Pagpasok palang niya sa pulang entrada na may rebulto ng isang sikat na bayani, hindi na niya maunawaan ang kanyang nadarama.
Dito nagsimula ang lahat, naisip niya. Inikot niya ang paningin at nagalak dahil walang pinagiba ang lugar na kanyang kinalakihan. Andoon pa rin ang silid-aklatan na naging saksi sa lahat ng kanyang pagsusunog ng kilay, ang silid aralan na puno ng mga larawan ng mga pilipinong imbentor at mga dalubhasa ng panitikan, nakasabit pa rin sa kisame ng laboratoryo ang mga kulisap at planetang gawa sa lumang pahayagan. Andoon din ang pulang saranggola ginuhit nila sa dingding.
Dumako siya sa gusali ng Kagawaran ng Agham, at hinanap ang lumang upuan nasa ilalim ng hagdaan kung saan niya sinulat ang kanyang pangarap, “A Beautiful Life.”
At ngayon, pagkatapos ng sampung taon, ibang iba na siya. Wala na ang mga maligno ng nakalipas, wala na ang takot at ang pangamba, at nawala na rin ang lahat ng pagaalinlangan. Wala na ang galunggong sa tanghalian, ang paglalakad papasok at pauwi, at ang paulit paulit na pamomroblema sa kwarta. Lahat ay napalitan ng magagandang bagay – mamahaling damit at kagamitan, lupain na hindi na madaling masusukat, masasarap na pagkain, pamilya at mga kaibigan, at isang pangalan na mahirap ng madungisan. Lahat ng bagay na hindi man lang pumasok sa isang hinuha ay nasa kanya na. Wala na talaga siyang mahihiling pa.
Isang bagay nalang ang kailangan niyang gawin, ang tumulong sa kanyang lumang paaralan. Naglakad siya sa luntiang parang kung saan gagawin ang kanilang reunion. Sinabi niya sa kanyang sarili, sa damuhan na ito magsisimula ang kanyang pangarap para sa kanyang sintang paaralan.
Ito ay Lahok para sa "Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan, sali na din kayo!
bogart! ang amorseko, ilagay sa swimsuit nito! (nakanguso kay LJ) haha!
ReplyDeleteang ganda ng happy ending ng kuento mo, galing!=)
wala na si bogart, asa timbukto na.... salamat joe.
DeleteGaling galing!!! Gudluck sa atin... Salamat sa pagdalaw
ReplyDeletemaraming salamat engineer. walang anuman, salamat din sa pagdaan.
Deleteang nostalgic! hehehe ☺
ReplyDeletepak na pak ang comment na ito, salamat brian
Deleteme likey because it is hopeful and not dark. and because i can understand it. hahahaha
ReplyDeletehahaha... ayaw ko namang emo post, masayang isipin ang damuhan, madami kasing masasayang bagay na pwedeng gawin un
Deleteaba'y may isa pa uli na pagpapa-contest a. more power sa iyong entry na ito at nawa'y mula sa damuhan ay sumibol ang iyong kagalakan.
ReplyDeletemabuhay!
hahaha... tama hitokirihoshi, gawin nating hobby ang pagsali sa mga contests. hahaha... maraming salamat sa muling pagdaan, sumali ka din, for sure, bibigyan mo ng magandang laban ang lahat ng kasali
Deletesalamat sa pagsali sa Bagsik ng Panitik :)
ReplyDeletemaraming salamat po sir bino, its an honor joining your contest
Deletewow.. this is one good piece.. napasmile ako ^_^
ReplyDeletehehe... salamat aj, welcome sa blog ko.
Deletegudluct sa contest. nice piece
ReplyDeleteay salamat po sir. :)
Deletegudluck sa contest.
ReplyDeletenice piece. galing. payak pero andun lahat
hehe... salamat po talaga, nahirapan akong magisip jan.
Deleteswabeng swabe ang pagkapasok ng mga salita.
ReplyDeletewow... si akoni napadaan sa blog ko, maraming salamat sir, good luck sa atin. :)
Deletematagumpay na nailagay ang mga balakid na salita!
ReplyDeletegoodluck sa entry mong ito ma'am lj!
maraming pong salamat, mahirap magisip kung paano mo ilalagay ang mga salita. :)
Deletenga pala, sir lj po. :D
sori po...akala ko po babae :)
Deleteokay lang, i get that most of the time.
Deletewow galing naman ng iyong pagbabaybay ng mga salita!
ReplyDeletehi iya, welcome sa orange kong mundo.
Deletemaraming salamat sa iyong magandang comment.
goodluck po...
ReplyDeletehello Sir Berlim!
DeleteMaraming salamat sa pagdaan sa orange kong mundo.
wow! isa pang malupit na akda...
ReplyDeleteoh my... marami pong salamat. :)
Deletegudlak sa contest! Salamat sa pagsali mo sakin friend. haha
ReplyDeletehaha... good luck din sa iyo. walang anuman.
Deletewawaweeee..
ReplyDeletemagaling magaling...
Gusto ko ang tema.
Gudlak sa iyo :)
wow... salamat sa pagdaan bagotilyo. good luck din po.
Deletegood luck yey napadaan lang po!
ReplyDeleteay... kahit magpabalik balik ka pa sir, okay lang. :D Maraming salamat sa pagdaan.
Delete:)
nakiraan lang po! =) bagsik ng panitik!
ReplyDeletesalamat po sa pagdaan. :D
DeleteNagbasa. Humusga. Mahusay. Sana'y lahat ng nagtapos na mag-aaral ay magbaliktanaw at suklian ang kanilang paaralan kung saan sila umani ng kaalaman.
ReplyDeleteMarami pong salamat taga bundok. Sana nga ganoon tayo, pero ang realidad ay hindi nakakatuwa.
Delete