Pages

Wednesday, March 21, 2012

Ang Pagtatagpo

Pagpasok palang niya sa pulang entrada na may rebulto ng isang sikat na bayani, hindi na niya maunawaan ang kanyang nadarama.


Dito nagsimula ang lahat, naisip niya. Inikot niya ang paningin at nagalak dahil walang pinagiba ang lugar na kanyang kinalakihan. Andoon pa rin ang silid-aklatan na naging saksi sa lahat ng kanyang pagsusunog ng kilay, ang silid aralan na puno ng mga larawan ng mga pilipinong imbentor at mga dalubhasa ng panitikan, nakasabit pa rin sa kisame ng laboratoryo ang mga kulisap at planetang gawa sa lumang pahayagan.  Andoon din ang pulang saranggola ginuhit nila sa dingding.


Dumako siya sa gusali ng Kagawaran ng Agham, at hinanap ang lumang upuan nasa ilalim ng hagdaan kung saan niya sinulat ang kanyang pangarap, “A Beautiful Life.”


At ngayon, pagkatapos ng sampung taon, ibang iba na siya. Wala na ang mga maligno ng nakalipas, wala na ang takot at ang pangamba, at nawala na rin ang lahat ng pagaalinlangan. Wala na ang galunggong sa tanghalian, ang paglalakad papasok at pauwi, at ang paulit paulit na pamomroblema sa kwarta.  Lahat ay napalitan ng magagandang bagay – mamahaling damit at kagamitan, lupain na hindi na madaling masusukat, masasarap na pagkain, pamilya at mga kaibigan, at isang pangalan na mahirap ng madungisan. Lahat ng bagay na hindi man lang pumasok sa isang hinuha ay nasa kanya na.  Wala na talaga siyang mahihiling pa.

 
Isang bagay nalang ang kailangan niyang gawin, ang tumulong sa kanyang lumang paaralan. Naglakad siya sa luntiang parang kung saan gagawin ang kanilang reunion. Sinabi niya sa kanyang sarili, sa damuhan na ito magsisimula ang kanyang pangarap para sa kanyang sintang paaralan.


Ito ay Lahok para sa "Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan, sali na din kayo!

40 comments:

  1. bogart! ang amorseko, ilagay sa swimsuit nito! (nakanguso kay LJ) haha!

    ang ganda ng happy ending ng kuento mo, galing!=)

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala na si bogart, asa timbukto na.... salamat joe.

      Delete
  2. Galing galing!!! Gudluck sa atin... Salamat sa pagdalaw

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat engineer. walang anuman, salamat din sa pagdaan.

      Delete
  3. Replies
    1. pak na pak ang comment na ito, salamat brian

      Delete
  4. me likey because it is hopeful and not dark. and because i can understand it. hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... ayaw ko namang emo post, masayang isipin ang damuhan, madami kasing masasayang bagay na pwedeng gawin un

      Delete
  5. aba'y may isa pa uli na pagpapa-contest a. more power sa iyong entry na ito at nawa'y mula sa damuhan ay sumibol ang iyong kagalakan.

    mabuhay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... tama hitokirihoshi, gawin nating hobby ang pagsali sa mga contests. hahaha... maraming salamat sa muling pagdaan, sumali ka din, for sure, bibigyan mo ng magandang laban ang lahat ng kasali

      Delete
  6. salamat sa pagsali sa Bagsik ng Panitik :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat po sir bino, its an honor joining your contest

      Delete
  7. wow.. this is one good piece.. napasmile ako ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe... salamat aj, welcome sa blog ko.

      Delete
  8. gudluck sa contest.
    nice piece. galing. payak pero andun lahat

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe... salamat po talaga, nahirapan akong magisip jan.

      Delete
  9. swabeng swabe ang pagkapasok ng mga salita.

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow... si akoni napadaan sa blog ko, maraming salamat sir, good luck sa atin. :)

      Delete
  10. matagumpay na nailagay ang mga balakid na salita!

    goodluck sa entry mong ito ma'am lj!

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming pong salamat, mahirap magisip kung paano mo ilalagay ang mga salita. :)

      nga pala, sir lj po. :D

      Delete
    2. sori po...akala ko po babae :)

      Delete
    3. okay lang, i get that most of the time.

      Delete
  11. wow galing naman ng iyong pagbabaybay ng mga salita!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi iya, welcome sa orange kong mundo.

      maraming salamat sa iyong magandang comment.

      Delete
  12. Replies
    1. hello Sir Berlim!

      Maraming salamat sa pagdaan sa orange kong mundo.

      Delete
  13. wow! isa pang malupit na akda...

    ReplyDelete
    Replies
    1. oh my... marami pong salamat. :)

      Delete
  14. gudlak sa contest! Salamat sa pagsali mo sakin friend. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha... good luck din sa iyo. walang anuman.

      Delete
  15. wawaweeee..

    magaling magaling...

    Gusto ko ang tema.

    Gudlak sa iyo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow... salamat sa pagdaan bagotilyo. good luck din po.

      Delete
  16. good luck yey napadaan lang po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay... kahit magpabalik balik ka pa sir, okay lang. :D Maraming salamat sa pagdaan.

      :)

      Delete
  17. nakiraan lang po! =) bagsik ng panitik!

    ReplyDelete
  18. Nagbasa. Humusga. Mahusay. Sana'y lahat ng nagtapos na mag-aaral ay magbaliktanaw at suklian ang kanilang paaralan kung saan sila umani ng kaalaman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marami pong salamat taga bundok. Sana nga ganoon tayo, pero ang realidad ay hindi nakakatuwa.

      Delete