Pages

Monday, January 16, 2012

Who Knows Your Blog?


kausap ko si lorena last week. as usual, bukod sa office gossips, kung ano ano naman ang pinagusapan namin. everything was pretty normal that day, hanggang sa itanong niya.

“alam bas a office na nagboblog ka?”

since si lorena naman ang kausap ko, dapat kahit papaano, comedy ang sagot.

“hindi lahat. si officemate one at officemate two lang ang nakakaalam at siyempre sinabihan ko na sila to not give out the link. kasi alam mo naman sa office, maraming inggetera, baka gumaya, tapos feeling ko naman hindi naman dapat nilang malaman na. alam mo yun, baka isipin pa nila, ang arte arte naman nito may blog pa.”

totoo. dalawang tao lang sa 300 employees ng company naming ang nakakaalam na may blog ako. i don’t know. minsan kasi feeling ko hindi naman dapat malaman ng mga tao sa company namin ang mga pinagsususulat ko. hindi nila maiintindihan. for sure, minsan, hindi rin sila makakarelate.

alam ko din na minsan, i am posting some work related shits, though not offensive, without their consent naman. haha. pasalamat pa nga sila na sinusulat ko sila dito, 20 kaya ang followers ko! hahaha. 20 people will know more about them.

pero seriously, siguro most bloggers naman ay nagsimulang magsulat because they want to express themselves. ganoon din ako. nagsusulat ako kasi may mga idea na kailangang irelease sa utak ko, mga damdaming ayaw kimkimin, o may mga bugso ng puso na pag hindi nairelease, nakakamatay. minsan, gusto ko rin lang naman na magshare ng mga bagay na hilig ko.
mapalad na lang siguro kung may makakadiscover ng blog mo, o magkakaroon  ng followers, o may magcocomment pero ang unang rason mo para magsulat kasi gusto mo lang ng lugar na may paglalabasan ng lahat ng nararamdaman mo. isang instumento kung  saan walang manghuhusga, walang makikikialam at kahit kalian walang magsasabi na mali o tama.

hindi na siguro kailangang malaman ng mga officemates ko ang mga saloobin ko kasi kasama na nila ako. :p

ikaw, sinong nakakaalam ng blog mo?

5 comments:

  1. .. dati di ko pinapaalam na may blog ako, pero naisip ko minsan gusto mo rin namang may magbasa ng blog mo kahit papaano (mahirap kausap ang hangin, hehe.).

    .. pero i started blogging to kill time, homesickness and boredom tapos ayun mag apat na taon na rin sya ngayon.

    ReplyDelete
  2. hmmm...you?m, i was with your side on this one...all of it were all right...started to blog cause this is our medium of escape,where no one knows us on the first place, eventually its also a space where someone appreciates and can relate to everything we share,started to have circles of readers and even followers,and boost your confidence cause you know there's people who cant skip reading your thoughts and feelings...for me as a blogger i dont have to tell them i have a blog haha ^^

    ReplyDelete
  3. So tama! So tama! wahehehehe
    Nagulat nga rin ako when I met some former colleagues, nagbabasa pala sila ng blogs and it so happen eh minomonitor rin nila ako ☺

    gulat lang ng kaunti... hehehe wala pa manan kasi akong mahalay na post ☺

    ReplyDelete
  4. siguro ikaw at ikaw din ang unang makakabasa ng post ko haha For me, just trying something different and maybe to vent out my ideas, kalokohan sa buhay and to feel my presence on the web. Bored na sa FB lol

    ReplyDelete
  5. *Rob, hello hello! ako naman i just want to express myself in a way that no one will even bother care what i am writing. minsan, to kill time na din. :)

    *cherie, tama!

    *Bryan, iniisip ko tuloy what will happen kung may mahalay na akong post.

    *A3c, hahaha. nagulat ako nagcomment ka. tama, umay minsan ang facebook we

    ReplyDelete