Pages

Friday, January 13, 2012

Para kay Mariel


kababata ko si erick. mayaman ang family nila. sa tingin ko, sila ang pinakamayamang pamilya sa lugar naming dati. engineer kasi ang tatay niya.

sabay kaming lumaki ni erick. naging classmates din kami nung elementary. ang bahay nila, parang pangalawang tahanan ko na dati, alam na alam ko ko ang lahat ng bahagi noon. marami kaming activities ni erick dati. si erick ang kasama kong mangaroling pag christmas, siya ang nagturo sa king mag solitaire sa computer, siya ang nagturo sa kin na mag chess at scrabble, ang unang magkakakita ng una kong performance para sa school oration, at marami pang iba. minsan, lagi din akong kasama sa mga lakad ng family niya kunwari may laban sila ng taekwondo o pupunta sa recital ng kapatid niya. si erick ay isang depenisyon ng isang childhood bestfriend, at isa siya sa pinakabest noong mga panahon na iyon.

pero ang kwento na ito ay hindi tungkol sa kanya. :p

may pinsan sina erick na kaclose ko din – sina marvin at mariel. laki silang dalawa sa probinsiya at dumadalaw lang tuwing bakasyon sa muntinlupa. si marvin, kasing edad namin ni erick, kasama din sa mga kalokohan naming dati. si mariel naman, mas bata ata sa min ng limang taon.

si mariel, matapang na bata, saka masipag. dati, kahit tanghaling tapat, kapag inutusan siya hindi siya aangal. minsan naabutan ko siya ng alas nueve ng gabi kasi may inuutos pa sa kanya. mabait si mariel, masayahin, isang typical na bata.

magkachat kami sa skype ni erick kanina, asa uk na kasi siya. kahit na matagal na kaming hindi nagkakasama, kapag sinipag, we get to catch up. kinamusta ko sina marvin at mariel kay erick, kasi nga matagal na rin akong walang balita sa kanila ng malaman ko na namatay na si mariel.

nagpakamatay.

ayon kay erick, hindi daw nakayanan ni mariel ang pagkabigo niya sa babae. nagbigti daw siya. nakakalungkot lang kasing isipin kasi one week pa bago natagpuan ang katawan niyang nakasabi sa dating computer shop ng kapatid ni erick. long weekend daw kasi, kaya hindi nakadalaw agad ang kapatid ni erick sa shop nila.

kaya nga sinasabi ko, mahirap uminom mag isa ang mga taong may malaking problema.

nakakalungkot. kahit two years ago pa iyon, hindi ko maisip na may kakilala akong ginawa iyon.

hindi talaga perfect ang buhay. 

mariel, kung asan ka man. sana natagpuan mo na ang kaligayahang matagal mo ng pinaglalaban.

11 comments:

  1. Hindi nakayanan ni Mariel ang pagkabigo niya sa BABAE? Lalaki si Mariel? Whoa! That's sad! Di ko alam sasabihin.

    ReplyDelete
  2. Hello Yow, yeah, lalaki si mariel.

    ReplyDelete
  3. god bless your soul, kaibigan ni orange. :)

    ReplyDelete
  4. Tsk tsk sobrang unforgivable ang pagpapakamatay... Sana he found peace.... Pati na rin sa mga naiwan nya...

    ReplyDelete
  5. oo nga po we. thanks sir glenn.

    ReplyDelete
  6. ow, that is just saddening. may mamatay pa nga lang na kakilala mo, it's different. oh well. life goes. remember mariel na lang..

    ReplyDelete
  7. .. sayang si mariel, nasayang lang ang buhay nya. :(

    ReplyDelete
  8. so true, rob. But sometimes ganoon lang siguro talaga.

    ReplyDelete