Pages

Showing posts with label STC. Show all posts
Showing posts with label STC. Show all posts

Friday, December 14, 2012

Sta Mesa Chronicles Part 2: Ang Caroling sa Bisperas



Sanay na ako sa opisina magpasko. Dati akong ahente sa call center. Automatic, kahit ayaw mo, kailangan mong masanay na habang ang iba ay nagbabatian, nagbebeso-beso at kumakain na ng masarap na pagkain pagpatak ng alas dose ng hating gabi, ikaw nagcacalls.

Ngunit nung bisperas ng pasko noon, at hindi ko na maalala bakit naiwan kami ni Jazmine mag isa sa buong boarding house. At dahil dalawa kaming working student na naiwan sa bahay, wala kaming ginawa buong gabi kung hindi planuhin lang kung paano kami makikikain ng noche buena sa kapit bahay. Haha. Sa mga oras ng kagipitan, si Jazmine ang maasahan mo sa usapang abilidad. Haha.

Pinlano naming mag stay sa tapat ng bahay. Pagusapan lahat ng mga bagay na napagusapan na namin dati pa at tumawa ng tumawa dahil dun lang kami magiging maingay dalawa. Pag maingay kami, mapapansin kami ng mga mababait naming kapit bahay, tatanungin bakit hindi kami umuwi? Sasabihin namin na maaga ang pasok namin bukas. Tapos yayayain nila kaming kumain sa kanila. At ayun, Merry Christmas na! Haha.

Habang nakatambay kaming dalawa. Isang binata ang lumapit sa aming dalawa bitbit ang kanyang gitara. "Magandang gabi, pwede bang mangaroling?" Nahinto ang harutan namin ni Jazmine, nagtinginan sa isa't isa, at nagisip kung totoo ba ang nasa harap namin.

Tinignan ko ang binata. May itsura. Parang istudyante sa PUP. Tinignan ko ang aking kaibigan, nginitian, alam na niya ang nasa isip ko. Dalawa lang kami sa buong boarding house at since alam naman namin na parang nagpaparamdam na, aarte pa ba kami? Haha.

Yun nga lang, seryoso si Kuya sa pagkanta ng Christmas Song so cancel na ang maitim na balak. Haha. Hinayaan nalang namin na kumanta siya. Ang pasko ay pagbibigayan. At dahil bisperas na, kailangan na talagang magbigay sa mga nangangaroling. Madami na kaming hiningan ng tawad at ngayon, hindi na uubra yun.

Sinimulan ni Kuya ng Pasko na Sinta Ko. Hindi niya tinapos. Hindi daw niya alam ang chords. Haha. Hanggang sa kumanta na siya ng Always Be My Baby ni David Cook. Tinapos na niya. At sinundan pa din niya ng napakaraming kanta na hindi ko na maalala. Lahat alternative. Lahat bahay sa boses niya. Lahat nakakainlove ayiiee...

Pagkatapos ng private performance ni Kuya. Nagrequest na si Jazmine na kantahin niya ang Let's Get Lound ni JLo. Ganoon talaga siya. Biglang ipapasok ang comedy sa mga sandaling kilig na kilig ka na. Pumasok si Jazmine sa kwarto para kumuha ng pera. Habang ginagawa niya yun, nagkwentuhan kami ni Kuya.

Naiwan din siyang mag isa sa boarding house nila at sa kadahilanang mamatay na siya sa boredom, naisipan nalang niyang mag caroling. Nawala na ang boredom niya, nagkapera pa siya. Style. Parehas kaming galing Muntinlupa. At parehas kaming mahilig kumanta. Ewan ko ba, pakiramdam ko, sa mga oras na iyon, hindi na lalamig ang pasko ko. Nagyaya na siya sa boarding house nila, isang oo nalang, Mering merry na talaga ang Christmas. Asa harap ko na siya, konting landi nalang, alam ko na magiging akin na siya... hanggang lumabas si Jazmine.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh." Kutya niya.

Natawa nalang ako. At hinayaang lumayo ang binatang may dalang gitara. Curfew daw. Hindi ko alam ang pangalan niya, o ang numero ng telepono. Pero sa mga sandaling iyon, alam ko na hindi na iyon mahalaga.

