Pages

Tuesday, November 6, 2012

Sta Mesa Chronicles Part 1: Si Momentz at Si Jazmine


Okay, tagalog lang po. LOL.

Nung naisip kong sulatin ang mga kaartehan kaganapan ng buhay ko sa Sta Mesa, alam ko na sila ang unang dalawang taong isusulat ko. Sila sina Momentz and Jazmine, siyempre nick name lang nila yun. Honestly, mas pang babae pa ang pangalan ko sa kanila, pero sina Moments and Jazmine, mga babae na ngayon. LOL.

Nakilala ko sila sa pangalawa kong boarding house. Hanggang ngayon hindi ko maisip paano ba kami naging close. Siguro dahil sobrang magkakaiba kami, nabalanse namin ang isa't isa. Ako yung weird, si Momentz ang mean girl ang peg, tapos si Jazmine ang Ms. Congeniality, kapag magkakasama kami, automatic, parang amin ang Road 2.

Si Momentz, siya ang pinakaprangka sa aming tatlo, sasabihin niya lahat ng gusto niya, gagawin niya ang mga bagay na sa tingin niya ay tama, at kapag kinanti mo siya, siguradong gagawin niyang miserable ang buhay mo. Momentz graduated as a Salutatorian of his class. Matalino talaga si bakla, at hindi lang yun, magaling din siyang magproject sa mga pictorials. Si Momentz, mas maagang nag work sa akin. Siguro pagkatungtong palang niya sa Manila, naghanap na kaagad siya ng work. LOL. Kadalasan Momentz and I clash, clash meaning walang usapan ng pagkatagal tagal. Sobrang daming pagkakataon na nasubukan ang pagkakaibigan naming dahil sa mga ugali namin, pero ang mahalaga, naayos namin ang mga bagay bagay sa pagitan namin.

Si Jazmine naman, siya yung social butterfly. Siya yung mahilig magpatawa, laging patok ang mga jokes, at kapag humirit siya, sigurado kong tatawa ka ng wagas. Si Jazmine, siya yung mas sensitive sa aming tatlo. Umiiyak kapag nanonood ng Wish Ko Lang, kakantahin ang Let's Get Loud para antukin, at aarte ng wagas kapag inasar, pero bigla ka namang patatawanin. Basta, walang malungkot na sandali kapag kasama mo siya. Kapag nagaway kami ni Momentz, asahan mo, si Jazmine ang gagawa ng paraan para magkaayos kami.

Ilang beses din ata kaming muntikang mabarangay dahil sa mga tiliang nagaganap sa madaling araw. Ilang beses na rin naming dineny ang mga kalandian na ginawa ng isa't isa. Ilang ex ko na ang nakilala nila samantalang silang dalawa, puro "kaibigan" lang daw. Haha.

Hindi naman puro pagkakaiba ang mayroon  kami. Pare-parehas kaming breadwinner habang nagaaral kami, pareparehas kaming magmamahal ng wagas pero parang gusto lang ata sa amin ay maging kaibigan lang, at pare parehas kaming nangangarap ng mas magandang buhay. Pare parehas kaming maka Nanay,

Habang sinusulat ko ito, namimiss ko sila, ang matapang na hirit ni Momentz, ang mga jokes ni Jazmine na kailangan mong sakyan kung hindi maasar ka, at ang mga sandaling nagkukwentuhan lang kami ng matagal sa labas ng bahay namin. Isa lang ang totoo ngayon, kung may pagkakataon na kasama ko ulet silang dalawa sa bahay, hindi talaga ako magdadalawang isip.

Marami pang kwento ang Sta Mesa. At alam ko, ngayong napakilala ko na silang dalawa, madali ng isalaysay ang lahat.

10 comments:

  1. Ayan, looking forward to more kwento about Momentz and Jazmine :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. Salamat Zaizai, sana maaliw ka sa kanila.

      Delete
  2. hays ako din mis ko na mga tropa ko need ko na mag gala

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga we. minsan hindi mo aakalain na ganun sila kahalaga.

      Delete
  3. May feeling ako na si Vice Ganda ay itinago mo lamang sa pangalang Moments.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha... momentz is way cooler! :D

      Delete
  4. Awesome set-up! :) Sabi ko sayo, babalikan ko 'to eh. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. salamat sa pagbalik Nyl. Yeah, medyo complicated ang set up namin

      Delete
  5. nice..

    (btw, rayearth?.. haha!)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha... ako kasi si anemone, ung dalawang becky, ung dalawang characters din. lols.

      Delete