Pages

Tuesday, January 22, 2013

Pare,


Naalala mo pa ba ang mga sandaling ito? Ganito ang mga gabing gusto natin: malamig, walang bituin, tahimik at higit sa lahat may isang kahang marlboro lights. Nandito ako ngayon sa paborito nating tambayan, sa ilalim ng punong mangga, at kasalukuyang pinapatay ang isang alupihan gamit ang dulo ng apoy sa aking yosi. Gumagapang kasi siya sa pwesto mo, pare. Ayaw ko kasing katihin ang kuyukot mo, haha. Ayaw ko ding katihin ako.

Alam mo, hindi na ako makatulog ng ayos dahil sa ginawa mo. Mali. Pinipilit ko palang huwag matulog dahil sa ginawa mo. Umiinom ako ng kapeng barako, kumakain ng sorbetes habang nanunuod ng Naruto, at minsan kahit Red Horse na ang tirahin ko, hindi ko pa rin magawang antukin kakaisip sa iyo. Siguro iniisip mo kung bakit ayaw kong matulog, ano? Natutulog naman ako, pero ayaw ko lang kasing palagpasin ang mga sandaling naalala kita. Mas naalala kasi kita kapag malamig, madilim, tahimik at walang bituin ang gabi. Gustong kong naalala kita, kahit kay sakit na ng mga mata ko sa pagpipilit magising, ginagawa ko ito. Dahil sa iyo. Para sa iyo.

Tarantado ka kasi, pare. Bakit mo ginawa ang mga bagay na iyon? Bakit mo ginagawa sa akin ito? Nagawa mong magpatattoo ng alupihansa kaliwang dibdib mo. Nagawa mong papintahan ng ahas ang iyong likod kahit ang sakit sakit noon. Puta ka, ginamit mo pa ang kamerako para ipangalandakan sa buong Facebook kung gaano ka katapang tapos bigla kong mababasa sa peryodiko kaninang umaga na tinalo ka ng medisina. Mahina ka tsong. At ang nakakapikon, sa mga sandaling hinang hina ka na, hindi ko nagawang maging malakas para sa iyo.

Sikat ka na pala, pare. Nasa TV Patrol ka kanina. Hindi nga lang malinaw ang kuha sa iyo. Kailangan daw iblurred kasi medyo sensitibo ang eksena mo. Nakita ko lang ang lampara na ginamit mo sa pagsusunod ng kilay, ang silyang sinipa mo para tuluyan maisakatuparan ang walang kwenta mong plano, at siyempre ikaw, parang nakalutang sa ere, parang lumilipad, may tali nga lang sa leeg.

Kung asan ka man ngayon, nawa'y masaya ka. Hindi na kita mumurahin ulet, pangako. Baka kasi murahin mo din ako. Huwag kang magalala parati kitang dadalawin, basta ako lang dapat ang dadalaw sa iyo ha, ayos lang kahit huwag ka ng dumalaw sa akin. Seryoso, wala ng sisihan, pero Pare, kung alam mo lang na hindi natatapos sa pagbagsak sa board exam ang lahat. Kung alam mo lang na mas masarap mabuhay kahit hindi ka muna magligtas ng buhay. Pero ngayon, huli na ang lahat. Huli na ako para iligtas ka. Huli ka na para iligtas ang sarili mo. Huli na tayo para ituloy pa ang mga pangarap natin.

Huwag kang magalala ayos lang ako. Pipilitin ko. Kakayanin. At gaya ng gawain natin dati, tatambay pa din ako dito, aalalahanin pa din kita, uubusin ang yosi hangga't kaya, at pipiliting kayanin ang sakit ng iyong pagkawala.


Sinulat ko ito gamit ang lapis na ginamit niya noong kumuha siya ng board exam. Ang lapis na sinasama niya sa pagnonovena sa napakadaming simbahan, ang plumang naging saksi ng kanyang pangarap maging isang dalubhasa.

Ngunit, subalit, dapatawat, hindi siya naging dalubhasa ngayon. Marahil sa susunod na buhay.

Ito ang aking lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy

32 comments:

  1. Nice one! Though it's a story of tragedy! Hope it wins or at least be shortlisted. Good luck!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. Maraming Salamat, Sir. I am also hoping the same thing. :D

      Delete
  2. ganda ng ginawa mo lj ..... may pinanghuhugutan lang ... sawi lang ang peg? hahahahahahah goodluck sa entry mo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. Sinulat ko lang kasi siya ng tuloy tuloy hindi ko akalain na ganito yung magiging kalabasan. Malungkot nga siya. :D

      Delete
  3. Ang ganda ser. The best! Parang totoo. O kung totoo man, napakahusay talaga ng pagkakasulat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello, Pao Kun. Fiction lang po ito. :D Maraming salamat.

      Delete
  4. Replies
    1. walang anuman, Bino. Para sa damuhan!

      Delete
  5. shocks! kakalungkot na kwento!
    to una kong nabasang kalahok
    at masasabi kong maganda ang pag kakasulat mo!
    naalala ko best friend ko hays

    ReplyDelete
    Replies
    1. Im sorry, wala akong intention na maging ganun siya. :D

      Maraming salamat mecoy.

      Delete
  6. Ano meron at madrama ang post mo LJ? Hehehe. Text mo nga ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. May contest elmer. PM mo sa kin number mo. :D

      Delete
  7. Ang lungkot. Sana masaya na sya kung san man sya ngayon. I'm sure he is. Good luck sa entry mo sir. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe. Narinig ko kasi ang mga kwento ng mga taong nag su suicide dahil sa board exam, aun. :D Salamat sir.

      Delete
  8. Simple, pero may kirot sa puso.At para sa akin de best yun! Goodluck!

    ReplyDelete
  9. ang lungkot pero ang ganda ng gawa mo po..

    ReplyDelete
  10. Sabi ko na nga ba nasa dulo ang twist. Ang lungkot. :(

    Goodluck po sa entry nyo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. I know you see it coming. :D

      Delete
  11. naastigan ako dito sa entry mo kaibigan!

    Saludo si bagotilyo :)

    tapos nabanggit pa yung favorite cartoon ko na "naruto" .. haha wala lang :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... Favorite ko din un. Astig din ng entry mo tsong!

      Delete
  12. kaantig much. sana di mangyari to sa kaibigan ko..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Fiction lang naman ito yccos, alam ko mas matibay ang mga board takers ngayon.

      Delete
  13. Congrats sa entry mo ^^ nakaka antig nga ang kwento.... ^^ galing din ^^

    ReplyDelete