Pages

Monday, May 6, 2013

Ang Landas Tungo sa Liwanag


Sa totoo lang, ayaw ko talaga munang isulat ang mga nararamdaman ko. Ayaw kong isipin ng mundo na puro ako emo at rants. Pero sabi nga nila, the first step to letting go is acceptance. You accept your faults, acknowldege your weaknesses, admit defeat and then you start moving on.

Naging mahirap ang nakaraang buwan sa akin. Simula ng umalis ako ng Makati, tinanggap ko na sa sarili ko na may mga bagay na kailangan akong gawin. Naplano ko na ang mga susunod na buwan, nilatag lahat ng baraha't umasa na kahit papaano kakabig din ng malaki sa huli. Pero mapaglaro talaga ang kapalaran, minsan yamado ka na, bigla ka namang matatalo agad agad.

Lumipat ako sa Pateros na mataas ang paniniwala sa sarili ko. Alam ko kakayanin ko uling harapin ang mundo na magisa, makakayanan ang mga bagay na maaring harapin, at magigiging matatag sa lahat ng pagsubok na maaring ibigay ng Maykapal. Pero dahil sa sobrang init ng bahay ko sa tanghali, sumuko na ako. Haha. Nakakatawang isipin pero mas inuna ko ang kalusugan ko kesa sa mga hangarin ko. Paano ako mangangarap kung hindi malusog ang katawan ko? Paano ako mananaginip ng maganda kung hindi naman ako makatulog ng maayos? Paano lilinaw ang pananaw ko sa mga bagay bagay kung parating masakit ang mata ko dahil sa kulang ako sa tulog?

Kaya ito ako ngayon, nakatira na naman sa bahay ng Nanay ko.

Wala namang problema. Sobra akong masaya kasi kahit papaano alam kong may sumusuporta sa akin sa lahat ng mga pinagdadaanan ko. Mahirap man ang biyahe, masarap naman ang pakiramdam kapag nakauwi ka na. Sobrang gaan sa pakiramdam. Kung ito ang pakiramdam ng nakadrugs, naku, magiging adik talaga ako.

Pero alam ko hindi rin magtatagal at kailangan ko na ring bumalik sa Maynila - para maghanap ng bagong trabaho, bagong bahay, magsimula ng bagong buhay. Ngayon, kinakabahan ulet ako. Alam niyo yung pakiramdam na alam ko mahohomesick ako ulet at mamimiss ang luto ng nanay ko. Bukod pa doon, kinakabahan ako na magumpisa ulet kasi sa tagal kong magisa sa lungsod (walong taon), kinakabahan ako na magkamali ulet. Natatakot akong mabigo. At higit sa lahat, ayaw kong umuwi ulet sa bahay ng Nanay ko na isang talunan. Isang Prodigal Son.

Sa ngayon, na alam ko na madaming oras na akong nasayang, hindi ko na kakayaning gawin ulet ang mga bagay na nagawa ko na dati. Hindi na ako papayag. Hindi ko na iyon pahihintulutan.

Kaya kahit nakakapagod maguwian, kakayanin kong magtiis. Ihahanda ko muna ulet ang sarili ko na mas maging matatag para mas maging matapang na harapin lahat ng bagay na pwedeng ilatag ng buhay para sa akin. Panahon lang ang kailangan ko. Sa ngayon, umaasa akong hindi na iyong magtatagal.

Pangako, ito na ang huling pagkakataon na isusulat ko ito. Sa susunod na magsulat ako, sana mas masaya na, mas kaenga enganyong basahin, at higit sa lahat, hindi na madilim.

Kaya, pansamantala, hangga't hindi ko nakikita ang liwanag sa kadilimang bumabalot sa akin, iiwan ko muna ang kahel kong mundo.

Sana mahintay niyo ako. Aasa ako. Kailangan ko ang tiwala niyo. :D

6 comments:

  1. i hear you parekoy! kahi ako naramdama kona yan! pero ayun have faith lang, lam ko naman kaya mo yan!
    aja!

    ReplyDelete
  2. Mula sa isang black sheep at prodigal son ng isa pang pamilya, gawin mo ang nararapat upang maging mas matatag. Minsan kailangang iwan muna ang mundong nakasanayan upang magkaroon ng panibagong lakas at tiwala. Para sa tulad natin, babalik at babalik tayo sa ating tahanan kung saan naguumapaw ang pagmamahal na kailangan natin hanggang dumating ang tamang panahon na tayo'y lalaban ulit.

    ReplyDelete
  3. Buo ang tiwala namin sayo.

    Kaya magtiwala ka alng di nsa sarili mo.

    napangiti ako dun sa sumuko dahil mainit sa tanghali. totoo naman din kasi. hwhahhaha

    ReplyDelete
  4. sige lang - magsulat ka lang ng madilim na mga bagay... parte yan talaga...

    pero kung anuman, sana mahanap mo yung liwanag na inaasam mo.

    ngiti lng.

    :)

    ReplyDelete
  5. Rest well, my orange friend. At ang husay mo pala mag-tagalog!

    ReplyDelete