Pages

Wednesday, October 26, 2011

A Little Bit of Heaven

Kamusta? Kukwento ko naman ngayon ang last movie na napanood ko.


Una sa lahat, hindi talaga ako iyakin kapag nanonood ng mga peliks. Kahit siguro gaano kabigat na ng mga eksena, deadma pa rin, alam ko naman kasi na pelikula lang 'yun. Minsan, malayo sa katotohanan at sobrang exaggerated. Before kong mapanood ang movie na ito, ang huli ko atang iniyakan ay ang Toy Story 3. Yung part ba na asa Payatas sila, tapos pakiramdam nina Woody at Buzz na last day on earth na nila, kaya ang ginawa nila, naghawak hawak sila ng kamay kasi at least kung mawawala man sila sa mundo, magkakasama sila. Haha! Seryoso, para akong tanga sa sinehan na sisinghot singhot.


Ngayon, pagusapan natin ang pelikulang ito.



Nung nakita ko ang cover ng DVD, pakiramdam ko isa na namang romantic comedy na magpaprealize sa kin kung gaano kasarap ang magmahal. Pero siyempre, nagkamali ako! Oo, love story siya pero ang gusto ko talaga sa mga love stories e yung tragic ang ending, mas makatotohanan, mas nagaganap sa totoong buhay.

Wag magpadeceive sa poster, poster lang iyan, kunwari masaya ang mga kaganapan pero kung hindi matibay ang loob mo sa mga malulungkot na pangyayari, wag ka ng manood. Haha! Hindi mo kakayanin ang pighati at dusa na bibigay ng pelikula sa iyo.

Swear, tinablan ako sa pelikula na ito. May mamamatay kasi sa mga bida, tapos yung bida, may bubbly na friend, yung tipo ba na parang nakainom lagi ng isang case na cobra. Yung tipo na pinipilit niya na parang wala lang sa kanya na mamamatay na ang kaibigan niya, pero dumating sa part na tinanong na ni Bida ang, "How are you doing?" Ayun, harap harapan, wala ng kaplastikan, katotohanan lang, nagbreak down si best friend. Haha! Yun din ang part na sobrang naiyak ako, kailangan ko talagang i pause ang movie para makapagyosi at makapagmoment lang. Haha! Buti nalang mag isa akong nanonood, walang makakakita kung anong kahihiyan ang ginagawa ko!

I love this movie. Watch niyo na din, hindi sayang ang perang pinambili niyo ng dvd. Hehe.

Salamat sa pagbabasa ha, Ingat ka parati! 



The Pilgrimage

If there is one book na talagang nadala ako sa story, ito na talaga un, ito lang! 



Simple lang naman ang plot ng book e, sa mga panahong sumali si Kuya Paulo sa isang parang fraternity o secret society, kailangan niyang makita ang kanyang sword. Ang sword ay magsisilbing lakas niya sa buhay, at since hindi napasakanya ito sa unang attempt, kailangan niya itong hanapin sa Spain. Shala diba, sa Spain pa. Haha. Kailangan sundan ni Kuya Paulo ang "The Way of Saint James," isa sa apat na pinakasikat na pilgrimage sa whole wide earth!

Habang asa pilgrimage siya, mayroon siyang master, may mga lessons na kailangang gawin, at may demon na nagkatawang aso na kailangang kalabanin. Umakyat din siya sa isang waterfall na walang saplot, haha, Naglakad ng pagkatagal tagal, dumali sa isang weird na ceremonies at siyempre marami siyang naexperience along the way. Ang pinakaimportante, naachieve ang spiritual enlightenment at naintindihan niya how the universe works. 

Ito ang unang libro na sinulat ni Kuya Paulo. Dahil sa pilgrimage niya sa Spain, naintindihan niya ang kanyang personal legend.

Sobrang kinilabutan ako sa story nito. May isang part kasi sa libro na sobra akong nadala sa mga pangyayari. Nung malapit ng makita ni Kuya Paulo ang kanyang espada, habang naglalakad siya sa isang gubat, may nakita siyang Cross, tapos sa baba noon, may nakita siyang lamb. All of a sudden, Kuya Paulo just started praying kasi bukod sa alam niyang nagtagumpay siya sa misyon niya, nakilala niya ulet ang Bro. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit habang binabasa ko ang part na iyon, pakiramdam ko ako yung nagdarasal at kinakausap ko si Bro. Weird, pero sobrang sarap ng pakiramdam!

Super highly recommended ang book, boring sa umpisa, pero habang patagal ng patagal ang pagbababasa mo, hindi mo siya mabibitawan!



Monday, October 24, 2011

Bullying

Its sad how bullying affect someone.


I'm proud to admit that I was bullied before, every time I remember all the things that I've been through when I was in Elementary and High School, I can't help but just laugh about it. 

