Pages

Monday, March 11, 2013

Random Orange Part 3


Okay, hindi naman talaga ako sabaw. Haha. May mga dapat akong ipost kaso since medyo busy ako sa mga bagay bagay na hindi dapat pinagkakaabalahan (online games, lols), gagawa nalang ako ng random post. Hello Hello pala sa mga bagong dating sa blog ko! Masaya akong nandito kayo at naappreciate ang mga kaartehan ko sinusulat ko. Hindi man ako nakakapagreply agad sa mga comments niyo, asahan niyo na binabasa ko silang lahat sa office. Nakakataba sila ng puso, pero hindi nakaka high blood. :D

Random Post pala ito.

* After ng resignation ni Mommy, maraming mas masalimuot na kaganapan sa team namin. Namatay ang nanay ng office mate ko dahil sa motorcycle accident, nakunan ang isa kong team mate at kasalukuyang nakaleave na ng two months, kaya ito, 11 nalang kami sa team ngayon. Nagbabadya na naman ang "paalam summer post," pero umpisa palang naman ng March kaya I am still hoping for the best.

* Nagbabadya na talaga ang pagreresign ko sa company. Hindi ko palang ma point out ang exact date. Alam niyo ngayon, kinakabahan na akong mag risk ulet. Three years in a company is really good for your resume, pero siyempre tinitignan ko pa din ang possibility na makakita ng company where I will stay forever. Siguro ganoon naman talaga kapag tumatanda nagmamature na.

* Masaya ako na marami na akong bloggers na nakakachat sa FB, hehe. Alam niyo yun, pakiramdam ko nawawalan na ako ng anonymity (wow, lols). Pasensiya na sa mga nagtatatangkang makita ako sa facebook, masyadong twisted ang privacy settings ko at hindi ko na siya maayos ulet. Haha! Bopols lang talaga ako sa facebook.

* Level 54 na ang nagmamaganda kong Chanter (Class Name) sa AION. Haha! Anim na levels nalang max level na. Konting panahon nalang, makakatulog na rin ako ng husto.

* Alam ko madalang akong nakakapagcomment sa mga post niyo. Wag po kayong magtatampo, maniwala man kayo at sa hindi, lahat ng blogs niyo asa Google Reader ko at binabasa ko kapag may updates kayo. Pakiusap lang pala sa may mga "read more" sa page, patanggal po. lols. Intro lang kasi ang nakikita sa Reader. lels.

* Kahit na ang harot harot ng Bubbles. Nalulungkot akong dahil bading si Sebastian Castro. *insert sad face*

* Pwede naman pala akong mag blog ng tagalog kahit hindi sasali sa contest ng Damuhan, haha! Mema lang. :D

Ano pa ba? Un nalang siguro muna.

Salamat sa pagsasayang ng oras niyo sa page ko, mga Idol!

9 comments:

  1. define randomness?

    guso ko 'to from you! cge lng share ka lng! hihihi... bading si sebastian castro? kaka-sad nga! tss

    ReplyDelete
  2. whoa grabe dame naman ganap sa team mo,
    pray pray lang parate ahh,

    wow 54 na mamaw!

    hmm sino naman si sebastian castro?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... weak pa nga rin kasi wala pang magandang set. :D

      google mo mecoy. lols

      Delete
  3. i miss you, lj! nice to catch up with what's going on with your life. kung ano man ang desisyon mo sa trabaho, i'm behind you. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. i know you will. Thanks dear. :D

      Delete
  4. tanggalin na ang anonymity . makipag EB na samin. hahahha

    ReplyDelete
  5. i saw a post about the power of six... yun ba yung second installment ng I AM NUMBER 5????

    i also do saw that and i really wanted to have that book and a friend was very generous she lend her book to me... then she will come with me to buy the last book... idol ko kasi yung guy sa movie... and that movie and the story really captures my attention... hahahhaha i'll tell u if ntapos ko na ang book na yun... and thank u for the model land...

    i'll read ur other post tomorrow... hindi lang talaga makatiis and i wanted to read some of ur post...

    ReplyDelete
  6. wow nagramdom ...

    mishew na sama ka nmn sa PBO ,,,

    ANO PA BA? MAGRESIGN KA NA HAHAHAHA

    ReplyDelete