Pages

Monday, April 15, 2013

Random Orange Part 4

Okay. Okay. Random Post! :D

Paumanhin naman. Actually, hindi naman talaga ako sabaw, ayaw ko lang mawala nalang ang mga tumatakbo sa isip ko na hindi ko man lang naisusulat sa kung saan. Haha. Since my blog ako, dito nalang po. Pwede naman siguro diba? Haha.

* Ayun, ang pinakahighlight ng linggo ko ay ang pagbalik ko sa manila. Dala dala ang isang bag ng mga damit at ang sobrang tiwala ko sa aking sarili. Nakakuha ako ng room worth PHP 2,800. Okay naman siya - malaki para sa akin, medyo tahimik ang place at ang higit sa lahat walang pakialam ang may-ari sa mga ginawa, ginagawa at gagawin mo. Pero siyempre lahat ng bagay may kaukulang responsibilidad. At kapag mangungupahan ka, ang pinaka mahirap ay ang papakiramdaman mo kung parehas ba kayo ng saltik sa utak ng mga kasama mo sa bahay.

Nasabi ko na ba na magjowang tomboy ang may ari ng tinitirhan ko ngayon? Haha. Serious.Pero baka iniisip niyo na yung magpartner ay isang super gandang babae at isang sobrang gwapo na babae, sorry, mali. Dahil ang nakakaaliw sa kanila, parehas silang mas lalaki pang kumilos sa akin. Astig diba?

Isa lang ang problema ko sa bahay ko ngayon. WALA AKONG BINTANA! Haha! 'Tragis talaga. Kung kailan nakapagbayad na ako ng advance, nakabili na ng mga kagamitan saka ko mapapansin na walang nilalabasan ang init sa kwarto. And good luck naman sa napakamasalimuot na global warning diba. Iniisip ko nalang na nauubos ang taba ko pag natutulog, haha.

*Ang dami kong nababasa recently. Haha. Hindi naman siya mga libro, mga threads sa PEX, mga emo post ng mga bloggers, at sa ngayon, iniisip ko ang mga blind items ni Senyor. May isang part din sa mga nakapost na napapagisip ako. May idea ako, pero ayaw ko lang itolerate ang thought. Kung ano man yun? Secret. Walang Clue.

At nawala na ang mga bagay na nasa isip ko. Sabi ko na nga ba, mawawala ang mga ito kapag nailabas na. Haha.

Thank you for wasting your time with me. Ingat parati. :D

AkoSiOrange


6 comments:

  1. haha nice sarap mag simula ng ganyan!
    napaka exciting! haha anyway aun nga hirap ng
    walang bintana lalo't ngayon mainit ang panahon

    ReplyDelete
    Replies
    1. sinabi mo pa. haist talaga. :D

      Delete
  2. Kaya tayo may blog kasi we can freely express what we feel as long as we're not stepping on someone's shoe. Random as it may seem pero may napupulot parin kaming mga kaisipan.

    Like, napaisip ko na if I were in your shoes, I wouldn't rent a place like that na walang bintana. Holy cow! how you be at ease sa walang exhaust tsk..tsk...And knowing na napakainit ng weather natin ngayon diyan...I can imagine you not needing a gym outfit to sweat it all out.

    Tyagain mo nalang muna then, kapag adjusted ka na, pwede ka namang lumipat sa medyo comfy na. Good luck sa pakikibaka mo ulet. God bless you always.

    ReplyDelete
  3. Good luck and God bless sa pagsasarili mo (parang ang pangit pakinggan pero alam mo naman ang sinasabi ko :) )
    Ganyan lang yan sa simula pag kalaunan at kaya muna maghanap ka ng mas magandang titirhan :P

    ReplyDelete
  4. Nako bakit walang bintana! Ang init pa nman. At kakaloka ang landlady mo

    ReplyDelete
  5. kelan ako makakapunta dyan sa bago mong mansyon hehehe

    ReplyDelete