Pages

Tuesday, August 30, 2011

Taxi Cab

Hindi mo maintindihan kung pagod ka lang o badtrip ka talaga. Pagkatapos mong magyosi, pumara ka na ng taxi. Umuulan ng umagang yun, masyado ka ng stress para lakarin pa ang daan papuntang EDSA galing sa gusaling pinagtatrabahuhan mo.

Sumakay ka sa unang taxi na pumara sa harap mo. Sa tabi ng driver ka umupo, kasabay ng pagsabi sa hangin ng “Guadalupe po.”

Gusto mong uminom ng umagang yun. Tinignan mo ang cellphone mo para lang icheck kung may mga gising pa sa mga kaibigan mo kaso walang nakaalala sa iyo. Tulog na sila siguro.

Sa sobrang inis mo, hindi mo pinapansin ang tao sa tabi mo. Nakatingin ka nalang sa bintana at pinapanood ang ulan, ang mga ilaw, ang kalawakan na tila nakikidalamhati sa kamalasan na pinagdaraanan mo. Alam mong konti nalang iiyak ka na, kaso sabi mo sa sarili mo para ka namang tanga kung iiyakan lang ang hindi pagbibigay sa iyo ng weekend off. Ang off na halos kalahating taon mong pinaglalaban para lang sa mapa sa iyo ay hindi mo pa rin pala makakamtam.

Habang nanahimik ka, naramdaman mong may sumagi sa hita mo. Napatingin ka sa driver at dun lang bumalik ang ulirat mo. “Parang ang lalim ng iniisip mo, Sir ha. San po ba kayo sa Guadalupe?” Bago ka sumagot, napansin mo na mas bata sa iyo ang driver, maputi, maganda ang mata, at mapula ang mga labi. “F. Yabut po, sabi mo.”

Nagpatuloy ang pagtakbo ng sasakyan. Niyakap mo ang bag mo kasi nilalamig ka na.

“Sir, gusto mo hinaan ko po ang aircon?” Sabi ng taxi driver.

“Hindi wag na, ganito lang talaga ako kapag bagong sakay sa taxi. Ginawin.”

“Ah… ano po bang iniisip niyo?” Marahang niyang sinabi.

Napatingin ka sa kanya. Alam mo na madadaldal talaga ang mga taxi driver pero ngayon lang nangyari sa iyo na may nagtangka sa iyong magtanong kung anong iniisip mo.

Napangiti ka nalang, “bakit, obvious an obvious ba na may iniisip ako?”

Napatawa lang siya, “Oo. Pero hindi ka mukhang problemado, badtrip ka lang.”

Putang Ina! Tama siya.

Nagpatuloy ang cute na driver, “Siguro nabawasan ang sweldo mo, o hindi naapprove ang leave mo, baka may nakasagutan kang Amerikano, o baka kaya hindi napunta sa iyo ang gusto mong schedule. Tama ako, ano?”

Putang ina ulet. Tama na naman siya. Hindi ka makapaniwalang tama siya! Ang badtrip na nararamdaman mo ay biglang napalitan ng paghanga. Bigla ng may ngiti sa mga labi mo dahil hindi ka makapaniwala sa mga nangyayari. Pero ang nasabi mo nalang, “parang ganoon, minsan may mga bagay lang sa trabaho na hindi nakakatuwa at parang mas gusgustuhin mo pang magresign. Pero, teka, pano mo nalaman?”

“Yan kasi ang normal na sinasabi ng mga call center agents na pasahero ko,” Sabi niya. “Pero Sir, kung isa man sa mga sinabi ko ang nagpapabadtrip sa inyo, isipin niyo nalang, at least hindi kayo nagtatrabaho ng buong bente kwatro oras. Hindi niyo kailangan makipagagawan sa mga pasahero para makaboundary lang. Minsan pag mamalasin pa, ang kita mo ng buong araw, mapupunta lang sa mga korup na opisyal. Siguro may dahilan bakit ganoon ang nangyari sa opisina niyo pero hayaan niyo nalang, ang mahalaga sa mag panahon ngayon ay may kinikita kayo sa malinis na paraan.”

Hindi mo na napigilang tumawa.

“Ayan buti hindi ka na badtrip, saan ba ang sa inyo dito?” Wika niya.

Napansin mong malapit ka ng bumaba. Kinuha mo na ang iyong pitaka at naglabas ng isang daan. Pero may nakita ka pang extrang singkwenta kaya kinuha mo na rin. Pinahinto mo ang taxi sa kanto na normal mong binababaaan. Pagtingin mo sa metro, “PHP 103.00,” binigay mo ang pera sa iyong mga kamay sabay sabing, “keep the change ha.”

“Sobra ito sir. Saglit lang at magpapabarya ako,” Sabi niya.

“Wag na, kulang pa yan kumpara sa mga nagawa mo sa akin ngayong gabi, salamat ha, malaking bagay ang mga sinabi mo.” Sabay bukas ng pinto, at bukas ng payong.

“Sir saglit lang,” pigil niya. “Resibo niyo po.”

Oo nga pala. Kailangan ng magantay ng resibo kahit sa mga taxi. Paglabas ng resibo, kinuha niya ang ballpen niya at may sinulat sa likod nito. Hindi mo na ito pinansin kasi nagmamadali ka na, pagkaabot niya nito sa iyo, dali dali ka ng naglakad pag uwi. Tinignan mo ang sinulat ni Taxi driver at natawa ka lang, Paolo ang pangalan niya, may number, mayroon ding salitang “salamat” at may smiley.

6 comments:

  1. haha... wag kang magalala, september 2 na dito sa manila. :D tomorrow is another day. :D salamat sa comment, elaine!

    2011/9/2 Disqus <>

    ReplyDelete
  2. Ang cute nmn nang taxi driver na yan. Ang baet. Minsan tlga may mga tao na magiging dahilan pra marealize ntn na swerte pa dn tau. :) sana nmn bago matapos ang araw na ito eh may tao na mkkpagparealuze sa akin na nde jinx ang sep 01, 2011 ko. :D

    ReplyDelete
  3. Isa kang malanding charos! hahaha mana ka talaga sa akin!!

    Kidding aside, i like it . At least someone had brighten up your day that time and also had the chance to chare it with us.. Keep it up! :)

    ReplyDelete
  4. hahaha... Alam mo yan, gusto mo bigay ko nalang sa iyo ang number?

    ReplyDelete
  5. Wow, may resibo ang taxi. Soxal. Makabagong taxi wahehehe. Yung mga taxi kasi na dumadaan sa Bagong Ilong, Pasig makaluma pa rin. Pero mahal na minimum nila. P40 na from P30 dati. Yung dating P50 ko from Bagong Ilog to PCC Kalayaan, naging P70 na. FX na lang me :)

    ReplyDelete
  6. haha... Alam ko kasi nagbago na ang mga metro ng taxi now. Napiprint na ng receipt. Hindi ko nature na kumuha ng receipt sa mga taxi kasi kalat pa yun, pero pag ininsist, y not? Salamat sa comment, elmer.

    ReplyDelete