Pages

Tuesday, November 8, 2011

Officemates

 Sa Department namin, 15 kami. 15 magkakaibang tao na pinagsama sama sa isang magulong department. Mahirap ang trabaho namin, it involves a lot of thinking and guts. Guts kasi madaming bagay na kailangan ng desisyon agad, hindi pwedeng mabagal kang mag isip o tatanga tanga, hindi rin pwede mahina ang loob mo. Dapat kaya mong tagalan ang maiingay ng callers, o ang mga pasaway na email, dapat din matigas ang loob mo na lahat ng gagawin mo kaya mong panindigan.

Ang post na ito ay hindi tungkol sa trabaho ko, nakagawa na ako noon, hehe, tungkol ito sa mga kasama ko sa team namin.

Kung ididiscribe ko ang mga kasama ko sa trabaho, tatlong bagay lang, ang mga kakampi ko, ang mga hindi, at ang mga wapakels.

Hindi porke kakampi ko na ibig sabihin lahat ng gagawin ko, tama sa kanila, o lahat ng sasabihan ko, sasangauyanan nila. Walang ganoon sa company namin. Kakampi ibig sabihin lahat ng mga hinaing ko pakikinggan nila, though may mangyari man o wala, andiyan lang sila, makikinig. Ang sarap ng buhay na may nakikinig, minsan, yun nalang talaga ang mahalaga pag sobrang pagod ka na sa trabaho at ayaw mo ng makipagcooperate ka. Sa 14 kong kasama sa team, ng inisip ko kung ilan sila, siguro mas madami pa ang mga daliri ko sa isang kamay. Nakakalungkot, diba?

Pangalawa, ang mga hindi ko kakampi. Hindi sila kaaway, iba pa yun, sila lang ang mga hindi nakikinig sa iyo. Pag may point ka, its either sisirain nila yun o magbibigay sila ng point na madadamay ang tahimik kong buhay sa opisina. Kunwari nung nagbigayan ng schedule, since madami akong gimik ginagawa kapag weekend, nagrequest ako ng Friday Saturday off, isang meeting na inopen ko ang topic na yun, hindi pa ako nakakapagsalita ng bongga, may kumontra na agad. Ganoon ang mga officemates ko na hindi ko kakampi, its either ginagawa nilang hell ang buhay ko o nakikipagplastikan ako sa kanila. Sila ang mga dahilan kung bakit ko gustong magresign minsan, o bigla nalang gumawa ng kalokohan habang asa opisina. Madami akong kateam na ganito, haha!

Ang mga wapakels, simple lang, wala silang reaksyon sa mga nangyayari. Wala silang say sa mga importanteng bagay na nangyayari sa team. Andoon lang sila sa office para sumweldo at hindi makipagdiskusyon. Hindi ko nga alam bakit andoon pa sila we. Haha.

Ang mga officemates ko -- weird. Haha. Minsan pakiramdam ko bakit nagkaroon ako ng mga officemates na ganito pero habang tumatagal ang panahon, siyempre, matuto ka na ring makasama sa kanila. Makisama lang, hindi magtiwala, hindi ibuhos lahat ng oras na iniindi sila, hindi ako nagpapastress at hanggang ngayon, pinipili ko lang ang mga bagay na shineshare ko.

Since mas madami akong hindi kakampi, most of the time, nagiging wapakels type lang ako.

Hindi naman ako ganito sa mga dating company ko, pero since okay naman ang trabaho at company ko, mas mabuti nay yun. Ang mahalaga ay ang kumita! Kaya kahit kamote man ng mga office mate ko, pagsweldo na, wala na akong pakialam sa kanila.

1 comment:

  1. Hehehe... pera-pera lang yan. Parang sa call center lang din :)

    ReplyDelete