Pages

Monday, July 16, 2012

Its Not That Complicated:

Bakit Hindi pa Sakupin ng mga Aliens ang daigdig sa 2012?
By Eros Atalia


Sabay kong binili ang Ligo na u at ang Its not That Complicated. Mahirap na, baka hindi ko agad mabili ang book two, mapagiiwanan sa kwentuhan. Nalaman ko lang kay Gelo na may book two na pala, at siyempre yun ang naging hudyat para hintuan ko ang current book ko na binabasa at simulan ang kaadikan kay Eros Atalia.

Namotivate akong basahin ang Its not That Complicated kasi gustong gusto kong malaman kung ano ang nangyari kay Jen. Bakit siya biglang nawala? Bakit bigla niyang iniwan si Intoy? Masyadong madaming tanong na iniwan ang unang libro na kailangang kailangan ng sagot. Mga tanong na magpapaisip sa iyo kung complicated ba ang asa pagitan ng dalawa at kung tama ba ang kung anong mayroon sa kanila. 

Sa second book, masasagot ang ilang katanungan. Pero, marami pa ring tanong na maiiwan. Sa pagpasok ni Tina sa buhay ni Intoy, aasa na dapat ako na siya na ang magpapaligaya sa bida. Aaminin ko, masyadong mahirap ang gulong pinasok ni Intoy, pero maninindigan ako pag sinabi ko na siya ang mas talo sa lahat ng gulong dumating sa buhay niya. Kaya masyado akong hoping na si Tina na talaga ang nararapat na babae sa kanya.

Kaso ang complicated na buhay ni Intoy ay mas naging complicated. Haha. Kailangan mong basahin ang book para maunawaan ang mga pinagsasasabi ko.

Kung may isang bagay akong natutunan sa libro, siguro tama nga naman na Its not that Complicated, siguro everything is just a matter of perspective. Yeah, minsan, mararamdaman natin na parang napakashit ng mga nararamdaman natin, pero in the end, wala tayong aasahan kung hindi ang mga sarili natin to make ourselves better. 

Sabi ni Eros, ito na daw ang katapusan ng mga story nila. Weh? Haha. Hindi ako naniniwala. Madami pang complications na magaganap sa buhay ni Intoy at sigurado, aabangan ko iyon.

22 comments:

  1. So magkasunod pala ang 2 books na yan :)

    ReplyDelete
  2. Nakita ko na rin sa wakas ang libro na ito sa National Bookstore nung weekend. Anakngtinapayan! Kaso hindi ko na muna binili, mukhang kailangan ko munang ma-digest ang unang kabanata ng istorya ni Jen at Intoy para hindi maging complicated hehehe :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmm... Oo,I will advise na bilhin mo muna ang book 1 para you will get to understand stuff like the things that are going through Intoy's head, mga ganun. Pero I will advise you na sabay mo na din silang bilhin, hahaha.

      Will wait for your review Miko

      Delete
  3. agree ako sa sinabi mo ang tanging tao na maasahan natin ee ang sarili natin
    di ako pala basa ng libro haha dpt itry ko din minsan

    ReplyDelete
    Replies
    1. You should, Mecoy. Books are fun.

      Delete
  4. Replies
    1. True, Sir Glen. Mas maganda ang cover ngayon kumpara sa book 1. Pasensiya na, camera phone ko lang ginamit ko to have the picture taken

      Delete
  5. hindko ako mahilig sa pagbasa sa libro pero itatry ko muka kasing maganda :)

    follow u na!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello, bday boy! Yeah, maganda ito. Pero start ka din pala muna sa book 1.

      Delete
  6. wow, another book! i really should catch up on you. i have yet to get my hands on the catcher in the rye that you send. thanks again! i have finished the book thief by markus zusak - a great read, lj. i suggest you read it too.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha. It may take a while to publish another one, but I am rereading some PDF files on the office while working. Thief sounds interesting. I still want to get 13 reasons why first.

      Delete
  7. wow, another book! i really should catch up on you. i have yet to get my hands on the catcher in the rye that you send. thanks again! i have finished the book thief by markus zusak - a great read, lj. i suggest you read it too. PM

    ReplyDelete
  8. wow! salamat sayo at nalaman kong may kasunod pala ang LIGO NA U!! bwahahaha! nung natapos ko yung una sabi ko sa isip ko "potek yun na yun!!?"

    but wait! there's more papala!!! haha!

    Pero ok din yun buhay ni intoy sa unag libro hehe.. friends with benefits sila..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... welcome sa blog ko xan. oo astig nga ang premise ng friends with benefits. :D pero mashoshock ka sa book 2

      Delete
  9. naniniwala din ako na may kasunod pa yan...

    nagustuhan ko ang twist ,,heheheh

    :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. dapat talaga may kasunod siya, aalma ako kay eros atalia kapag wala

      Delete
  10. Nice blog post! Here's mine if you don't mind:
    http://lorxiebookreviews.blogspot.com/2012/09/its-not-that-complicated-bakit-hindi-pa.html


    Salamat and Have a nice day! =D

    ReplyDelete
  11. Of course, I will not mind. Thanks also for dropping by. :D

    ReplyDelete
  12. wla ba kaung pdf ng 2 books na yan?

    ReplyDelete
  13. sa pagkakaalam ko po, walang eksatong pagkakasunod ang tatlong librong yan ni eros. (Peksman, Ligo na U, tska its not that complicated) hindi trip ni sir eros yung may pagkakasunod sunod. basta.. nasa blurb niya yan...

    ReplyDelete