Pages

Showing posts with label Contest Piece. Show all posts
Showing posts with label Contest Piece. Show all posts

Tuesday, April 9, 2013

Its Me, Your Prince

Father, Its me, your Prince.

And Father, I am weak.

I am ruthless, rude, sarcastic, and horrible.

Father, I am a monster, in my own little ways.

Not realizing how gigantic little things can get.

Father, I am always tempted to do bad things.

My ambition sometimes forced me to concentrate on loving myself

Than being selfless and start caring for others

Moments happened where I don’t recognize myself anymore

Questioning, who I am? Is this the son you created?

Am I what you wanted?

In the middle of all the harsh things, you always blind me.

By your presence, by your love, and by the things you teach.

You remind me that I am still your prince in my own little ways.

Because you know that a thousand mile starts from a single step.

And in that stretch, though I sometimes let go of your hands,

You are still beside me.

Holding me, protecting me, and loving me.

Father, I know sometimes I am not worth it of your love.

A monster doesn’t deserve your love.

And in days where I am so confuse, you cover me with your blood.

Cleansing me, renewing me, and loving me.

Father, I will always be sorry for my sins.

I will always promise to try my best to never commit them again.

And in days where I break such,

Forgive me. Forgive me if I cannot forgive myself.

My lord, I lift all my burdens to you,

All the things I am scared of and all the things that disappoints you.

Just never let go, because I won’t.

Just never lose faith in me, because I will always have faith in you.

Just be there, as always.

And I will be eternally grateful.

You are the reason why I am alive.

You, my Lord, are the reason why I change.

You are the reason why I forgive myself.

And you are the reason why I became fearless.

You are bigger than everything.

And knowing that you are my father makes me feel

Greater than all things

This is my official entry to Joy's Letter To God Contest

Thursday, March 7, 2013

Sixth


Finally, a post made sense. Haha! :D

Kay Bino at sa lahat ng readers ng Damuhan, Maraming Salamat po. :D 

Tuesday, January 22, 2013

Pare,


Naalala mo pa ba ang mga sandaling ito? Ganito ang mga gabing gusto natin: malamig, walang bituin, tahimik at higit sa lahat may isang kahang marlboro lights. Nandito ako ngayon sa paborito nating tambayan, sa ilalim ng punong mangga, at kasalukuyang pinapatay ang isang alupihan gamit ang dulo ng apoy sa aking yosi. Gumagapang kasi siya sa pwesto mo, pare. Ayaw ko kasing katihin ang kuyukot mo, haha. Ayaw ko ding katihin ako.

Alam mo, hindi na ako makatulog ng ayos dahil sa ginawa mo. Mali. Pinipilit ko palang huwag matulog dahil sa ginawa mo. Umiinom ako ng kapeng barako, kumakain ng sorbetes habang nanunuod ng Naruto, at minsan kahit Red Horse na ang tirahin ko, hindi ko pa rin magawang antukin kakaisip sa iyo. Siguro iniisip mo kung bakit ayaw kong matulog, ano? Natutulog naman ako, pero ayaw ko lang kasing palagpasin ang mga sandaling naalala kita. Mas naalala kasi kita kapag malamig, madilim, tahimik at walang bituin ang gabi. Gustong kong naalala kita, kahit kay sakit na ng mga mata ko sa pagpipilit magising, ginagawa ko ito. Dahil sa iyo. Para sa iyo.

Tarantado ka kasi, pare. Bakit mo ginawa ang mga bagay na iyon? Bakit mo ginagawa sa akin ito? Nagawa mong magpatattoo ng alupihansa kaliwang dibdib mo. Nagawa mong papintahan ng ahas ang iyong likod kahit ang sakit sakit noon. Puta ka, ginamit mo pa ang kamerako para ipangalandakan sa buong Facebook kung gaano ka katapang tapos bigla kong mababasa sa peryodiko kaninang umaga na tinalo ka ng medisina. Mahina ka tsong. At ang nakakapikon, sa mga sandaling hinang hina ka na, hindi ko nagawang maging malakas para sa iyo.

