Pages

Tuesday, February 21, 2012

On Addiction and Dancing with Somebody

Nagpapaikot ikot ako sa mundo ng YOUTUBE ng makita ko ang video na ito.

Ang sabi ng nagshare ng link, the video was taken May 24, 2010.

Okay, isa pang video,

Ito naman last 1988 pa.

Notice the difference? Siyempre ung pangalawang video yung dapat ang tamang paraan ng pagkanta sa I Wanna Dance with Somebody. Sa Unang video, hindi ko maintindihan kung anong problema ni Mareng Whitney, iba ang korte ng katawan, mukha siyang haggard, at ang malala, pinapakanta niya sa back up singer ang chorus ng sarili niyang kanta.

According sa mga nagcomment sa unang video, the reason for the crappy performance sa unang video, was Whitney Houston’s drug addiction.

Haist, drugs talaga.

Actually, hindi naman ako mangmang sa drugs. Hindi dahil sa gumamit ako before, pero aside sa D.A.R.E seminar ko noong elementary pa ako, mayroon din naman akong kakilala na nainvolve sa drugs.

Okay, una, may pinsan akong addict. Sabi ng tsismis na kumalat sa family namin, shabu daw. Tumira ako sa bahay nila dati sa Makati. Sa squala sila nakatira (yeah, naranasan ko ng tumira sa squatter), ang sistema ng bahay nila, parang dalawang magkadikit na kwarto. Kasama ko ang pinsan ko sa room tapos yung tito at tita ko, andoon naman sa kabila. Isang umagang wala akong pasok sa school, nanonood lang ako sa cable tv na courtesy ng kapit bahay namin na magaling mag tap. Pinalipat ako ng pinsan ko dun sa kabilang kwarto. Since may kutob na ako kung ano ang mangyayari, sumunod nalang ako. Ayun, since magkadikit ang dalawang kwarto at plywood lang ang nakapagitan, rinig ko na may mga tao sa kabila, tapos parang nag iba ang amoy ng hangin. Mahirap iexplain. Parang mabango na hindi mo normal na maamoy sa kung saan. Pagbalik ko sa kwarto namin, ayun, parang bumaba lahat ng ulap sa kalangitan, alam ko na ang nangyari. Agad ko ng tinext ang nanay ko sa nangyari. Siyempre though hindi ako directly naging part ng “party” ng pinsan ko, baka kung ano pa ang mangyari sa kin since nagaaddict siya. Sa huli kong balita sa kanya, okay na daw siya, sa daming perang naubos ng tiyahin ko para irehab lang siya, naku dapat umayos na talaga siya.

Aside from that, mayroon akong officemate dati sa call center na super weird. Swear, mas weird pa sa akin. Haha. Hindi ko na didescribe kasi nagboblog din yun, at siyempre para sa privacy na rin niya. Pero sa super weird niya, nauupset nalang siya sa kung anong daming bagay. Umulan ng konti, upset siya. May nakita siyang bag na gustong gusto niya, kaso since alam niyang hindi niya mabibili yun, upset na siya. Upset siya kasi pakiramdam niya na walang nagmamahal sa kanya, na walang may gusto sa kanya, at nauupset siya sa mga pinakamaliit na dahilan, weird diba? Umamin siya sa amin na gumagamit siya ng valium, antidepressant when used inappropriately may lead to drug addictions. Obviously, inappropriate ang gamit niya kasi hindi naman siya nagpapatingin regarding sa depression niya, sinabihan namin siya na magparehab na, kaso ang ginawa niya, gumawa ng blog entry na parang nagbigay tribute sa kanta ni Amy Winehouse na my friends says i need to go to rehab but i say no no no. Sorry Amy Winehouse, hindi ko alam ang lyrics. :)

Ever since na nangyari yun, hindi namin alam kung anong gagawin kay officemates. Siyempre, concern kami kaso kung siya hindi concern sa sarili niya, kahit anong suporta namin sa kanya, haist, wala pa din.

Ngayon tinignan ko ulet ang unang video ni Whitney. As depressing and upsetting as it may look, sino ba naman ako para malaman ang mga tumatakbo sa utak niya, siguro may dahilan talaga siya sa mga ginawa niya, pero drugs has its cause and its effects, at kadalasan, hindi talaga maganda ang effects.

Naalala ko tuloy nung gumraduate ako sa D.A.R.E, though hindi ko na tanda ang meaning ng D.A.R.E, sabi sa kin nung principal namin habang binibigay ang diploma ko, “Say NO to Drugs.”

Ngayon, tatandaan ko nalang ang video na ito pag may nagattempt na magoffer sa kin, Oh em, ayaw ko masira ang boses ko! Paano ko na kakantahin ang I Will Always Love You, chos!

R.I.P Whitney!

4 comments:

  1. Yet another casualty. Sobrang sayang...

    ReplyDelete
  2. Drug Abuse Resistance Education (DARE)... tanda ko pa... hehehe

    ReplyDelete