Yes, it was painful. When I was on fourth grade, some of my classmates teased me because of the way my nose look. They said that it has the same shape of an elbow macaroni. By six grade, some of my classmates were irritated because I was doing good on school. They will say that I was "feeling" that I was smart, because I'd rather study than play with them. I thought it will be over when I stepped on High School, but it was worst, because some of the Popular kids were annoyed at me, why? I really don't know! It was worst because I really tried my best not to be noticed, I'd rather be alone and not bother with every thing that was going on around me, and still, some annoying teens will still make fun of me.

Well, I make it through. Though a lot of things has been said about me before, thanks to how my mom raised me well, I was able to cope and excelled through it. Maybe I was really mature for my age and I think differently. I knew back then that there were bigger problems life has to offer. When I was a kid, I think I did every thing right, I just concentrated on school and my dreams that I never focused on all the things that other people were doing. With all the negativity around me, I just concentrated on the happy and positive things, because they were worth thinking.

Yes, I make it through, and now, I am way stronger. I know that bullies exist in all age and sizes, they are every where, and I learned how to be more diplomatic and understanding, but definitely, I am more aggressive now. I learned how to fight. I don't become a better bully ha, what I just do is I give them more reason to be irritated with me. If they find me good, and they become insecure, I even strive harder, ganun lang. haha.

Bullying is not cool. It is something that I will never teach and encourage. Bullying is mean, and if there is something positive about it, it will be Taylor Swift, Lady Gaga and a lot of other successful people who are super rich now that will testify how bullying change their life. It also change mine.

Have a great Monday!

Saturday, October 22, 2011

Coco Rocha

Napanood ko si Coco Rocha sa recent episode ng America’s Next Top Model, at ngayon hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto ko siya.

Ito muna ang mga picutes niya for that episode.

 

Damn, this girl is fierce! Tapos hinanap ko ang mga pictures niya. Salamat, Google!

Photo Credits: Here!

Damn, this girl is really fierce! Hindi pa ako nakuntento, hinanap ko din ang mga magazine covers niya.

Damn, this girl is fierce!

Pero ang hindi ko talaga kinaya, let the video explain why. Enjoy!

Siya na talaga, siyang siya na! Haha. I love Coco Rocha!

Friday, October 21, 2011

Optical Illusions

 

The first time I’ve encountered optical illusions was on my Speech and Drama class back in High School. I remember that we are talking about perceptions and body language and this was one of the plus on that subject.

Pagkatapos ng nakakaduling na Hidden Tiger post, napansin ko na pumatok siya at may mga nagcomment (salamat sa anim na tao na pumansin) kaya ngayon, naghanap ako sa net ng iba pa.

 

Asa libro ko pa ito dati! Anong nakikita mo, isang Batang Babae o isang Matandang Babae?

 

Ilang black dots ang nakikita mo? Hahaha! Goodluck!

 

Ilang Pusa ang nakikita mo? Wag mo na akong tanungin, kasi isa lang ang isasagot ko sa iyo. Hahaha!

 

Hanapin ang mahiyaing skull. Siyempre, hindi ko din siya nakita, hahaha!

 

Pwede din na hanapin nalang ang magandang bebot sa photograph! Hindi yung katabi nung lalaki ha, may hidden girl daw dyan sa picture na yan.

After ng mabusising paghahanap sa world wide web, may mga ganito din palang klase ng optical illusions. 3D Art ang tawag sa kanila

Ang astig diba! Kaya never be deceive, hindi natin alam, baka illusions lang yan.

Enjoy!

Thursday, October 20, 2011

Ghost

I hate nightmares! Well, who doesn’t? The last time i've experience was a couple of days ago, it was weird, moving, sad and altogether, uncomfortable.

My grandmother joined our creator last December, it was also the last time I cried. We were not that close, but, we were okay. She was the typical grandma that will spoil her grandchild but will be the one who will be so mad if you do something out of the ordinary. Hence, I love her.

Grandma showed up on my dream. You’ve read it right; she appeared on my dream that eventually turned out to be a nightmare. I’m still wondering why it ended up that way. All I can remember was I woke up gasping for air, I don’t know what to do and it was really not easy sleeping again.

I still don’t understand why I reacted that way. She was my grandmother and I even acted like a scared mouse. I should be happy that all of the members of my extended family, I was the lucky one chosen to feel her presence. But, all I ended up was a coward individual not wanting to experience that again. Come to think of it, someone who is already dead will show up in front of you, will that be okay?

All I can remember was my Grandmother saying my middle name, over and over again. She also mentioned that she was having a hard time on something. Dreams will always be dreams; they will never be easy to understand.

I immediately called my cousin and she just said that I should have a mass service dedicated to her. Then, I called my mother who told me that since we are nearing All Souls Day, that maybe the reason why she paid me a visit. I then felt the sudden urge to go to Sariaya (in Quezon), hopefully I will do it next week.

Before I sleep, I just offered another prayer for my Grandmother, for her soul to have peace with our Lord. I also said an apology for over reacting, and I also promise to pay her a visit anytime soon.

