang sila ng, “Wala na naman ako siguro akong mawiwish. Okay na naman ako sa kung anong meron ako.”

Siyempre kasinungalingan lang iyon. Haha!

Hindi ko kasi talaga nature na maghanap ng mga wala sa buhay ko. Madalas, mabilis akong makuntento at tanggapin kung anong meron ako. Kung may gustong gusto naman ako, gagawin ko ang lahat para makuha ko iyon.

Ngayon iniisip ko tuloy kung ano ang wish ko? Haha… Medyo nahihirapan nga akong mag isip.

Wishes

Simulan natin sa mga gadgets. Hindi ako tekkie pero siyempre naisip ko rin na kailangan ko na rin sa mga panahong ito ang mga iyon.

Since asa province ang laptop ko, gusto ko na ring bumili ng bago. Hmm… Sana next week, okay na ang inuutang ko sa SSS para makapagwaldas na. Si Chester (Dating Team Lead ko) ang bahala sa model, magaling naman siya doon. Pag kinaya ng budget, gusto ko din ng digicam, wala pa kasi ako noon. Hehe… Promise hindi ko gagawing photo blog ang page na ito pag mayroon na akong digicam.

Sa work naman, hindi na ako umaasa na mapromote. Kasi sa company namin, ang kasunod ng promotion ay malamang resignation. Sana lang maging maayos ang pagsasamahan naming ng mga office mates ko, Susubukan ko sigurong wag masyadong maging pasaway, maging mabait sa mga Clara sa office, maging more patient and understanding, at higit sa lahat, isapuso na hindi lahat ng tao pinanganak ng bobo at smart, may sasablay pa din.

Lahat naman ata gusto maging maayos lang ang Family. Okay naman kami ng family ko, pero sana mas maging okay kami. Wala sanang magkasakit, kung mayroon man, sana hindi masyadong malala para hindi masyadong magastos. Sana hindi na namin pagdaanan ang mga pinagdaanan naming dati. Well, pakiramdam ko hindi na rin naman kasi hindi ko na papayagan na mangyari yun.

Hindi dapat makalimutan ang wish para sa sarili. Aside from being more stable financially, oo na, sana magkalovelife na ako ulet. Haha… Nakakamiss kasi ang feeling na someone wants you so bad na sobra kang namimiss na to the point na hindi buo ang araw niya pag hindi ka nagparamdam. Okay, maybe that’s too much, pero gusto ko lang talaga ng someone I can travel with, do things with, be happy with, at kung kailangan, get lonely and suffer with.

Narealize ko na madami din pala akong wish. Haha… Yari ako sa barkada ko kapag nabasa nila ito. Haha!

Wednesday, September 7, 2011

Birthday Blog 2011

Birthday ko kahapon! Hehe… Medyo normal lang ang mga nangyari. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga bagay na grand, mas gusto ko simple lang.

Nagiisip ako kung ano ang dapat ipost, tapos naisip ko ang kantang ito.

Para sa musical version. hehe…

I’m standing here today. You helped me find my way.

Maraming salamat sa iyo.

Saturday, September 3, 2011

Super Bianca!

Mahilig akong magbasa. Kaya kapag may time sa office, at wala masyadong ginagawa, isa lang ang ginagawa ko – ANG MAG BLOG HOP!

Salamat sa google reader, hindi ako nawawalan ng babasahin, nakaadd na kasi ang mga blogs na gusto kong basahin. Consistent namang magupdate ang mga idol kong bloggers kaya hindi ako nawawalan ng bagong babasahin. Sa susunod ko na iisa isahin ang mga blogs na gusto kong basahin, ngayon pag usapan muna natin ang ginawa ko kahapon.

Habang nagaantay akong magrefresh ang energy sa citiville, at habang pinapakinggan ang Undivided ng blush, nagboblog-hop ako. Hindi naman halatang mahilig akong mag multitask, ano? Anyways, while blog hopping, nakita ko ang post ni Bianca Gonzales, since eight years na ang blog niya, mamimigay siya ng mga items. At hindi lang basta mga items, bonggang bonggang items! Mga salon makeovers, sapatos, damit, magazine subscrition, globe wifi kit, pati party sa mcdo, shala diba?

Marami na rin akong nakitang giveaways ng mga bloggers before. Kung ano ano din ang mga price. Pero ewan ko ba kung bakit naisip ko na sumali sa game ni Biance, well, sino bang hindi diba? Madali lang naman ang mechanics, lagay mo lang ang info mo, tapos anong post ang nagustuhan mo at bakit? Since nabasa ko na halos lahat ng mga post niya, sisiw na ito!

Tinignan ko ang mga comments, halos lahat ng babae, gusto ng mga girley stuff. Natural! Inisip ko kung ano ang magandang makuhang price, mahirap naman kung shoes, kasi for sure marami akong makakalaban doon. Naisip ko nalang prize yung wifi kit. Anytime kasi, magkakalappy na ako at for sure magagamit ko yun. Bukod pa sa nagiisang dahilan na WALA PA AKO NOON! haha…

Anyways, wala namang mawawala. Good luck nalang sa akin, haha!

Sali na din kayo… Click nu lang ito.

