Pages

Saturday, February 18, 2012

On Rejection

Parte na ng buhay ng tao ang rejection. Rejection sa work, sa pag ibig, sa mga opportunities, at sa kung ano ano pa. Isang bagay lang ang sigurado sa rejection, kahit ilang beses mo na siyang pinagdaanan, masakit pa din.

Tapos na ang tatlong araw kong pagaantay sa kumpanyang inapplyan ko nung nakaraang Lunes. Sabi nga nila sa akin, pag hindi daw ako nakatanggap ng tawag sa kanila, I can move on with my life at took what I went thru as a learning experience. Badtrip na learning experience na yan!

Hindi ko na maalala kung kailan ako huling naligwak sa isang interview. Kaya siguro ang bitter ng pakiramdam ko ngayon kasi bukod sa madalas akong pumapasa, confident ako sa sarili ko, at tiwala ako na qualified talaga ako para sa posisyon na inaplayan. Pero isang tanong lang ang naging batayan ng buong interview ko. Isang tanong na nung mga sandaling tinanong sa akin, bigla nalang nag black out ang utak ko, siguro dahil sa pagod at sa stress, at noong nakatulog ako ng mahimbing, kinabukasan, naalala ko na siya.

What are your career goals and what you are doing to achieve them?

Hanggang ngayon, naaalala ko pa ang sinagot ko, malayong malayo sa tanong. Shet! Haha.

Simple lang naman ang mga career goals ko.

I want to stay in a company where I will not just grow as an employee but also as an individual as well. When I apply for something, the first thing I look for a company is the working environment, it is important that I will learn something from the people I work with. Also, I really want a job that will be able to support me well financially.

Anong ginagawa ko para maachieve ko yun?

Once I get hired, I really do my best to get familiarize with the job, because knowing your job well will help you achieve greater things in an institution.

Pero, iba pa rin ang sinagot ko. Oh, pighati! Lols.

Ngunit, subalit, datapwat, at bagkus, wala na. wala pa ding tawag. hindi na ako magiging hopia (hoping) na tawagan nila ako, o na yayaman ako sa company nila. Sabagay, mayroon pa naman akong trabaho at kahit papaano, masaya pa rin naman ako sa trabaho ko ngayon.

Iisipin ko nalang na hindi ako ang nawalan, sila ang nawalan ng isang empleyadong kagaya ko. Hahaha! Manghinayang sila ng wagas! Hahaha.

10 comments:

  1. tama yan! that is the spirit! :) i support you all the way, bilang nareject na rin ako dati. somewhere, may perfect job offer na naghihintay for you. aja!

    Joe

    ReplyDelete
  2. Hey Joe,

    salamat sa suporta. U cheered me up today. :)

    ReplyDelete
  3. Totoo masakit talaga mareject sa interview! haha pero magandang practice yan for the next interviews. Or ayoko lang maging bitter. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.... I think we will both go with the latter, Nyl. :)

      Delete
  4. I feel the same sentiment, I got black out once during my interview and my answer is went beyond the question. I also missed simple answer sa isang written exam about audit (poor me), di na rin ako umasa pa... move on na lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. at least, i know im not alone. thanks dorm boy.

      Delete
  5. Tuwing bumibisita ako sa blog mo, iba ang theme :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay, kahapon ko lang siya binago elmer. :)

      Delete
  6. ay meron akong recent experience sa rejection sa interview, sabi nila sa umabsent daw ako para lang sa interview na yun, eh haller! paano ko sasabihin yun, eh unemployed nga ako? oh well, bitter din ako..hehehe..tama si tukayo, anjan lang ang perfect job for you..nag iintay

    ReplyDelete
  7. it's good to know that you're staying positive. i do have my share of rejections, that includes work din. but i do believe that there's still a pot of gold at the end of the rainbow so watch for it ;)

    ReplyDelete