Pages

Sunday, October 2, 2011

F for Efren

 

Kung may isa akong tao hindi makakalimutan nung college ako, si Efren yun.

Si Efren, classmate ko siya nung nagtransfer ako from Accountancy to Banking. Sobrang opposite kami, siya maingay, masayahin, madaldal, madaming sinasabi, makulit.  kakanta ng Come On in and Out of the Rain sa videoke, Ako, dati lagi ko lang kasama ang mga barkada ko, tahimik, hindi masyadong nakikipagusap, pero nung fourth year kami, something bond us together – Ang pagiging working student.

Parehas kaming call center rep slash graduating student, ako sa Makati, siya naman sa Ortigas nagwowork. Since halos parehas kami ng mga pinagdadaanan noon, naging mas close kami, hanggang napansin ko nalang na lagi kaming magkasama. At lalong dumami ang kalokohan ko dahil sa kanya.

Ganito kasi yun, since parehas nga kaming working student, sa araw araw na ginawa ni Bro na 7:30 am ang pasok, late kami parati! Minsan, makikita ko nalang siya sa catwalk ng PUP, hahabulin ko yan, tapos imbes na dumeretso at mas magmadali papunta sa classroom, magbebreakfast muna kami, tapos magyoyosi sa chapel, tapos magkukwentuhan sa nangyaring shift kagabi, magtatamaan ng pronunciation at grammar, magbibidahan ng paghahandle ng irate callers, at pag naisipan namin na pumasok na, dun palang kami papasok. Pagtitinginan nalang kami ng mga kaklase ko, kami, magtataas nalang ng kilay.

Dati, may Professor kasi kaming 82 years old (R.I.P) tuwing Saturday, e hindi talaga nalelate yun, tapos amoy lupa pa, as in nakakairita talagang pumasok sa klase niya. Worst, tatlong oras ang subject niya, ung una’t kalahating oras, magsusulat siya sa board ng lecture, tapos yung nalalabing oras, sasabihan niya kami na gawin nalang ang Feasib namin. Since tatlong oras ang klase niya, magaatendance siya sa umpisa at pagkatapos ng klase. Ganito ang gagawin namin, hahabulin talaga naming dalawa ang attendance sa simula ng klase, at pag nagsimula ng magsulat si Lolo sa board, sisimple na ako ng “Lolo, este, Sir, May I go out…PO.” Titignan ko si Efren at alam na niya ang gagawin, in five minutes magkikita na kami sa baba at doon na kami magbebreakfast, tapos magyoyosi sa chapel, tapos magkukwentuhan sa nangyaring shift kagabi, magtatamaan ng pronunciation at grammar, at magbibidahan ng paghahandle ng irate callers. Kailan kami babalik? Tama! Sa attendance na bago matapos ang klase ni Tanda.

Since parehas nga kaming working students, sobrang lag na lagi ng mga utak namin pagdating sa klase. Puyat na kasi tapos kailangan pang magstay ng six hours, what do you expect, right? Halos lahat na ata ng exam nagkopyahan kami, lahat ng assignments parehas kami ng sagot, minsan gagawa siya ng report para sa kin, at ganoon din naman ako sa kanya, minsan parehas kami ng reaction paper na ipapasa, magkaiba lang ng pangalan at title. At since magkaiba ang circle of friends namin, sobrang dami naming source.

Bardaka ni EfrenBarkada ko. :)

Sobrang pasaway namin, hindi kami naguuniform. Haha!

Minsan, exam sa International Banking, since wala kaming inaral parehas, umasa nalang kami sa Divine Intervention at sa skills naming dalawa. Badtrip pa si Professor, kasi pinaghiwalay kaming dalawa, pero swerte ata talaga kami kasi sa kalagitnaan ng exam, pinatawag ang prof. Hahaha… Alam na!

Kanya kanya na kaming diskarte lahat, e since magkalayo kami noon, pagkatapos kong isurvey ang paligid kung may nagbabantay, sumigaw na ako,

“Efren, anong sagot mo sa 23?”

“Ay friend, B,” sagot ni kalbo, tapos sabi, “Lourd, may sagot ka na sa 26?”

“C,” Sabi ko.

Dalawang students ang pagitan naming dalawa noon ha. Nagtuloy tuloy ang pasahan ng sagot,

“Efren, 33?”

“Ay… C ata, nabasa ko yun e,” bigkas ni Efren.

“Friend, nagbasa ka? Sana pinabasa mo din sa akin kanina yung nabasa mo.” Tapos sabay tawa kaming dalawa, ang mga classmates kong epal, pinapatahimik na kami. Nageexam nga naman diba? Pero wapakels, pumunta kayo sa sementeryo kung gusto niyong magexam ng tahimik

Tagal ng prof, kami ni Efren pasahan pa din ng sagot.

“Efren, may 46 ka na?”

“Ay friend, wala pa din,” sabi ni Efren.

“C.” May boses babaeng sumagot, napatingin kami parehas, si Shiela pala, isa sa mga kapanalig namin ni Kalbo. Sulat agad kami ni Efren, hahaha…. Nung tapos na akong magsagot, since hindi ko mapapasa ang papel ko sa kanya, sinabi ko nalang,“Efren, didictate ko nalang ha, ready ka na? One, B. Two, C. etc etc”

Malakas ang boses ko noon, lantaran na rin naman na nagkokopyahan kami, tuloy tuloy ko na diba? Habang patuloy ang pagsabi ko ng mga sagot, nagulat nalang kaming dalawa kasi ang iba kong mga kaklase, pinapabagalan na ang pagbigkas ko, hindi kasi sila makasunod. Ang iba naman, pinapaulit. Hahaha… Kala ko pa naman kami lang ang hindi nag-aral, hindi pala kami nagiisa. Ending, lahat kami pumasa, siyempre parehas kami ng score ni Efren.

Nung naging close kami, seriously, dumami ang kaaway namin. Halos lahat parang kaaway na namin sa klase, kasi yung iba naming kaklase, yung mga brainy type, parang sinasabi na masyado lang daw kaming confident sa mga sarili namin kaya kami pumapasa, yung iba naman sabi masyado daw kaming maangas porke nagwork na, hindi na aatend ng mga meeting, seminars, mga ganoon. Tapos yung iba naman, parang insecure lang. Ang hirap talagang maging maganda!

Pero si Efren kasi ang tumatalak sa kanila, ako tagatawa lang, habang siya ang nakikipagmalditahan, ako ang gumagawa ng paraan para may magpahiram sa min ng notes at libro. Habang si Efren ang naghahanap ng certificates naming sa seminar na hindi naman naming inaatendan, ako naman ang nagbabayad para sa printing at pagbabago ng pangalan noon. Sobrang partners in crime talaga kami!

Kapag naalala ko si Efren, at lahat ng mga pinagdaanan namin, natatawa nalang ako. Kasi hindi ko talaga inexpect na magiging close kami, pero siguro ganoon lang talaga, may mga taong magiging part ng buhay natin na babaguhin ang kasabihan na “First Impressions, last.” After naging super friends kami ni Efren, mas naging open ako sa mga nakikilala ko, hindi naging judgmental, ngayon, lagi kong pinapairal ang tolerance at understanding. Minsan, I even embrace our differences. Because, First Impressions never last.

2 comments:

  1. hmm... hindi ko alam kung siya un, pero i doubt. hmm... send mo link elmer.

    ReplyDelete