Epilepsy

Nakatira ako sa isang boarding house sa Guadalupe.

Kung ididescribe ang bahay namin, isa siyang malaking structure na hinati-hati sa napakadaming kwarto. Sabi ni Daisy, landlady namin, mga 80 daw kami sa buong bahay, dahil iba iba ang schedule namin, hindi kami magkita kita. Totoo yun, alam mo yun parang may shift ang mga boarders. Ang mga kilala ko lang, este nakakangitian ko lang, ung mga panggabi din.

Madaming kwento ang boarding house namin. May mga nakakatuwa, tragic, nakakapagtaka at nakakatakot. Hindi na din kakaiba na bigla nalang may eksenang magaganap habang andoon ka, para bang kulang nalang lagyan ng camera ang buong bahay namin at for sure, tatalunin namin sa ratings ang Big Brother.

Anyway, kaninang umaga, may eksena na naman sa bahay namin.

Since four AM ako nakakauwi, normally pagdating ko tulog na ako. Hindi ako malalim matulog, konting galaw lang sa paligid ko, gising na ako agad. Kaya nung bigla kong naramdaman na may babaeng sumisigaw kaninang umaga, nagising ako agad. Una kong ginawa ay tignan ang cellphone ko para sa oras, takte, 8 AM palang! Irita na ako agad paggising ko agad kasi tuloy tuloy ang sigaw. Hindi ba pwedeng isang sigaw lang, may natutulog kaya? Pero wala, ayaw talagang magpaawat ni ate, kung sino man siya. Sunod kong narinig ay parang nagkakagulo na, hindi muna ako tumayo, pinakiramdaman ko kung kailangang magpanic na ba, matatapos din ang mga maiingay na yan, makakatulog ka din agad, sabi ko sa sarili ko.

Nakiramdam pa din ako. Ayaw ko pang tumayo kasi alam ko mawawala ang antok ko at mahihirapan na akong matulog ulet. Nung may narinig akong parang nagsabi na, “may tumagas na gas,” parang ganoon, deadma pa din. Inisip ko na wala namang nagluluto sa loob ng boarding house kaya imposibleng may gas na mag leak, tapos naisip ko katabi pala namin ang bakery, pano pag doon nanggaling ang leak at may tangang nagsindi ng yosi? Sigurado, paalam malupit na mundo na ang drama ko.

Masakit man sa kalooban, lumabas na ako ng kwarto. Napansin ko na halos lahat ng tao sa bahay namin, nasa common area, as usual, yung iba, alam na kung anong nangyayari at yung mga kagaya ko, makikiusyoso palang.

May babaeng housemate daw akong may epilepsy at nung mga oras na iyon inaatake siya. Nanginginig siya sa kama niya, at take note, sa taas ng double deck siya nakahiga. Siyempre ang mga housemate kong lalaki, akyat kaagad sa kwarto niya pero bumababa din pagkakita kay ate. Ang mga babae naman, parang hihimatayin sa kaba, pero hindi naman nila kilala kung sino ang biktime. Ang weird pa sa mga kaganapan, lahat kami asa baba habang si Ateng epileptic, anytime malalaglag na sa taas ng double deck. Walang nagtatangkang hawakan siya. Walang naghahanap ng number ng ambulansiya. Akala mo lang meron, pero wala. Wala. WALA!

Since naawa naman ako kay ate, tinawagan ko agad ang kaibigan kong nurse at idiniscribe ang nangyayari. Hindi ko kasi sigurado kung epilepsy nga yun, kasi alam ko baka mamaya nauntog lang si Ate tapos may tinamaang nerve. Mga ganoon. Sabi kaagad ng barkada ko, tumawag ng ambulance tapos puntahan daw yung patient. Ito na ang part na tumakbo ako sa taas at sinabihan ko ang isa kong housemate na humanap na ng ambulance.

So andoon na ako, si Ate, nanginginig at tumitirik ang mga mata sa harap ko, ang sabi ng barkada ko, make sure daw na hindi sasaktan ni Ate ang Sarili niya. Tinignan ko lang siya, nakahiga lang naman, nanginginig, ang tanging cause of danger lang ay kapag nalaglag siya. Natataranta na ako ng mga oras na ito, pero sabi ni daberkads, kumalma lang daw ako para makapagisip ako. Ang una kong naisip tabihan siya ng unan para hindi siya mapunta sa dulong side ng bed niya para hindi siya malaglag, hinarangan din namin siya ng mga housemate kong lalaki. Tapos yung isa, bantay ang ulo ni ate just in case maisipan niyang iuntog ng bongga ang sarili niya. Tinanong ako ng barkada ko kung sumusuka daw ba, chineck ko ulet, wala naman. Tapos biglang dumating ang mga nurse. Haist salamat, makakatulog na ulet.

Ito minsan ang gusto ko sa boarding house namin. Alam mo yung though hindi mo silala kilala by name at hindi kayo masyadong close, alam mo na pag nangailangan ang isa, may tutulong sa iyo. Kakilala mo man sila o hindi. Pagkatapos ng drama, nakatulog ako ng mahimbing, hindi lang dahil sa pagod, dahil alam ko na asa isang bahay ako alam kong may masasanggahan ako.