Pages

Saturday, January 28, 2012

Random Orange II

okay, random post. :)

- one week na akong morning shift! one week na nagbabarong pag pumasok sa work, kumakain sa megamall pag lunch, at higit sa lahat one week na tumatanggap ng tawag kasi mas madaming tumatawag sa umaga. sa nakaraang linggo, pakiramdam ko para akong zombie, kasi ba naman isang linggo na rin akong nakakatulog ng hating gabi at nagigising ng 5am. pakenshit, right? siguro ito ang napapala pag galing ka sa panggabi, pero iba kasi ang case ko, isang taon akong asa panggabi tapos biglang morning nalang. kahit umiinom na ako ng stress tabs pag gabi, hindi ko talagang magawang makatulog ng maaga. buti nalang rest day na tomorrow, kaso kailangan namang maglaba, baka mamurder ng laundry shop ang barong kong bagong bago, kasi isang taon siyang natago sa baul bago nagamit. hahaha.

- nakabili na ako ng book number 2, for sure narinig niyo na iyon, siguro ‘kapag gumawa nalang ako ng post about the book ko sabihin kung ano yun. pero clue, tagalog book. :)

- nagapply pala ako ng part time. hmm… isa siguro sa pinaka hindi ko siguradong ginawa sa buhay ko ang part time na yun. haha. alam ko naman na nagsusulat ako, pero hindi ko lang sigurado kung may magbabayad sa akin para sumulat ng isang bagay. sana lang, as in sana lang, every thing turn out well, para kahit papaano mag tuloy tuloy na.

- i am already planning a solo trip. may napili na akong lugar, hindi palang ako nagsisimulang magplan ng itenerary kasi ayaw ko naman talaga ng itenerary. parang mas masaya na pumunta nalang sa isang lugar, maupo sa buhangin, damhin ang init ng haring araw at pakinggan ang alon. what can you say about BOLINAO?

- sobrang thank you pala sa 21 kong followers, saka sa mga friends ko from wordpress na walang sawang bumabalik sa orange kong mundo. haha. as i checked my stats, mayroon na akong 8500+ na views, haha. not bad. you make me happy guys. salamat talaga.

ito muna, kasi masyado na akong antok. may book pa na kailangang basahin at barong na kailangang ibabad sa ariel. haha.

have a great weekend.

6 comments:

  1. ayt... you don't like to be a day walker? Mas ayoko ng maging zombie ☺ hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi talaga. sobra akong nasanay sa panggabi na parang mas buhay ako kung ganoon ang shift ko. :)

      Delete
  2. Ako din malapit na maging Daywalker. 4am-11pm na pasok ko next week :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hay naku, good luck sa iyo elmer.

      Delete
  3. wow wow wow hahah so that explains why i seldom see you post something...but parang susunod ako sayo,im from cebu so i dont know if its really in bolinao...but i heard its awesome...and wish you luck on your new part time ^^ i hope i gotta chance to read those write ups...and im glad uv'e post a comment on my last post thank you orange ^^ god speed u will be blessed cause youre good hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi naman seldom siguro, hahaha. madami pa rin akong mga post. ano ka ba, your always welcome. i love reading your blog.

      Delete