Pages

Friday, September 30, 2011

Aleph

Habang umeepal si Pedring nung nakaraang martes, ako, nakarestday. Bukod sa matulog, tinapos ko lang basahin ang bagong bili kong book ni Paulo Coelho, ang “Aleph.”

Ang Aleph ay ang storya ng pagtravel ni Kuya Paulo sa Trans-Siberian Railway, ito na siguro ang pinakastressful na railway sa world wide earth! It covers 9,289 kilometers at ang buong railway ay napapaloob sa 7 time zones, imagine nalang na habang nagdidinner ka sa Moscow, sa kabilang dulo ng napakastressful na railway, sisikat na si Bukang Liwayway. Ang kagandahan lang railway na ito, parang isang napakalaking adventure na sumakay ka dito kasi babaybayin mo ang buong Asian Continent, exciting diba?

Iba ang trip ni Kuya Paulo sa book. Nung mga panahon kasi na sinulat niya ito, parang masyado ng monotonous na ang buhay niya at punong puno ng routine. Kaya nagdecide nalang siya na bumiyahe para hanapin ang kanyang sarili ang maibalik ang passion niya sa maraming bagay. Doon ko lang narealize na tao din talaga si Kuya Paulo, nasstress, nawawalan ng focus, at minsan kailangan din ng moment para mag isa.

Kung akala mo na kay Kuya Paulo lang umikot ang story, well hindi. Ang Aleph ay story din mga kasama niya sa train. May kasama siyang isang Chinese na translator na nawalan ng asawa’t anak, ang kanyang publicist, may participation din ang kanyang asawa, at may nakilala din siyang Fan na nagpakita sa kanya ng Aleph.

Ano ang Aleph?

Ang Aleph daw ay ang isang point kung saan lahat ay nagsisimula at nagtatapos, lahat ng energy, bagay, pangyayari, tao, andoon. Para siyang isang path sa isang dimension kung saan makikita mo lahat, mararamdaman mo lahat, as in lahat, walang labis, walang kulang, LAHAT.

Hindi ka magsisisi kapag binasa mo ang book. It deals with reincarnation, shamans, circle ring of fires, witches, friendship flame, pakikipagusap sa mga tegi at kung ano ano pa.

Maganda din ang lessons sa Aleph. Una, about forgiveness, sa libro ko lang nabasa na forgiveness encompasses everything. Wala siyang time, generation o panahon, na in this universe, kung hindi ka man makakahingi ng tawad sa mga oras na ito, hindi pa huli ang lahat, mayroon ka pang habang buhay o kabilang buhay o panahon para gawin yun. Pangalawa, ang buhay ay ang tren, ang mga tracks at gulong ang conflict, at ang mga stations ang magsisilbing stages mo sa pagtatravel. Love is also not bound by marriage or commitments, in Aleph, you will understand that love can be a river, it may not be something that you expect, but it still love. Ibig sabihin, pwedeng hindi maging kayo, pero ang importante, is you still love each other.

Rating, 10 out of 10, bias talaga ako kay Paulo Coelho. Haha! Pero seriously kasi, Kuya Paulo never failed me, para kang laging nagbabasa ng children’s book, for adult nga lang.

8 comments:

  1. Isa lang ang book ni Paulo Cuelho ang nabasa ko. Yung The Alchemist. Habang binabasa ko parang hindi ko sya gusto. Pero pagdating ko sa ending biglang gusto ko na sya.

    ReplyDelete
  2. Actually, ganoon ata ang

    ReplyDelete
  3. ako din... salamat sa pagbisita, elmer.

    ReplyDelete
  4. may aleph na ba sa pinas? hahah san ba meron nun? trip ko din yan eh, sumali pa nga ko dun sa pakontes nya na video making,trololol hahahah. gusto ko din yan mabasa. peram naman. :D

    ReplyDelete
  5. Hello, Ian! haha... nabili ko siya sa powerbooks po, 500 +, ambigat, hahaha!! hehe... salamat sa pagcomment ha. :)

    ReplyDelete
  6. nice review. paghusayan pa ito (parang horoscope lang :p )

    ReplyDelete
  7. Pak na pak! More reviews to come. :)

    ReplyDelete