Pages

Wednesday, February 15, 2012

Grazie

dahil galing ako sa call center, sanay na ako sa mga taong nagreresign. sa call center, minsan kapag naregular ka, achievement na. Ang ibang call center agents, makakita lang ng isang company na mas malaki ang sweldo at mas maganda ang perks, aalis na agad, minsan nga walang paalaman nalang, ang malalaman mo nalang, andoon na siya sa kabilang company, kinukutya kung gaano ka walang kwenta ang company na pinanggalingan niya. Ayun ang alamat ng call center hopper.

Kaya noong nalipat ako sa company ko now, sobrang nabago ang pananaw ko. Sa company namin, may naawardan dahil five years at 10 years na sila sa company. aside from the prestige na nakukuha nila at mas malaking profit share sa araw na bigayan ng bonus, bukod pa sa mas mataas pa ang sweldo nila sa akin though mas mataas pa ang position ko sa kanila, narealize ko na pwede naman palang mag stay sa isang company.

pero dalawa sa mga kaibigan ko from work ay nagresign na.

yeah, kaibigan ko sila, though we are hemispheres away (asa rome sila), at nakakapagusap lang thru ym at emails, we became good friends.

nakakalungkot, nakakadismaya, at parang gusto ko ng sumunod at maghanap ng iba, char! haha.

Sa mga bello na kaibigan ko from roma, maraming salamat sa pagkakaibigan, though magkaiba na tayo ng company, hindi na mababago yung pagtingin at pagrespeto ko sa inyo. kayo na talaga! :P

grazie mille bellos! :)

3 comments:

  1. wahahahaha ako rin, I'm leave call center work... ought to be realigned to my proper field ☺

    ReplyDelete
  2. "Don't ever tell anybody anything. If you do, you start missing everybody."

    ReplyDelete