Pages

Friday, December 14, 2012

Sta Mesa Chronicles Part 2: Ang Caroling sa Bisperas



Sanay na ako sa opisina magpasko. Dati akong ahente sa call center. Automatic, kahit ayaw mo, kailangan mong masanay na habang ang iba ay nagbabatian, nagbebeso-beso at kumakain na ng masarap na pagkain pagpatak ng alas dose ng hating gabi, ikaw nagcacalls.

Ngunit nung bisperas ng pasko noon, at hindi ko na maalala bakit naiwan kami ni Jazmine mag isa sa buong boarding house. At dahil dalawa kaming working student na naiwan sa bahay, wala kaming ginawa buong gabi kung hindi planuhin lang kung paano kami makikikain ng noche buena sa kapit bahay. Haha. Sa mga oras ng kagipitan, si Jazmine ang maasahan mo sa usapang abilidad. Haha.

Pinlano naming mag stay sa tapat ng bahay. Pagusapan lahat ng mga bagay na napagusapan na namin dati pa at tumawa ng tumawa dahil dun lang kami magiging maingay dalawa. Pag maingay kami, mapapansin kami ng mga mababait naming kapit bahay, tatanungin bakit hindi kami umuwi? Sasabihin namin na maaga ang pasok namin bukas. Tapos yayayain nila kaming kumain sa kanila. At ayun, Merry Christmas na! Haha.

Habang nakatambay kaming dalawa. Isang binata ang lumapit sa aming dalawa bitbit ang kanyang gitara. "Magandang gabi, pwede bang mangaroling?" Nahinto ang harutan namin ni Jazmine, nagtinginan sa isa't isa, at nagisip kung totoo ba ang nasa harap namin.

Tinignan ko ang binata. May itsura. Parang istudyante sa PUP. Tinignan ko ang aking kaibigan, nginitian, alam na niya ang nasa isip ko. Dalawa lang kami sa buong boarding house at since alam naman namin na parang nagpaparamdam na, aarte pa ba kami? Haha.

Yun nga lang, seryoso si Kuya sa pagkanta ng Christmas Song so cancel na ang maitim na balak. Haha. Hinayaan nalang namin na kumanta siya. Ang pasko ay pagbibigayan. At dahil bisperas na, kailangan na talagang magbigay sa mga nangangaroling. Madami na kaming hiningan ng tawad at ngayon, hindi na uubra yun.

Sinimulan ni Kuya ng Pasko na Sinta Ko. Hindi niya tinapos. Hindi daw niya alam ang chords. Haha. Hanggang sa kumanta na siya ng Always Be My Baby ni David Cook. Tinapos na niya. At sinundan pa din niya ng napakaraming kanta na hindi ko na maalala. Lahat alternative. Lahat bahay sa boses niya. Lahat nakakainlove ayiiee...

Pagkatapos ng private performance ni Kuya. Nagrequest na si Jazmine na kantahin niya ang Let's Get Lound ni JLo. Ganoon talaga siya. Biglang ipapasok ang comedy sa mga sandaling kilig na kilig ka na. Pumasok si Jazmine sa kwarto para kumuha ng pera. Habang ginagawa niya yun, nagkwentuhan kami ni Kuya.

Naiwan din siyang mag isa sa boarding house nila at sa kadahilanang mamatay na siya sa boredom, naisipan nalang niyang mag caroling. Nawala na ang boredom niya, nagkapera pa siya. Style. Parehas kaming galing Muntinlupa. At parehas kaming mahilig kumanta. Ewan ko ba, pakiramdam ko, sa mga oras na iyon, hindi na lalamig ang pasko ko. Nagyaya na siya sa boarding house nila, isang oo nalang, Mering merry na talaga ang Christmas. Asa harap ko na siya, konting landi nalang, alam ko na magiging akin na siya... hanggang lumabas si Jazmine.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh." Kutya niya.

Natawa nalang ako. At hinayaang lumayo ang binatang may dalang gitara. Curfew daw. Hindi ko alam ang pangalan niya, o ang numero ng telepono. Pero sa mga sandaling iyon, alam ko na hindi na iyon mahalaga.

Ang pasko ay para sa pamilya, at sa mga sandaling iyon, kahit malayo kami sa mga pamilya namin, may isa akong kapatid na hindi ko magagawang iwan mag isa para sa isang lalaki kakikilala palang. Pamilya si Jaz, at hindi na mababago yun.

Maligayang Pasko!

12 comments:

  1. hehe ang cute naman ng friendship nu
    kulit din ng story haha,
    buti naman at walang nang yari,
    masaya naman pala kayo,
    anyways nag tagumpay ba ang plano nyong makikain?

    ReplyDelete
  2. hahaha .. lalablayp pa sana oh . hehehe

    nagconcert c kuya sa inyo? ayos ah .lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha... parang ganun, private show, bagotilyo.

      Delete
  3. Tse! Biglang bawi sa huli. Pagkatapos niyo pakantahin ng marami, magkano binigay nyo?

    ReplyDelete
  4. kuripot! hhahahahahaha :-) nagbablog ka na namn sa office niyo hahaha:-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha... Sinulat ko sa office, kaso inedit ko sa bahay. GAnun ka din naman :D

      Delete
  5. cute. kung kapitbahay kita hindi ka pa lumalabas inaya na kita sumama sakin alam mo yan :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha... Alam na alam ko yan. For sure masarap ang noche buena pag kapit bahay kita. :D

      Delete
  6. napublish ba? hehe mahirap na nagbabalik na baka maudlot pa ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. OO, napublished naman. Comment moderation kasi. :D

      Delete