Anniversary

Nagsimula akong mag blog sa Friendster pa noon. Mga kung ano ano lang, may masulat lang, mga kaemohan, at kung ano ano pa. Sayang nga wala na ang Friendster ngayon, hindi ko tuloy marepost ang mga nasulat ko dati dito, hehe. Tapos nagkaroon pa ako ng Live Journal, kaso hindi ko na maalala ang password ko. Alam ko pangalawang blog ko na ito sa Blogger, yung una, alam ko dinelete ko, kasi alam ko hindi ako magiging kasing galing magsulat ng mga nababasa ko dati.

Kanina, napansin ko na ginawa ko ang blog na ito nung March 25, 2009. Binasa ko ulet ang kauna unahan kong post, ito ang mga panahon na hirap na hirap na ako sa pagiging QA sa isang call center.

Kung tutuusin, hindi naman iyon macoconsider na isang blog anniversary, kasi parang magiging madaya na mag ti-three years na ang blog ko, tapos wala pang isang daan ang post ko, haha! Unfair sa mga sobrang pinagtuunan ng pansin ang kanilang site sa magulong mundo ng world wide web, hindi makatarungan, at higit sa lahat, napaka mediocre (wow.).

Hanggang nagkaroon ako ng lakas ng loob na sumulat ulet.

Kaya ngayon, naglagay ako ng bagong date ng anniversary. Gagawin ko ito sa unang araw na nagblog ako ulet, sa unang araw na naisip kong isulat lahat ng mga kaartehan ko, at ito ay April 26, 2011! Pak!

Monday, October 17, 2011

Spot the Hidden Tiger

May papansin na nag post sa Facebook!

Ok, there's a hidden tiger in this image. Where is it?
Hint: It's not the tiger you see looking at you now, because, er, well, it's not hidden....
(If you see it, don't give it away, just say that you did. Let the others have their fun...)

Sumakit na ang mata ko, hindi ko pa din nakita ang echuserang tiger! Kaya good luck nalang ha, pag nakita niyo, sabihin niyo sa akin kung asan. Hehe.

Bagong Bahay…Bagong Buhay…

 

Nadagdagan na namang ang mga hangarin ko sa buhay – Gusto kong magkaroon ng sarili kong lugar! Pak!

Sa edad kong ito, nakakahiyang isipin na nakatira pa rin ako sa isang boarding house, nagbebedspace at pinipilit makisama sa iba’t ibang klase ng tao. Nakakaumay. Okay naman ako minsan socially, kaso mas madalas, masyado akong passive, walang pakialam sa mga kasama ko sa kwarto, at minsan hindi talaga nagsasalita. Ang kamote nga lang sa pakikisama at sa pagtira sa boarding house, hindi pwede ang bisita, hindi pwede minsan magpuyat kasi natutulog ang kasama mo sa kwarto, bawal mag ingay, bawal magi wan ng mga mamahaling bagay, at higit sa lahat, kahit ayaw mo, kailangan mong makibagay sa iba.

Naranasan ko ng mabuhay, at magkaroon ng bahay na sarili ko lang talaga, kaso hindi rin siya naging masaya. Ngayon, iniisip ko kung bakit nga ba?

After ng almost four years na pagtira sa Sta Mesa, lumipat ako kasama ng isang kaibigan sa Pateros. Nakuha namin ang buong bahay sa halagang 2,000. Up and down na siya, kaso nga lang pagkapasok mo sa loob, kita mo na ang lahat. Tapos pagakyat mo sa taas, kita mo na rin ang lahat, hehe. Walang kisame kaya mainit sa tanghali, tapos ang dingding, hindi ko alam kung san gawa pero for sure sa kahoy siya. May parang maliit na balkonahe din na pwede sampayan ng damit, masarap din doon mag yosi kasi okay ang hangin. Ang balkunahe mayroon ding trapal para hindi ka kita sa loob ng bahay. Maliit lang talaga siya pero husto na sa ming dalawa nung housemate ko.

After two months, umalis si room mate, at naiwan akong mag isa.

Nung una, okay lang naman. Freedom at its finest ang pakiramdam, kaso nga lang, naging mahirap na. Since hindi ako marunong magluto, lagi akong bumibili ng pagkain, tapos pag late ako umuuwi, nakakasalubong ko pa ang mga askals sa kalsada. Iskwala at pugad din ng adik ang lugar, kaya pag medyo nalate na ako ng uwi, kabado na ako,umuuwi. Okay pa noon. Nag tag-ulan, at since mababang lugar ang Pateros, bahain ang bayan. Hindi naman ako inabot ng baha sa bahay kaso nga lang ang lahat ng dadaanan, parang extention ng Laguna Bay. Okay pa din naman.

Ang hindi lang naging okay is nung bumagyo na si Basha. Naalala ko pa yun, pang umaga ako at nakauwi ako ng matiwasay. Nung mga alas diyes na, ramdam na ramdam ko ang lakas ng hangin, nung gabing yun, sinira ni Basha ang trapal ng balkonahe ko. Since walang kisame ang bahay, pumapasok ang ulan sa lahat ng direksyon, at worst pa, nag brown out. Nung mga gabing yun, alam ko, hindi na talaga okay.