Ang pasko ay para sa pamilya, at sa mga sandaling iyon, kahit malayo kami sa mga pamilya namin, may isa akong kapatid na hindi ko magagawang iwan mag isa para sa isang lalaki kakikilala palang. Pamilya si Jaz, at hindi na mababago yun.

Maligayang Pasko!

Tuesday, November 6, 2012

Sta Mesa Chronicles Part 1: Si Momentz at Si Jazmine


Okay, tagalog lang po. LOL.

Nung naisip kong sulatin ang mga kaartehan kaganapan ng buhay ko sa Sta Mesa, alam ko na sila ang unang dalawang taong isusulat ko. Sila sina Momentz and Jazmine, siyempre nick name lang nila yun. Honestly, mas pang babae pa ang pangalan ko sa kanila, pero sina Moments and Jazmine, mga babae na ngayon. LOL.

Nakilala ko sila sa pangalawa kong boarding house. Hanggang ngayon hindi ko maisip paano ba kami naging close. Siguro dahil sobrang magkakaiba kami, nabalanse namin ang isa't isa. Ako yung weird, si Momentz ang mean girl ang peg, tapos si Jazmine ang Ms. Congeniality, kapag magkakasama kami, automatic, parang amin ang Road 2.

Si Momentz, siya ang pinakaprangka sa aming tatlo, sasabihin niya lahat ng gusto niya, gagawin niya ang mga bagay na sa tingin niya ay tama, at kapag kinanti mo siya, siguradong gagawin niyang miserable ang buhay mo. Momentz graduated as a Salutatorian of his class. Matalino talaga si bakla, at hindi lang yun, magaling din siyang magproject sa mga pictorials. Si Momentz, mas maagang nag work sa akin. Siguro pagkatungtong palang niya sa Manila, naghanap na kaagad siya ng work. LOL. Kadalasan Momentz and I clash, clash meaning walang usapan ng pagkatagal tagal. Sobrang daming pagkakataon na nasubukan ang pagkakaibigan naming dahil sa mga ugali namin, pero ang mahalaga, naayos namin ang mga bagay bagay sa pagitan namin.

Si Jazmine naman, siya yung social butterfly. Siya yung mahilig magpatawa, laging patok ang mga jokes, at kapag humirit siya, sigurado kong tatawa ka ng wagas. Si Jazmine, siya yung mas sensitive sa aming tatlo. Umiiyak kapag nanonood ng Wish Ko Lang, kakantahin ang Let's Get Loud para antukin, at aarte ng wagas kapag inasar, pero bigla ka namang patatawanin. Basta, walang malungkot na sandali kapag kasama mo siya. Kapag nagaway kami ni Momentz, asahan mo, si Jazmine ang gagawa ng paraan para magkaayos kami.

Ilang beses din ata kaming muntikang mabarangay dahil sa mga tiliang nagaganap sa madaling araw. Ilang beses na rin naming dineny ang mga kalandian na ginawa ng isa't isa. Ilang ex ko na ang nakilala nila samantalang silang dalawa, puro "kaibigan" lang daw. Haha.

Hindi naman puro pagkakaiba ang mayroon  kami. Pare-parehas kaming breadwinner habang nagaaral kami, pareparehas kaming magmamahal ng wagas pero parang gusto lang ata sa amin ay maging kaibigan lang, at pare parehas kaming nangangarap ng mas magandang buhay. Pare parehas kaming maka Nanay,

Habang sinusulat ko ito, namimiss ko sila, ang matapang na hirit ni Momentz, ang mga jokes ni Jazmine na kailangan mong sakyan kung hindi maasar ka, at ang mga sandaling nagkukwentuhan lang kami ng matagal sa labas ng bahay namin. Isa lang ang totoo ngayon, kung may pagkakataon na kasama ko ulet silang dalawa sa bahay, hindi talaga ako magdadalawang isip.

Marami pang kwento ang Sta Mesa. At alam ko, ngayong napakilala ko na silang dalawa, madali ng isalaysay ang lahat.