Pages

Friday, August 26, 2011

Andok’s Guadalupe

Pauwi ako galing sa work kanina ng bigla akong nagutom. Pagtawid ko sa tulay ng Guadalupe, naisip ko munang kumain sa Andoks bago umuwi. 24 hours siya kaya for sure may pagkain pa, kaso pagtingin ko sarado ang airconditioned area nila kaya for sure sa taas ako kakain, kung saan ginawang beer garden ng mga taga guadalupe ang taas na part. Pero since gutom na ako, deadma na, orer na!

Okay naman ang lahat nung umorder ako, friendly ang mga staff, saka nakasmile. Sizzling Chicken BBQ at Royal ang pagkain ko kanina.

Inaanticipate ko na na madaming nagiinom sa taas pero hindi ko inexpect na kalahati lang ng buong floor nila sa taas ang bukas. Ang sahig, basa, may mga bakas ng yosi sa sahig at sa hangin, at wala pang maupuan. Mabait naman yung staff ng Andoks, hinanap niya ako ng pupwestuhan, pinunasan ang table, kaso nga lang katabi ko yung CR! Oo, katabi yung cr! Sino gustong kumain katabi ng CR! Sabi ko sa sarali ko, kalma lang. Buti nalang may mga lasing na umalis agad kaya nakalipat ako ng pwesto.

Pagkalipat ko ng pwesto, nagantay ako ng pagkain ko, after mga 15 minutes na paghahantay, wala pa din. Tinawag ko ung staff at nagfollow up, pumunta siya sa baba, pag akyat niya, nakangiti niyang sinabi sa ‘kin na, “Sir, wala po kaming pending order. San niyo po ba nakuha ito (habang nakatingin sa number)” Sabi ko sa sarili ko, kalma lang ulet, masyado pang maaga para mabadtrip, hindi ikaw dapat ang mastress sila dapat ang ma stress sa iyo. So nakangiti kong sinabi, “Kuya, Hindi ako magkakanumber pag hindi ako umorder sa baba, wala akong Royal pag hindi ako umorder sa baba, sa tingin mo, bakit ako may kutsara’t tinidor, kung hindi ako umorder sa baba?” Biglang tumakbo yung waiter pababa, pagakyat niya tinanong niya ako kung asan ang resibo ko, doon ko lang napansin na wala akong resibo, dito hindi na ako kumalma, war mode na ako! “Hindi ako binigyan ng resibo!” Tumakbo siya ulet, pagakyat niya may kasama na siyang babae sa cashier ata, Tinanong nila ako ng order ko, sinabi ko at ang sinabi lang ng cashier ay kakacall palang daw. Ibig sabihin noon, panibagong pagaantay na naman.

Since irita na ako, tinawag ko ulet ang waiter. Tinanong ko kung ano ang nangyari sabi niya wala daw nakapending dun sa lugar na pinaglalagyan nila ng order, ung parang sinasabitan ng resibo. Tinanong ko siya kung gaano katagal pa, sabi niya “paantay antay lang po.” Sabi ko, kanselin nalang yung order kong chicken, yung royal nalang ang babayaran ko kasi naimom ko na siya. Siyempre hindi siya papayag, kasi napunch na daw, e kung siya kaya ang ipunch ko, haha!

After 20 minutes, dumating na din ang pinaglalaban ko, kaso wala pa din akong resibo! Tinanong ko yung nagdeliver, hindi ako pinansin, tinatawag ko yung waiter, ayaw din akong pansinin. Badtrip na talaga ako, pero saglit lang, kakain muna ako. Hindi ko rin naenjoy ang pagkain ko, kasi ang alam ko sa sizzling, kumukulo dapat ang gravy niya. Ung sizzling ko, malamig, ung chicken may konting dugo pa, kaya di ko na inubos. Gantihan na ito!

Pagkatapos kong kumain, nilapitan ko yung snob na waiter, hinanap ko ang resibo ko, hindi niya alam. Kapag sumagot pa siya, eksena na talaga ang gagawin ko, so kalmado ko pa ring sinabi na kailangan ko ng resibo ko. Sabi niya sa cashier nalang daw, so baba ako, pagbaba ko nakita ko yung cashier na nagtake ng order ko at hinanap ko ang resibo ko. Sinabi niya sa kin, “Sir, nawala po kasi yung resibo niyo we," WRONG ANSWER! Sinagot ko siya na “paano yanm kailangan ko ng resibo ko?: May kasama na ata siyang parang bossing niya, habang natataranta yung cashier, siya na ang kumausap sa akin para itanong kung okay lang ba na i O.R. yung order ko, kasi daw baka nilipad lang yung resibo ko. WRONG STATEMENT ULET! Sinabi ko, “Kaya tumagal ang order ko? Kasi nililipad ang mga resibo niyo?” Nagmadali silang kumilos dalawa, yung cashier sa pagsusulat ng O.R. ung bossing sa pagsigurado na nakuha ko yung order ko. Tapos bigla kong sinabi na, “alam nu pwede ko kayong ireklamo sa ginagawa niyo! Wag na wag niyong iwawala ang resibo kasi dahil doon, sinasayang niyo ang oras ko! Next time, ayusin niyo ha!” Pagkakuha ng resibo ko, walk out agad.

Hindi naman ako masamang customer we, pero pag may mga masamang pangyayari, kahit ang pinakamabait na tao, nagiging irate din!

 

5 comments:

  1. Chillax lang. Masarap naman ata yung manok eh. Twice pa lang ako nakakain d'yan sa Andok's Guada :)

    ReplyDelete
  2. Hahaha... Hindi nga we, nakakakasira ng umaga. :D nagreklamo na ako sa head office nila, tignan ko kung magreply sa email ko.

    ReplyDelete
  3. Tahmah!!! Napakasamang experience nga iyon.. Haiz :S

    ReplyDelete
  4. Yun lang. Hindi masarap yung manok. Sa Baliwag lechon manok ka na lang kumain wahehehe. O divah, maganda 'tong Disqus. Pag may nag-comment sa blog mo, makakatanggap ka ng Notification sa email. Mag-reply ka lang sa email at automatic na mapo-post sa blog mo yung reply. Divah vungga? :)

    ReplyDelete
  5. yeah... Hindi hindi ko pa naman pinapalagpas iyon.

    ReplyDelete