Sa tagal tagal ko sa Pateros, yun lang ang naging dahilan ng paglipat ko. Sobrang takot ko nung gabing yun. What if tinangay ni Basha ang bubong ko? What if magiba ang buong bahay? What if hindi bumalik ang kuryente? Ang daming what if? Nung gabing yun sobra kong naramdaman ang pagiisa, at ang hirap nito. Nanatiling nakatayo ang bahay ko pero ang lakas ng loob ko, dinala ni Basha sa kung saan man siya pumunta. Kamote talaga!

Ngayong nakatira ako sa isang boarding house, okay naman e. Hanggang ngayon, natatagalan ko ang lahat ng mga bawal at hindi pwedeng gawin. Pero hinahanap ko ang privacy at ang buhay na walang pinakikisamahan. Gusto kong gumising ng ayon sa katawan ko at hindi dahil may biglang nagbukas ng ilaw. Gusto kong making ng mga sounds sa cell phone ko na walang magsasabi na “pakihinaan.” Nais kong manuod ng mga gusto kong palabas sa sarili kong tv, mag dvd marathon hanggang sumakit ang mga mata ko, basahin lahat ng libro na pwedeng basahin. Gusto kong magluto ng sarili kong pagkain, magtimpla ng juice na walang manghihingi, at higit sa lahat, gusto ko ng sarili kong mundo!

Nakahanap na ako ng lilipatan. Katabing bahay nina Nate, kailangan nalang magantay ng November para at least okay na ang finances sa paglipat. Parang pamilya ko na ang pamilya ni Nate kaya siguro mas magiging okay ang experience kasama sila sa isang lugar. Mas malayo nga lang sa work, pero mas malapit sa mga kaibigan, okay na yun.

Excited na ako! Konting panahon nalang ang aantayin ko at magkakaroon na ako ng sarili kong lugar, isang lugar na matatawag ko talaga na akin, walang bawal, walang hindi pwedeng gawin, at lahat ay maayon sa lahat ng mga desisyon ko. Ngayon, gagawin ko na talaga lahat ng tama, gagawin ko na ang lahat para kahit papaano, hindi maging kagaya ng buhay ko sa Pateros ang magiging buhay ko sa V Luna.

Brida

Katatapos ko lang basahin ang Brida kagabi, at siyempre ang isusulat ko ay tungkol sa kanya.

Isa sa mga bagay na gusto ko sa mga libro ni Paulo Coehlo ay kung pano niya ipaliwanag ang mga concepts na akala nating demonic, akala natin out of this world, at akala natin para lang sa mga adik into a way na mairerelate niya ito sa Bible at sa mga teachings ng religion. Minsan, naaliw nalang ako pag nagpepresent siya ng mga ideas na out of this world tapos bigla mong masasabi na “Pwede nga naman pala. “ Hindi lang iyon, marerealize mo din na ang mga ito ay pwede mo ding iugnay sa bible. Ganoon karamihan ang mga ideas ng concepts ng Brida.

Brida is a story about a girl, her dreams, her Soul Mate, her struggles, her past, and the moment she chose to be a witch.

Masyado akong open minded about witchcraft and magic. Sobrang fan ako ng Charmed, Harry Potter, Wicked at kung ano ano pang kaweirduhan na nagpapatungkol sa Witches, Black Magic at Sorcery. Not that I want to learn it, gusto ko lang siya kasi I find them interesting. Nung una, akala ko na Brida will be just one of those stories, pero as usual, mali ako.

Brida talks about understanding yourself and the universe more. Kasi si Brida, alam niyang calling niya ang pagaaral ng magic kaya lahat ng paraan para matutunan ito, ginawa niya. Kinausap niya ang isang Magus, nagpaturo sa witch, binalikan ang past life niya, nagsayaw ng hubad sa bonfire, at nakipagsex sa jowa niya sa gubat nung winter. lahat yun ginawa niya para lang mareceive ang maisakatuparan ang calling niya. Nalaman din niya na sa past life niya, isa siya sa mga witches na sinunog sa plaza kaya talagang calling niya ang ginawa niya.

Sinabi sa Brida na Magic is not all about tarot card reading, pagbabasa sa mga palad, at pagpepredict ng future at past. Magic is really about understanding the universe and everything on it. Tama! Sa book, sinabi kay Brida na in order for her to learn magic, kailangan niyang maintindihan ang sinasabi ng mga halaman, ng Dark Night, ng mga puno, ng buhangin at kung ano ano pa, kasi daw ang mga ito ay may Spirits at lahat ng ito ay may force para sabihin sa kanya ang mga dapat niyang malaman.

Nagulat din ako dahil sa book, in order na makapagcommunicate sila sa mga Spirits, isa lang ang ginagawa nila, they pray. They say prayers to God, kay Virgin Mary, and the saints. Like ordinary Christians, witches pray to God in order to achieve what they want. Witches pray to the Lord in order to maximize their gifts.

