Pages

Monday, August 15, 2011

Si Dave

Isang officemate ko na naman ang magreresign. Hindi na talaga ako sanay na may nagreresign. Ewan ko ba, sa limang kompanya na nagtrabaho ako, hindi ko maiwasan na malungkot at ang manghinayang.

Anyways, pag usapan natin si Dave.

Pumasok si Dave sa company naming nung February. Nursing graduate siya, masayahin, tahimik nung una, at gaya ng sabi ng ibang Clara (kontrabida) sa office, medyo slow daw. Nung naguumpisa palang si Dave, alam ko na nahihirapan na siya sa ginagawa nia. Ikaw ba naman ang pumasok sa isang Financial Institution na ang tanging alam mo lang ay ang parte ng katawan ng tao, pag hindi ka nawindang doon. Sa call center kasi naming siya dapat ilalagay kaso nga since lagi kaming kulang ng tao, pasensiya ka na Dave, pero magtiis ka jan!

Magkaiba kami ng shift ni Dave, morning siya at night shift naman ako. Lagi kaming magkasamang nagyoyosi pag uwian na niya. “Meeting “ ang tawag naming doon. Wala lang, paguusapan lang namin ang mga nangyari sa office, kung pano siya inapi, kung anong ginawa niya, mga tanong about work at marami pang iba. Napuputol lang kasi unang 15 minute break ko lang iyon at siyempre kailangan ko namang magtrabaho. Lahat ng mga pighati (wow) na dinanas niya sa buong araw, sa ‘kin niya kinukwento, mula sa mga bagay na sinasabi at ginagawa sa kanya ng mga Claras hanggang sa mga natutunan niya. Magaling naman si Dave kaso nga lang gusto ng mga Clara sa company namin, dapat unang turo, kuha agad. Dapat pag may sinabi, yun lang ang tangi mong bagay na gagawin. At since trained si Dave sa pagiging pasaway at palaban ko, hindi rin siya sumusunod.

Hanggang sa sinabi nalang niya sa ‘kin na tinanggap na daw niya ang offer sa isang call center. Naubusan na rin ako ng pep talk at ng mga motivation na pwede kong sabihin para kay Dave. Alam ko naman kasi ang mga dusa na pinagdaanan niya, at siyempe ayaw ko na din na pagdaanan pa niya ang mga kalupitan ng mga Clara. Siyempre gusto ko din na malaki ang sweldo nia para may gift siya sa akin sa Christmas at sa unang sweldo niya, may Starbucks ako, hehe. Higit sa lahat, kung saan masaya ang kaibigan ko, doon ako, regardless kung mahirapan, malungkot at magdusa pa ako.

Ang blog na ito ay para sa iyo Dave! Humayo ka at magpaka-becky!

2 comments:

  1. Ganun naman taaga, kung puro pagdurusa ang inaabot ng isang tao sa isang company, hindi nya kailangang magtiis dahil meron at merong mas magandang opportunity... At hindi naman end of friendship ang pagreresign...

    ReplyDelete
  2. Wow Idol! Salamat sa pagbabasa at sa pagcocomment. Nahiya naman ako. :P

    ReplyDelete