Pages

Monday, June 27, 2011

Ecclesiastes 3:12-13

Sinusulat ko ang post na ito habang asa office. 5:30pm pm ang duty ko at ngayon ay 7:17 pm na! Paulit ulit na tinutugtog ang The Lazy Song ni Bruno Mars habang ineenterntain ang thought na “today i don't feel like doing anything,” pero no choice, andito na ako sa office, nagaantay ng email, naghahanap ng ka chat (buti nalang si Cyrus anjan), at binabasa ang blog ni Resty (salamat sa google reader). Siguro nga kung hindi naboblock ang blogger dito sa office andami ko ng na post. Haha…

Anyways, habang binabasa ko ang blog ni Teng, may biglang pumasok sa isip ko… Ano kaya kung kunin ko na ang backpay ko sa tatlong former companies ko? Yeah, sa tagal ko ng nagwowork, five companies for almost six years, isang beses ko palang naeexperience ang backpay! Ewan ko ba, nakakaalis ako sa isang company na di ko napoprocess ang clearance ko, at pag walangclearance, walang backpay! Hindi naman sa hindi ko kailangan ang pera (kung alam niyo lang), pero kasi pag alis ko sa isang company, may work na agad ako next week, siyempre wala ng time, hanggang sa di ko na alam kung asan ang mga gamit na kailangang isauli, at ayun, paalam backpay! Hanggang sa tinamad na akong mag asikaso kasi kuntento na ako sa mga bagay na mayroon ako ngayon.

Sabi nga:

I know that there is nothing better for men than to be happy and do good while they live. That everyone may eat and drink, and find satisfaction in all his toil -- this is the gift of God.

Ecclesiastes 3:12-13

No comments:

Post a Comment