The book also deal about Soul Mates. Sabi sa book, lahat tayo may Soul Mates, sila ang kahati ng mga kaluluwa natin, masaya sila kapag masaya tayo, emo kapag nageemote tayo, at nasasaktan din kapag tayo ay in pain. Isa lang daw ang soul mate natin, at kahit ilang reincarnation ang dumating, eventually magkikita at magkikita daw ang dalawang mag Soul Mates.

Pano mo malalaman kung Soul Mate mo na ang isang tao? According sa book, you will see a light on his left eye na ikaw lang ang makakapansin. Sa mga Becki na nagbabasa nito, pasensiya na, sabi sa book, Soul Mates daw ay applicable only between a man and a woman, kaya wag ka ng magtaka, for sure sa past life mo, lalaki ka talaga. Hehe.

Pero hindi ibig sabihin na kapag nakita mo na ang Soul Mate mo, siya na dapat ang mahalin mo, hindi ganoon. Sa book, nakita ni Brida ang Soul Mate niya pero nagpaubaya si Soul Mate na lalaki para sa Jowa ni Brida. Alam kasi nito na mas masaya si Brida dun sa guy, though their souls are one, minsan love is also too powerful to overcome what you are destined for. Minsan, emotions are like wild horses, you have to set them free. Sabi pa ni Soul Mate ni Brida, hindi man sila magkatuluyan ngayon, baka sa next incarnation, pwede na.

Ang sarap isipin na may Soul Mate ka ano? High School palang ako nung una kong naencounter yung term pero sabi nga ng quote, hindi natin napapansin na dumating na ang soul mate natin kasi masyadong preoccupied na tayo sa mga relationships natin at sa buhay.

Brida will always be one of my favorite books. It has everything I love, black magic, witches, sorcery, soul mates, and understanding how you can live life.

Saturday, October 15, 2011

The Road Less Travelled

 

Sometimes, my friends find me weird. Narinig ko na rin na I am anti social. Isang friend from college thought that I have autism, hehe. Madalas kong marinig na kakaiba ako, pero it doesn’t bother me. Siguro dahil sa weirdness ko, pero most of the time, I often think of this poem that I’ve learned from High School.

 

The Road Less Travelled

Two roads diverged in a yellow wood,

And sorry I could not travel both

And be one traveler, long I stood

And looked down one as far as I could

To where it bent in the undergrowth;

Then took the other, as just as fair,

And having perhaps the better claim,

Because it was grassy and wanted wear;

Though as for that the passing there

Had worn them really about the same,

And both that morning equally lay

In leaves no step had trodden black.

Oh, I kept the first for another day!

Yet knowing how way leads on to way,

I doubted if I should ever come back.

I shall be telling this with a sigh

Somewhere ages and ages hence:

Two roads diverged in a wood, and I--

I took the one less traveled by,

And that has made all the difference

...Robert Frost

 

The Winner Stands Alone

How far will you go to win something?

Ako, alam ko I will fight tooth and nail if I really want something. Tawagin na akong ambisiyoso pero pag gusto ko ang isang bagay, gagawin ko ang lahat. Madami akong pangarap, gusto kong maging mayaman, makapagtravel sa buong mundo, makain lahat ng klase ng cheesecake, matutong lumangoy, mapagpatayo ng bahay sa province, at kung ano ano pa. Sobrang dami kong gustong gawin na halos lahat ng oras na bored ako, nangangarap ako. Sino ba naman hindi naghangad ng mas maayos na buhay? Lahat tayo may pangarap na gustong maabot, may gustong gawin, may hinahangad sa sarili at sa mga mahal natin sa buhay. Lahat tayo, ambisyoso, kaya masayang isipin na hindi ako nag-iisa. Hehehe.

Reading the book will give you another perception about dreams and dreaming. Pagkatapos ko siyang basahin, sobrang kinilabutan ako. Bukod sa suspense ang book, it will give you an idea kung anong klaseng kang ambisyoso, este dreamer pala. Ibibigay din sa iyo ang mga klase ng pangarap: mga pangarap na mabuti, pangarap na masama, pangarap na may pinanghuhugutan, pangarap na gagamitan ng talent, pangarap para sa family at sa bayan, pangarap na kakaiba, at pangarap na iba sa pangarap ng iba. Ipapakita din ang mga consequences nito, both good and bad.

Ipapamukha din sa iyo ng book na sobrang hindi perfect ng buhay. Set in Cannes Film Festival, marerealize mo na mas malaki ang problema ng mga nasa limelight kumpara sa mga bagay na normal nating pinoproblema. Ayaw ko na tuloy maging sikat. Hehe. Ayaw kong maging sikat sa mga maling dahilan. Minsan kasi, hindi naman kasikatan ang lahat ng bagay ang mahalaga, nangangarap ka at gusto mo ang ginagawa mo.

