Pages

Saturday, January 21, 2012

Ang Basketball

sa sobrang boredom siguro ng mga officemates ko, nagplano sila ng basketball game.

may sports fest na kami sa company kung saan lahat ng mga empleyado ay nagsasama para maglaro ng isang game… bowling! so hindi na pala dapat sports fest ang tawag dun, bowling competition, my bad.

ayon sa tsismis, kaya daw ayaw ng magkaroon ng basketball game sa kumpanya namin kasi nung isang huling liga, nastress ang isa naming bossing dahil may nangyari. parang may nabalya ata tapos tinamaan ang ulo, ayun,pinatawag ang bumalya kay kawawang empleyado, at siyempre ang dinahilan lang, “bossing, basketball game yan, minsan magkakaroon talaga ng ganyan.” tapos ang maliligayang araw ng mga basketball players sa company namin, lahat ng sports na malaking ang chances na ikainjure mo, hindi na malalaro. kaya ngayon, bowling nalang ang paraan para magbond ang mga empleyado. siguro pag may nainjure pa sa bowling, baka chess o game of the generals nalang ang ipacompetition ng company namin. :p

pero, boys will be boys, kahit na sila sila lang ang magorganize ng liga nila, makapaglaro lang ng basketball, gagawin nila ang lahat. nagpaplano na sila nung mga nakaraang araw. naghahanap ng paglalaruan, referees, magpapatahi na ng uniforms, at siyempre may mga muse din.

nagsimula na rin ang email trail, lahat ng lalaki kasali, lahat ng lalaki which includes lahat ng badette sa company namin. nung una, hindi ako kasama, siguro akala talaga nila babae ako, haha, pero nung napansin na wala akong pangalan ko, dinamay na rin ako. haha. nakakatawa lang, kasi ang mga badette, nagsimulang magtawagan ng bro, brad, at pre sa email trail. may isang bading din na nagmaasim, nagulat nalang kami ng nabasa namin ang email niya na nagsasabi na, “anong gagawin ko diyan? tigilan nga ako.” tawanan kami ng mga kakulto ko sa office, sobrang serious, pakiramdam talaga niya paglalaruin siya. hindi niya siguro nagets na kulitan lang sa email ang lahat ng mga kaganapan.

sinasali nga rin nila ako pero asa sila maglalaro ako ng basketball, siyempre hindi ako sasali. hindi nga ako sumasali sa bowling competition nayan, basketball pa? haha. hindi ko alam. hindi talaga ako natutong magbasketball. nung bata pa kasi ako, mas abala ako sa pagtutok sa masalimuot na buhay ni sarah crewe habang inaapi siya ni ms. minchin at lavinia kesa sa magpaaraw at magpainit sa labas. ayokong napapawisan, kasi madalas akong magkaroon ng bungang araw we, sorry, sensitive lang ang balat. haha.

kahit nung nagaaral ako, nagagawan ko ng paraan na iwasan ang basketball. nung high school ako, akala ng lahat ng tao sa school namin may asthma ako, kaya bawal akong magbasketball, pero ang katotohanan, wala talaga. pag naglalaro ng basketball ang mga classmates ko, ako andoon lang sa tabi, binabasa ng pauulit ulit ang the little prince ni antoine de st exupery. haha.

buti nalang nung college may choice ng pumili ng pe, hindi ko din pinili ang basketball.

i have nothing against basketball, may mga bagay lang talaga ako ng ayaw kong gawin at kahit siguro yun nalang ang natititirang hobby sa planet earth, hindi ko pa rin siya gagawin. gusto ko naman ang basketball, ayaw ko lang na ako ang maglalaro.

 bebench-kerbiezamora4 Kerbie Zamora. :)

maraming aral sa basketball ang pwedeng iapply sa tunay na buhay.

una, may mga bagay sa buhay natin na minsan lang darating, parang free throw, kaya make sure mapapasok mo ito. pag sumablay sa una, siguro try mo ulet sa pangalawa.

next, pag may tinatry kang bagong bagay, bawal magtravel, bawal umabot ng tatlong steps. pag hind na talaga kaya, o nagkakaproblema na, ipasa na ang bola. haha.

pangatlo, minsan mafofoul ka, o sasablay, pero importante na matuto sa mga pagkakamali at siguraduhin na hindi ka gagraduate.

at higit sa lahat, sa buhay natin, kailangan minsan ng katulong para mapagtagumpayan ang mga bagay, teamwork kumbaga, pero importante din na magrely ka sa mga skills mo kasi minsan hindi anjan ang mga kakampi mo para tulungan ka. parang sa basketball.

with that being said, excited na ako sa basketball game sa office namin. haha…

3 comments:

  1. Aww but I love basketball, hehe.
    .
    .
    What if there's a bloggers sports fest. Sali ka? :D
    .
    .
    BTW, thanks for droppin' by.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Desole, musta?

      Oo naman, wag lang pong basketball, utang na loob.

      Salamat sa iyo. :)

      Delete
  2. haha,if i were a boy...my hobby is not basketball orange,if only i know how too...but sa pe naka relate ako haha girls also need to participate,eh hanggang love ko lang naman ang basketball but even if i wanted to know how to badly,hindi kaya ng body...and i never try to play it again,when i injure my other girl classmate before,girl kaya kami,bakit kasi pina join kami dun ^^ but i really love basketball...hehe its kinda tough but really all you've said is TRUE!!! pass it but always rely on yourself...gotta learn from the fouls and nurse every life injury...

    ReplyDelete