Pages

Monday, November 7, 2011

The Zahir

 

“All you have to do is to pay attention: lessons always arrive when you are ready, and if you can read the signs, you will learn everything you need to know in order to take the next step”

Kung mayroon isang bagay na I am passionate about, siguro, ito ay ang pagiging busy. Hindi ako mapakali ng walang ginagawa, hindi naman ako workaholic kasi hindi naman ako mahilig sa work. Pero, napapansin ko, hindi ako makakatagal ng gising ako at nakatunganga lang, dapat kapag hindi ako nagwowork, nagiinternet ako, o nagbabasa ng book, o nagtetext, hindi ako makakatagal na bum kasi mapapraning ako. Haha!

Nasabi ko ito dahil ang last book na nabasa ko ay tungkol sa obsession and passion – ito ang focus ng “The Zahir.”

Ang Zahir, bow. Ito daw ay isang bagay na sobrang gustong gusto mo. Sobrang gusto mo ito na to the point na ang buong pagkatao mo, hinahanap ito, ultimong kaluluwa mo, ito lang ang hinahangad, pinapangarap at parang ito lang ang rason mo na mabuhay. Pwedeng maging mabuti ang Zahir, at pwede ding maging masama, depende kung paano mo ito tatratuhin.

Sa book, may isang writer na iniwan ng asawa niya. Worst, iniwan siya na hindi siya sure ang dahilan. Alam lang niya, everything was doing well in their relationship, tapos one day, bigla nalang siyang iniwan. Umikot ang story sa paghahanap ng writer sa asawa niya, and while doing that, narealize niya na ang mga bagay sa pagitan nilang dalawa, ay hindi kasing perfect ng inaasahan niya. Habang hinahanap niya ang asawa niya, mas marami siyang natutunan sa sarili niya, sa pagmamahal at higit sa lahat, sa buhay.

Nakita ba ng writer ang asawa niya, hindi ko sasabihin, haha!

After kong mabasa ang book, siyempre nagreflect ako kung tama ba ang Zahir ko. Yeah I know na hindi ako makakatagal ng walang ginagawa pero siguro dapat mag slow down din. Ienjoy ang bawat sandali, lalo na ang mga petiks moment. Naisip ko din na siguro may mga bagay akong hindi naeenjoy kasi ginagawa ko lang siya for the sake of doing it, though nagiging busy ako, nagiging bugnutin naman ako. Once in a while, kailangan nating idisperse ang Zahir sa mga buhay natin, dahil kasi dito, nakakalimutan na natin ang mga mas importanteng bagay, lalo na ang maging masaya.

Kaya ngayon, kahit na nangangati akong tapusin ang mga bagay na sinimulan ko, hindi ko siya minamadali. Narealize ko ng simulan kong dahan dahanin ang mga bagay bagay, mas naeenjoy ko siya. At sa buhay nating puno ng pighati, siguro iyon na ang mahalaga, kahit gaano kadepress tayo, ang mahalaga enjoy pa din!

Salamat po sa pagdaan, ingat parati ha.

No comments:

Post a Comment