Yun lang naman ang aral ng libro we. Mangarap ka at gawin mo ang lahat para makamtam yun. At pag nakamtam mo iyon, ienjoy mo! Deadma na kung masama o mabuti ang pangarap mo, sa libro, pinakita ng mga ambisyoso ang mga gagawin nila makuha lang ang gusto nila, kahit pumatay pa sila ng tao, tumakbo ng malayo, masaktan, mabigo, mawalan ng minamahal, bumuka man ang lupa, basta gusto nila gagawin nila. Naalala ko tuloy ang sinabi ng bading kong boss nung nag o OJT ako, “In everything you do, no matter how big or small it is, just do your best.”

After reading the book, marerealize mo na ang buhay, hindi naman always about winning it, its always how you played the game.

Rating is 10, like any other Paulo Coehlo book, sobrang bongga ng book!

Thursday, October 13, 2011

Four New Books

 

I bought four books last Saturday and they are all from my favorite author – Paulo Coelho!

1.Like the Flowing River.

I  started reading this one, it is a collection of stories and thoughts that will help you, inspire you, and make you love Paulo Coelho more. I just don’t know why my book’s cover is different from the one shown below, maybe because its a different publisher. I love the purple cover more.

2. The Winner Stands Alone.

Definitely, next in line! I am intrigued by this book, it is set in Cannes and revolves around the lives of Movie Stars, I just can’t wait to start reading it.

3. The Pilgrimage

Paulo Coehlo’s first ever book, it recalls his experiences when he was on a pilgrimage on Northern Spain.

4. Brida

Brida is a story about a girl who wants to pursue magic. So far, this is what I know. Hahaha, exciting! Again, the one I purchased have a different cover, haist, bahala na nga!

 

Now I realize, I really don’t like Paulo Coehlo, I really don’t.

New Off

 

After 48 years, at almost pagiging isang employee from hell, mayroon na akong Friday, Saturday off! I should be feeling happy with my little victory however I’m feeling crappy.

I don’t know.

Just to have a Friday, Saturday off, I need to render a six days straight duty. While I’m writing this, I’m rendering the fifth out of the six days that I have to be in the office. I was terribly sick last week, to the point that I went to the hospital twice just to feel better. My cute Doctor even advised me to rest because my sickness was stress related but here I am, trying to stay awake and relax while I’m in front of this crappy desktop waiting for my shift to end. I could have said no, but I didn’t, because I already have the rest days that I want.

They say that the best things in life are free, but reality is really harsh, there will be a time that you have to sacrifice one thing just to get something you really wanted. Like my health.

Certain sacrifices are worth it, and as long as I don’t stress myself, take my meds and vitamins, and just be healthy, hmm, this one is.

I can now say, that I AM SO LOOKING FORWARD TO MY REST DAYS!

Wednesday, October 5, 2011

Maam… Sir…

Ngayong hindi na ako nagaaral, ngayon ko lang naisip kung gaano kahalaga ang mga guro sa buhay natin.

Sa lahat ng aking mga naging guro ko na humubog sa aking natatanging galing, talino, at nagturo sa akin ng mga bagay na nagsilbing gabay ko sa buhay. Marami Salamat! Kayo na talaga… Maraming salamat sa pagtiyatiyaga at pagpapasensiya.

Sa lahat ng gurong nagbabasa nito, saludo ako sa inyo! Namnamin niyo ang araw na ito! Happy Teachers’ Day!

Remington

 

Mahilih ako sa mga Indie Films, hindi lang dahil sa mga sexy scenes pero kakaiba kasi ang mga Indie films, mas mapangahas, mas exciting, minsan, mas weird.

After Reading a lot of reviews about Remington, finally, napanood ko na din siya! Dapat ito muna ang papanoorin ko bago ang No Other Woman, kaso pagpunta ko sa Gateway, sabi sa kin nung nagtitinda ng ticket, ako palang daw ang taong manonood sa mga oras na iyon, hmm… wala akong planong mag isa sa sinehan, baka mamaya alam ko na mag isa ako, tapos biglang pagtingin ko sa kaliwa, may kasama na ako, creepy, hindi maari!

Buti naman after ng first movie, may mga kasama na akong manood.

Hindi siya talaga yung typical na Indie Film na mapapanood mo. Hindi rin siya ang typical gay film na mapapanood mo. Sobrang kakaiba ng story na hindi mo mapipigilang maamuse. Sobrang galing ng script na hindi mo maiiwasang matawa. Zombadings is so different na alam mo yung pagkatapos ng movie, sasabihin mo sa sarili mo na sobrang worth ng money mo.

Gustong gusto ko din sina Jigs and Remington! Sobrang galing nina Markie Escudero at Kerbie Zamora na parang natural lang ang pag arte. Ang galing din ni Roderick, sobrang classic talaga ang paraan niya ng pagdeliver ng mga linya. Eugene Domingo never fails me as well, kahit na konti lang ang eksena niya sa movie, sobrang galing pa din, parang gusto ko na tuloy bumili ng Roller Blades.

Zombadings is really one of the best gay films I’ve watched, sa ngayon, at ang kagandahan sa kanya, hindi lang siya pambading, pampamilya pa.

