Pages

Sunday, February 3, 2013

The Bar Brawl, A Round Table Challenge


What will you have?

Lights. Yun lang ang sanay akong inumin we.

Hindi ka talaga umiinum ano? 

Natuturnoff ka ba kapag ang kasama mo hindi palainum?

Hindi naman. Sanay lang kasi ako na party goers din ang mga nakakadate ko.

Well, hindi naman talaga ako party goer, pinilit mo lang ako kaya ako nandito ngayon. Isa pa, hindi ito date ano.

Ah ganun ba, anong tawag mo pag ang isang tao, niyaya ang isang tao? 

Eh di nagkayayayaan. Ano ba dapat?

Sabagay, ulitin ko ang tanong, ano ang tawag kapag niyaya ng isang tao ang isa pang tao dahil gusto niya ito?

Eh 'di date. So, gusto mo ako?

Di ba sinabi ko na sa iyo na date ito? 

Oh, okay.

Okay. So gusto mo din ba ako?

Ang bilis naman. Pwede bang bored lang ako kaya ako sumama sa iyo? Haha. Pero to answer your question, masasaktan ka ba kapag sinabi kong hindi?

Hindi? Sure? 

Oo. Hindi. Hindi kita gusto.

O, bakit parang napanis ang laway mo? Ano bang gusto mong marinig?

Wala. Sanay lang siguro ako na halos lahat nagkakagusto sa akin. Alam mo yun. Pag pumasok ako sa isang lugar, uuwi ako ng may kasama. Pero ngayon ata, uuwi akong mag isa.

Addict. Sabay naman tayong uuwi we. Magkaibang bahay lang.

Hindi mo ako patutulugin sa inyo?

Hindi rin. Bakit kaya mo ba ako niyaya para lang matulog sa amin?

Hindi naman siguro masama ang mag assume?

So, ineexpect mo na pag uminum tayo, uuwi tayo sa isang lugar?

Am, sort of, kasi ganoon lahat ng nakakasama ko we. Alam mo yun, lahat ng tao nagkakandarapa na maikama ako. 

Haha. Seryoso? Pasensiya ka na ha, hindi ako kagaya ng mga nakilala mo. Tara na, bill out na tayo. 

Hala, hindi pa tayo nakakadalawang bote.

Sabi ko nga, ibahin mo ako sa mga nakilala mo. If you want to stay, okay lang naman, just text me nalang when you got home. Avoid getting used to going home to someone else's house ha.

Saglit lang. Ayaw mo ba sa akin?

Hindi naman. Pero siyempre hindi naman ako ganoong ka easy, no. Malay mo sa next date, isa na ang uuwian natin. 

So, nageexpect ka din ng next date?

Ayun ay kung kapag niyaya kita, sasama ka. Sasama ka ba?

Basta ikaw, nanginginig pa. Tara na, hatid na kita.    



10. The Bar Brawl

citybuoy | Leader of the Opposition | ןıuǝ oɟ ɟןıƃɥʇ | Orange Wit | Spiral Prince

8 comments:

  1. Replies
    1. Hahaha! Ang problema sa mga single na nilalang -- pakipot!

      Delete
  2. haha hard to get ka pala lj tama yan!
    ako di ako pala inum madali kasi ako
    tamaan kaya di swak ang trip natin haha

    haha lahat daw? pag umuwi kayo sa isang lugar may gusto na agad sayo?
    malamang iba ang gusto nun

    ReplyDelete