Pages

Saturday, September 3, 2011

Epilepsy

Nakatira ako sa isang boarding house sa Guadalupe.

Kung ididescribe ang bahay namin, isa siyang malaking structure na hinati-hati sa napakadaming kwarto. Sabi ni Daisy, landlady namin, mga 80 daw kami sa buong bahay, dahil iba iba ang schedule namin, hindi kami magkita kita. Totoo yun, alam mo yun parang may shift ang mga boarders. Ang mga kilala ko lang, este nakakangitian ko lang, ung mga panggabi din.

Madaming kwento ang boarding house namin. May mga nakakatuwa, tragic, nakakapagtaka at nakakatakot. Hindi na din kakaiba na bigla nalang may eksenang magaganap habang andoon ka, para bang kulang nalang lagyan ng camera ang buong bahay namin at for sure, tatalunin namin sa ratings ang Big Brother.

Anyway, kaninang umaga, may eksena na naman sa bahay namin.

Since four AM ako nakakauwi, normally pagdating ko tulog na ako. Hindi ako malalim matulog, konting galaw lang sa paligid ko, gising na ako agad. Kaya nung bigla kong naramdaman na may babaeng sumisigaw kaninang umaga, nagising ako agad. Una kong ginawa ay tignan ang cellphone ko para sa oras, takte, 8 AM palang! Irita na ako agad paggising ko agad kasi tuloy tuloy ang sigaw. Hindi ba pwedeng isang sigaw lang, may natutulog kaya? Pero wala, ayaw talagang magpaawat ni ate, kung sino man siya. Sunod kong narinig ay parang nagkakagulo na, hindi muna ako tumayo, pinakiramdaman ko kung kailangang magpanic na ba, matatapos din ang mga maiingay na yan, makakatulog ka din agad, sabi ko sa sarili ko.

Nakiramdam pa din ako. Ayaw ko pang tumayo kasi alam ko mawawala ang antok ko at mahihirapan na akong matulog ulet. Nung may narinig akong parang nagsabi na, “may tumagas na gas,” parang ganoon, deadma pa din. Inisip ko na wala namang nagluluto sa loob ng boarding house kaya imposibleng may gas na mag leak, tapos naisip ko katabi pala namin ang bakery, pano pag doon nanggaling ang leak at may tangang nagsindi ng yosi? Sigurado, paalam malupit na mundo na ang drama ko.

Masakit man sa kalooban, lumabas na ako ng kwarto. Napansin ko na halos lahat ng tao sa bahay namin, nasa common area, as usual, yung iba, alam na kung anong nangyayari at yung mga kagaya ko, makikiusyoso palang.

May babaeng housemate daw akong may epilepsy at nung mga oras na iyon inaatake siya. Nanginginig siya sa kama niya, at take note, sa taas ng double deck siya nakahiga. Siyempre ang mga housemate kong lalaki, akyat kaagad sa kwarto niya pero bumababa din pagkakita kay ate. Ang mga babae naman, parang hihimatayin sa kaba, pero hindi naman nila kilala kung sino ang biktime. Ang weird pa sa mga kaganapan, lahat kami asa baba habang si Ateng epileptic, anytime malalaglag na sa taas ng double deck. Walang nagtatangkang hawakan siya. Walang naghahanap ng number ng ambulansiya. Akala mo lang meron, pero wala. Wala. WALA!

Since naawa naman ako kay ate, tinawagan ko agad ang kaibigan kong nurse at idiniscribe ang nangyayari. Hindi ko kasi sigurado kung epilepsy nga yun, kasi alam ko baka mamaya nauntog lang si Ate tapos may tinamaang nerve. Mga ganoon. Sabi kaagad ng barkada ko, tumawag ng ambulance tapos puntahan daw yung patient. Ito na ang part na tumakbo ako sa taas at sinabihan ko ang isa kong housemate na humanap na ng ambulance.

So andoon na ako, si Ate, nanginginig at tumitirik ang mga mata sa harap ko, ang sabi ng barkada ko, make sure daw na hindi sasaktan ni Ate ang Sarili niya. Tinignan ko lang siya, nakahiga lang naman, nanginginig, ang tanging cause of danger lang ay kapag nalaglag siya. Natataranta na ako ng mga oras na ito, pero sabi ni daberkads, kumalma lang daw ako para makapagisip ako. Ang una kong naisip tabihan siya ng unan para hindi siya mapunta sa dulong side ng bed niya para hindi siya malaglag, hinarangan din namin siya ng mga housemate kong lalaki. Tapos yung isa, bantay ang ulo ni ate just in case maisipan niyang iuntog ng bongga ang sarili niya. Tinanong ako ng barkada ko kung sumusuka daw ba, chineck ko ulet, wala naman. Tapos biglang dumating ang mga nurse. Haist salamat, makakatulog na ulet.

Ito minsan ang gusto ko sa boarding house namin. Alam mo yung though hindi mo silala kilala by name at hindi kayo masyadong close, alam mo na pag nangailangan ang isa, may tutulong sa iyo. Kakilala mo man sila o hindi. Pagkatapos ng drama, nakatulog ako ng mahimbing, hindi lang dahil sa pagod, dahil alam ko na asa isang bahay ako alam kong may masasanggahan ako.

2 comments:

  1. hahaha... Hindi naman ako makabagong bayani, tama lang, gagawin mo naman un kahit kanino at kahit nasaan ka man. Salamat sa comment, Chester :D

    ReplyDelete
  2. Isa ka talagang alamat LJ! Dapat ka ng mabilang sa mga Pilipinong Bayani! :) Kahanga-hanga..

    ReplyDelete