Pages

Thursday, November 3, 2011

Candles


Kagagaling ko lang sa bakasyon. Two days akong nanatili sa Sariaya dahil ayaw ko ng dalawin ng aking lola. Ngayong naranasan ko na kung paano maparamdaman ng isang namatay na nilalang, lalong tumibay ang paniniwala ko sa mga bagay na supernatural.

After ng work, deretso na sa Sariaya. Hindi ko na tinaon sa mismong araw ng Undas ang pagbisita, alam ko kasi an magiging crowded na ang mga sementeryo noon at sayang naman ang double pay sa 31 and 1, hehe. Nakarating naman ako ng Sariaya ng matiwasay, pagod at sobrang puyat nga lang.

Dumeretso na ako sa sementeryo baka umuwi sa bahay ng pinsan ko. Okay naman ang panahon na yun, walang araw, maulap at feeling ko hindi uulan. Pagdating ng sementeryo, bumili muna ng kandila para sindihan.

Ang daan mula sa kalsada papuntang sementeryo ay isang eskenita na pataas. “Himlayo” ang tawag ng mga kababayan ko sa sementeryo na iyon, kasi sa sobrang layo niya sa kalsada, pakiramdam mo hindi matatawag na himlayan ayun. Kinabahan pa ako kasi ako lang ang naglalakad paakyat. Pormado pa naman ako kasi kagagaling ko lang sa work, pero bahala na, masyado na akong pagod at puyat para intindihin pa ang pag-iisa.

Ng makarating ako sa puntod ni lola, dumilim ng konti ang langit. Sinindihan ko ang kandila, at biglang umambon! Yeah, ang maaliwalas na araw ay naging ambunin. Sumilong muna ako, since ambon lang naman yun, anytime, alam kong hihinto din siya. Kinausap ko nalang si Lola from a far, humingi ng sorry dahil ngayon lang nakadalaw, humingi rin ng gabay para sa mga desisyon, at higit sa lahat, humingi ng protecksyon para sa mga susunod na araw.

Humina ang ulan, at sinubukan ko na namang sindihan ang kandila. Hindi ko pa nadidikit ang lighter ko sa mismong wick ng candle, bumuhos na ang ulan. Yeah, kung kanina ambon, ulan na ngayon. Pinilit kong sindihan ang kandila, kaso ayaw na talaga, basa na siya kaya nga nga nalang.

Tinanong ko ang lola ko, kung bakit ayaw niyang magpasindi ng candle, siyempre hindi na akong umasa na sagutin ako. Kaloka kapag nakasagot pa siya. Sinabi ko nalang wag na siyang magtampo kasi babalik ako anytime soon.

Ang weird lang talaga ng nangyari. Hindi ko maisip kung saan ako magsisimulang isipin kung bakit nangyari yun.  The universe is really weird, hence, I love being a part of it.

No comments:

Post a Comment