Pages

Sunday, January 29, 2012

Si Amapola sa 65 na Kabanata

katatapos ko lang basahin ang Si Amapola sa 65 na Kabanata. the book was really good, aside from its written by ricky lee, there is something so realistic about the theme.

simple lang naman e, LAHAT TAYO HATI! :)

parang si Amapola, isang baklang impersonator na may mga weirdong alter egos. aside from that, malalaman mo na mananangal. iniisip ko palang na sa akin mangyayari yun, napapraning na ako. bukod pa doon, may isang propesiya na kailangan mong hanapin ang itinakda, sa kasamaang palad namatay ang itinakda, at all of a sudden si amapola na ang tinakdang magliligtas sa pilipinas.

pwede din si Lola Sepa, umibig kay andres bonifacio, lahat ginawa niya para dito, kahit ang buhay niya ang nakataya. ngayon, dahil sa mga panaginip niya, sa kanya nakasalalay ang pagpapatupad ng propesiya.

Si Emil naman, isang noranian from head to toenail. namana niya ang pagiging noranian sa nanay niya. buong buhay niya, si nora ang icon niya. magpapatugtog ng pearly shells sa coffee shop, dami ng pelikula ni nora, alam niya lahat ng mga shits about nora, mga ganoong bagay. pero kapag anjan na sa harap niya si nora, hindi kagaya ng ibang fans na halos magunaw na ang world nila, siya andoon lang sa tabi, pinapanood lang siya.

o di kaya si homer, ang all time crush ni amapola. napatay niya ang asawa niya dahil sa kagustuhan na matanggal ang pagiging aswang nito. tapos naiwan sa kanya ang anak niya.

lahat ng mga characters sa libro, may hati ang pagkatao, si amapola nga lang ang nakakalipad. kahit sino naman, hindi mapipigilang maramdaman na parating may kulang sa pagkatao natin. minsan nga, akala natin ang mga bagay na kukumpleto sa atin, ito pa pala ang magpapamiserable ng mga nararamdaman natin.

sobrang entertaining basahin ang book. aside sa mga baklaang dialogs, mga nakakaaliw na character at magandang plot, madali siyang basahin. minsan iisipin mo ang mga simbolo na ginagamit sa book, pero minsan, ayaw ko ng magconcentrate sa mga gustong iparating ni ricky lee, mas concentrated ako sa mga mangyayari sa baklang si amapola.

hindi ko inexpect ang ending niya. well tama nga naman ang book, hindi si amapola ang pag asa ng pilipinas. bukod sa hindi ako papayag, haha, sabi nga ni ricky lee, tayong lahat ang pag asa ng ating lupang hinirang

nasa sarili natin ang mga bagay na kailangan natin para mas maging maayos ang bansa, tayo ang tutulong sa mga sarili natin na mawala ang kahirapan at mga nagugutom, tayo ang magpoprotect sa kalikasan natin, at tayo din ang makakakagawa ng paraan para maging maayos ang mga buhay natin. hindi ang gobyerno, hindi ang ibang tao, at lalong hindi ang isang becky na manananggal.

kailangan nating simulan sa mga sarili natin. kung hati man tayo, okay lang yun, hindi tayo nagiisa. balang araw, mararamdaman din natin ang pagiging buo.

4 comments:

  1. Alam mo, bibilhin ko sana to kaso nagbago isip ko. Mabili nga. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha... bilhin mo na. sobrang ganda niya. sulit ang 300. haha.

      Delete
  2. orange i have 5 new books...gonna read it,then i was looking for paulo coelho pero sold out yesterday yung ibang best sellers ng store...

    ReplyDelete
    Replies
    1. cool! can't wait to hear more about the books that you've read.

      Delete