Sikat ka na pala, pare. Nasa TV Patrol ka kanina. Hindi nga lang malinaw ang kuha sa iyo. Kailangan daw iblurred kasi medyo sensitibo ang eksena mo. Nakita ko lang ang lampara na ginamit mo sa pagsusunod ng kilay, ang silyang sinipa mo para tuluyan maisakatuparan ang walang kwenta mong plano, at siyempre ikaw, parang nakalutang sa ere, parang lumilipad, may tali nga lang sa leeg.

Kung asan ka man ngayon, nawa'y masaya ka. Hindi na kita mumurahin ulet, pangako. Baka kasi murahin mo din ako. Huwag kang magalala parati kitang dadalawin, basta ako lang dapat ang dadalaw sa iyo ha, ayos lang kahit huwag ka ng dumalaw sa akin. Seryoso, wala ng sisihan, pero Pare, kung alam mo lang na hindi natatapos sa pagbagsak sa board exam ang lahat. Kung alam mo lang na mas masarap mabuhay kahit hindi ka muna magligtas ng buhay. Pero ngayon, huli na ang lahat. Huli na ako para iligtas ka. Huli ka na para iligtas ang sarili mo. Huli na tayo para ituloy pa ang mga pangarap natin.

Huwag kang magalala ayos lang ako. Pipilitin ko. Kakayanin. At gaya ng gawain natin dati, tatambay pa din ako dito, aalalahanin pa din kita, uubusin ang yosi hangga't kaya, at pipiliting kayanin ang sakit ng iyong pagkawala.


Sinulat ko ito gamit ang lapis na ginamit niya noong kumuha siya ng board exam. Ang lapis na sinasama niya sa pagnonovena sa napakadaming simbahan, ang plumang naging saksi ng kanyang pangarap maging isang dalubhasa.

Ngunit, subalit, dapatawat, hindi siya naging dalubhasa ngayon. Marahil sa susunod na buhay.

Ito ang aking lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy

Wednesday, March 21, 2012

Ang Pagtatagpo

Pagpasok palang niya sa pulang entrada na may rebulto ng isang sikat na bayani, hindi na niya maunawaan ang kanyang nadarama.


Dito nagsimula ang lahat, naisip niya. Inikot niya ang paningin at nagalak dahil walang pinagiba ang lugar na kanyang kinalakihan. Andoon pa rin ang silid-aklatan na naging saksi sa lahat ng kanyang pagsusunog ng kilay, ang silid aralan na puno ng mga larawan ng mga pilipinong imbentor at mga dalubhasa ng panitikan, nakasabit pa rin sa kisame ng laboratoryo ang mga kulisap at planetang gawa sa lumang pahayagan.  Andoon din ang pulang saranggola ginuhit nila sa dingding.


Dumako siya sa gusali ng Kagawaran ng Agham, at hinanap ang lumang upuan nasa ilalim ng hagdaan kung saan niya sinulat ang kanyang pangarap, “A Beautiful Life.”


At ngayon, pagkatapos ng sampung taon, ibang iba na siya. Wala na ang mga maligno ng nakalipas, wala na ang takot at ang pangamba, at nawala na rin ang lahat ng pagaalinlangan. Wala na ang galunggong sa tanghalian, ang paglalakad papasok at pauwi, at ang paulit paulit na pamomroblema sa kwarta.  Lahat ay napalitan ng magagandang bagay – mamahaling damit at kagamitan, lupain na hindi na madaling masusukat, masasarap na pagkain, pamilya at mga kaibigan, at isang pangalan na mahirap ng madungisan. Lahat ng bagay na hindi man lang pumasok sa isang hinuha ay nasa kanya na.  Wala na talaga siyang mahihiling pa.

 
Isang bagay nalang ang kailangan niyang gawin, ang tumulong sa kanyang lumang paaralan. Naglakad siya sa luntiang parang kung saan gagawin ang kanilang reunion. Sinabi niya sa kanyang sarili, sa damuhan na ito magsisimula ang kanyang pangarap para sa kanyang sintang paaralan.


Ito ay Lahok para sa "Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan, sali na din kayo!