Pages

Thursday, July 5, 2012

Ligo na u, Lapit na me

By: Eros Atalia


Napanood ko ang pelikula nito a couple of months ago at simula noon, hindi na siya naalis sa utak ko.

May impact sa akin ang pelikula. Siguro dahil kina Enrique at Mercedes,


Marahil dahil sa kung gaano ka twisted ang buhay ni Intoy at Jen, pero isa lang ang sigurado, kailangan kong bilhin ang libro. Para nung binili ko yung I Am Number Four ko na book.

Sa mga pagkakataon na alam ko na kung ano ang mangyayari kapag nagbabasa ako ng libro, isa nalang siguro ang hinahanap ko, siyempre ang mga bagay na wala sa pelikula. Ano pa nga ba? haha.

Ano nga ba ang istorya nina Intoy at Jen? Hmm... Sabihin na natin na complicated ang mga bagay sa pagitan nila, imagine ang isang average guy na nainlove sa isang liberated girl. Sila ang epitome ng friends with benefits and perks. Ang astig isipin, pero ang hirap unawain. Kasi, siguro sa dami nilang pinagsasaluhan together, ayun, tuluyan pa ring nahulog ang loob ni Intoy kay Jen. 

Makulit ang book, gaya ng movie. Masayang basahin, gaya sa movie. Pero unlike sa movie, masasabi kong mas behave ang libro kasi nga ikaw na ang bahalang magisip ng mga ginagawa at ginawa ng dalawang bida. Sa movie, siyempre, since medyo sensual ang mga bagay bagay, umasa na may mga ganitong eksena.



Astig diba? Hanggang diyan nalang muna baka maging NSFW ang blog ko kapag nagpost ako ng iba. :D

Ang mas astig sa libro? Bukod sa kwento ng dalawa, pinakita din sa libro ang mga bagay bagay na tumatakbo sa utak ni Intoy. Simula sa konsepto ng mga Tsino sa Pinas, problema sa mga banal, at kung ano ano pa. 

Yun lang pala ang problema ko sa mga libro, hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi nalang magconcentrate sa story ng dalawang love birds ang story. Bakit kailangan isingit pa ang napakadaming bagay? Hehe... Naalala ko yung binasa ko ang Amapola at Para kay B, hindi naman siya ganoon (O baka ganoon siya, hindi ko lang napansin. lols). Naappreciate ko naman, kaso nga lang diba habang nagiging mas masalimuot na ang buhay nilang dalawa, biglang magkukwento ng mga epekto ng mga Chinese sa Pinoy, ampf! hehe.

Overall, okay naman ang book we. It has the same nakakabadtrip na feeling at the end, at siyempre aabangan mo din kung ano ang mangyayari sa kanilang love story.

Oo nga pala, I have book two na, kwento ko nalang sa inyo pag tapos ko ng basahin. 

Happy Independence Day sa mga taga U.S. of A :D

On the First Photo: My copy of the Eros Atalia masterpiece. The rest of the photos were all taken from Google 

11 comments:

  1. Ang pogi pala nung guy sa movie na yan :)

    ReplyDelete
  2. Pahiram naman teh balita ko maganda nga yung movie wagi nga ata yung bidang lalaki dyan db?

    ReplyDelete
  3. Pahiram naman ng book teh balita ko maganda nga yang movie na yan wagi nga ng award ata yung bidang lalaki dyan db?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmm... pano mo hihiramin mcrich? hehe... yeah maganda talaga ang movie, sobrang laugh trip, pero hindi ko sure kung nanalo yung lalaki dito. :D

      Delete
  4. hindi ko matandaan pero may dalawang US films na ganito rin yung tema na pinanuod dito sa bahay. friends with benefits yata yung isa, tapos hindi ko matandaan yung title nung isa pa. toink. uso ba ang ganitong set up ngayon kaya madaming pelikula na lumalabas about it? PM

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe... i've watched friends with benefits, maganda siya, kaso parang iba pa rin kasi sa friends with benefits naging sila in the end. Sa pelikulang ito, hmm... hindi ko pala pwedeng sabihin ang ending, haha!

      pero its different, i am telling you that it is different kasi it is. :D masyadong masalimuot, nakakalungkot, at sobrang angas.

      Delete
  5. naalala ko nung unang nabasa ko ang librong to, nasa Fully Booked pa ako nun ng alas diyes ng gabi. Hindi ko siya natapos pero grabe lang yung feeling habang binabasa ko siya. Sobrang na-frustrate ako, sa hindi ko malaman na dahilan. Siguro kasi, may tama sa akin yung kwento. Ngayon ko lang nalaman na may movie version pala ito, sayang hindi ko napanuod. At lastly, may book two ang kwento nila? BOOK TWO?! ako nang hindi makapaniwala. Anong title?

    ReplyDelete
    Replies
    1. siguro its because their story is too unbelievably twisted. Sobrang different from what normal pinoy love stories kasi its frustrating and the ending is really something that is out of our norms.

      Book two is Its not that complicated: bakit hindi pa sasakupin ng mga aliens ang daigdig sa 2012!

      Delete
  6. Hi po, nice review! Here's mine if you don't mind: http://lorxiebookreviews.blogspot.com/2012/10/ligo-na-u-lapit-na-me-by-eros-s-atalia.html

    Have a nice day and GOD BLESS po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello, Loraine! Im checking your review now. Marami ding salamat. :D

      Delete