 

No Other Woman

 

Hmm… Since cancelled ang homecoming ko kahapon, nagdecide nalang akong manoon ng movie, para makapagrelax na rin.

Predictable ang story, yeah, pero ang kakaiba sa kanya is the way it was delivered. Sobrang galing! Kakaiba ang mga lines, at sobrang realistic ang eksena.

Napabilib din ako ni Anne kasi sobrang bagay sa kanya ang isang heiress na role. Si Derek, okay naman, tama lang. Si Christine, hmm… gusto ko lang nung binubugbog na niya si Anne.

Sobrang highly recommended, panoorin niyo na. Rating is 10, si Anne, 10 din.

Monday, October 3, 2011

A Lifetime More

 

Riding home in pain, feeling hurt and rejected yet remains enchanted

Unintentionally breaking me, eyes clouded with lake that’s been salted

In all fairness you’ve been honest, so I might as well give it to you

Although the words stabbed my chest; a truth that’s piercing me through

And I guess all I have left to do

(Is to) forget you; then I’ll resent you; I know I can make it through

Move on; go on and hate you; and someday just laugh back at you

Break you; find my life anew; love someone like I never did before

These things I plan do at least after a lifetime more

Right now, I’m happy being sad. Convincing myself it ain’t that bad.

Thinking of the days we had. Your kiss still, the way I held your hand.

I go crazy, I’m not the same. My heart stops when I hear your name.

Excruciating bliss devours my entirety; I wish I have you to blame

But I guess all I have to do

(Is to) forget you; then I’ll resent you; I know I can make it through

Move on; go on and hate you; and someday just laugh back at you

Break you; find my life anew; love someone like I never did before

These things I plan do at least after a lifetime more

Let me enjoy this sorrow; last for a time I want to borrow

Laugh in the rain and enjoy this pain

Because it won’t be long till I have to

Forget you; then I’ll resent you; I know I can make it through

Move on; go on and hate you; and someday just laugh back at you

Break you; find my life anew; love someone like I never did before

These things I plan do at least after a lifetime more

 

*** Salamat sa kaibigan kong emo na nagbigay pahintulot na ipost ito, ikaw na! Ikaw na talaga!

Sunday, October 2, 2011

F for Efren

 

Kung may isa akong tao hindi makakalimutan nung college ako, si Efren yun.

Si Efren, classmate ko siya nung nagtransfer ako from Accountancy to Banking. Sobrang opposite kami, siya maingay, masayahin, madaldal, madaming sinasabi, makulit.  kakanta ng Come On in and Out of the Rain sa videoke, Ako, dati lagi ko lang kasama ang mga barkada ko, tahimik, hindi masyadong nakikipagusap, pero nung fourth year kami, something bond us together – Ang pagiging working student.

Parehas kaming call center rep slash graduating student, ako sa Makati, siya naman sa Ortigas nagwowork. Since halos parehas kami ng mga pinagdadaanan noon, naging mas close kami, hanggang napansin ko nalang na lagi kaming magkasama. At lalong dumami ang kalokohan ko dahil sa kanya.

Ganito kasi yun, since parehas nga kaming working student, sa araw araw na ginawa ni Bro na 7:30 am ang pasok, late kami parati! Minsan, makikita ko nalang siya sa catwalk ng PUP, hahabulin ko yan, tapos imbes na dumeretso at mas magmadali papunta sa classroom, magbebreakfast muna kami, tapos magyoyosi sa chapel, tapos magkukwentuhan sa nangyaring shift kagabi, magtatamaan ng pronunciation at grammar, magbibidahan ng paghahandle ng irate callers, at pag naisipan namin na pumasok na, dun palang kami papasok. Pagtitinginan nalang kami ng mga kaklase ko, kami, magtataas nalang ng kilay.

Dati, may Professor kasi kaming 82 years old (R.I.P) tuwing Saturday, e hindi talaga nalelate yun, tapos amoy lupa pa, as in nakakairita talagang pumasok sa klase niya. Worst, tatlong oras ang subject niya, ung una’t kalahating oras, magsusulat siya sa board ng lecture, tapos yung nalalabing oras, sasabihan niya kami na gawin nalang ang Feasib namin. Since tatlong oras ang klase niya, magaatendance siya sa umpisa at pagkatapos ng klase. Ganito ang gagawin namin, hahabulin talaga naming dalawa ang attendance sa simula ng klase, at pag nagsimula ng magsulat si Lolo sa board, sisimple na ako ng “Lolo, este, Sir, May I go out…PO.” Titignan ko si Efren at alam na niya ang gagawin, in five minutes magkikita na kami sa baba at doon na kami magbebreakfast, tapos magyoyosi sa chapel, tapos magkukwentuhan sa nangyaring shift kagabi, magtatamaan ng pronunciation at grammar, at magbibidahan ng paghahandle ng irate callers. Kailan kami babalik? Tama! Sa attendance na bago matapos ang klase ni Tanda.

Since parehas nga kaming working students, sobrang lag na lagi ng mga utak namin pagdating sa klase. Puyat na kasi tapos kailangan pang magstay ng six hours, what do you expect, right? Halos lahat na ata ng exam nagkopyahan kami, lahat ng assignments parehas kami ng sagot, minsan gagawa siya ng report para sa kin, at ganoon din naman ako sa kanya, minsan parehas kami ng reaction paper na ipapasa, magkaiba lang ng pangalan at title. At since magkaiba ang circle of friends namin, sobrang dami naming source.

Bardaka ni EfrenBarkada ko. :)

Sobrang pasaway namin, hindi kami naguuniform. Haha!

Minsan, exam sa International Banking, since wala kaming inaral parehas, umasa nalang kami sa Divine Intervention at sa skills naming dalawa. Badtrip pa si Professor, kasi pinaghiwalay kaming dalawa, pero swerte ata talaga kami kasi sa kalagitnaan ng exam, pinatawag ang prof. Hahaha… Alam na!

Kanya kanya na kaming diskarte lahat, e since magkalayo kami noon, pagkatapos kong isurvey ang paligid kung may nagbabantay, sumigaw na ako,

“Efren, anong sagot mo sa 23?”

“Ay friend, B,” sagot ni kalbo, tapos sabi, “Lourd, may sagot ka na sa 26?”

“C,” Sabi ko.

Dalawang students ang pagitan naming dalawa noon ha. Nagtuloy tuloy ang pasahan ng sagot,

“Efren, 33?”

“Ay… C ata, nabasa ko yun e,” bigkas ni Efren.

“Friend, nagbasa ka? Sana pinabasa mo din sa akin kanina yung nabasa mo.” Tapos sabay tawa kaming dalawa, ang mga classmates kong epal, pinapatahimik na kami. Nageexam nga naman diba? Pero wapakels, pumunta kayo sa sementeryo kung gusto niyong magexam ng tahimik

Tagal ng prof, kami ni Efren pasahan pa din ng sagot.

“Efren, may 46 ka na?”

“Ay friend, wala pa din,” sabi ni Efren.

“C.” May boses babaeng sumagot, napatingin kami parehas, si Shiela pala, isa sa mga kapanalig namin ni Kalbo. Sulat agad kami ni Efren, hahaha…. Nung tapos na akong magsagot, since hindi ko mapapasa ang papel ko sa kanya, sinabi ko nalang,“Efren, didictate ko nalang ha, ready ka na? One, B. Two, C. etc etc”

Malakas ang boses ko noon, lantaran na rin naman na nagkokopyahan kami, tuloy tuloy ko na diba? Habang patuloy ang pagsabi ko ng mga sagot, nagulat nalang kaming dalawa kasi ang iba kong mga kaklase, pinapabagalan na ang pagbigkas ko, hindi kasi sila makasunod. Ang iba naman, pinapaulit. Hahaha… Kala ko pa naman kami lang ang hindi nag-aral, hindi pala kami nagiisa. Ending, lahat kami pumasa, siyempre parehas kami ng score ni Efren.

Nung naging close kami, seriously, dumami ang kaaway namin. Halos lahat parang kaaway na namin sa klase, kasi yung iba naming kaklase, yung mga brainy type, parang sinasabi na masyado lang daw kaming confident sa mga sarili namin kaya kami pumapasa, yung iba naman sabi masyado daw kaming maangas porke nagwork na, hindi na aatend ng mga meeting, seminars, mga ganoon. Tapos yung iba naman, parang insecure lang. Ang hirap talagang maging maganda!

Pero si Efren kasi ang tumatalak sa kanila, ako tagatawa lang, habang siya ang nakikipagmalditahan, ako ang gumagawa ng paraan para may magpahiram sa min ng notes at libro. Habang si Efren ang naghahanap ng certificates naming sa seminar na hindi naman naming inaatendan, ako naman ang nagbabayad para sa printing at pagbabago ng pangalan noon. Sobrang partners in crime talaga kami!

Kapag naalala ko si Efren, at lahat ng mga pinagdaanan namin, natatawa nalang ako. Kasi hindi ko talaga inexpect na magiging close kami, pero siguro ganoon lang talaga, may mga taong magiging part ng buhay natin na babaguhin ang kasabihan na “First Impressions, last.” After naging super friends kami ni Efren, mas naging open ako sa mga nakikilala ko, hindi naging judgmental, ngayon, lagi kong pinapairal ang tolerance at understanding. Minsan, I even embrace our differences. Because, First Impressions never last.

Congrats!

 

As usual, talo ako sa contest ni Bianca G! Hahaha! Kamote naman kasi, dapat kinarir ko talaga iyon ng pak na pak, pero siguro someone just deserve the prizes more. Pero bitter ako, BITTER!

Congrats nalang sa mga nanalo. Aantayin kong ipost ni Idol ang mga sagot niyo, para next time, alam ko na kung paano sasagutin. Sana manalo na din next time, haha, asa!

 

"If you never lose then you can never appreciate the victories."
---Laura Twitchell